"I met you in Philo class. Pareho tayong irreg student sa klase na wala tayong ni isang kilala. Ikaw ang unang kumausap saken. Tinanong mo kung anong course ko, year ko, at name ko at ganun din ako sayo. We began as casual friends, and you started saving a seat for me at the back every day.
Dahil pareho tayong irreg sa class, palagi tayong partner kapag may classroom activities. Nakakahiya kasing makihalubilo sa kanila kaya naging dependent tayo sa isa't isa.
I was dating someone else at that time and I was faithful to that person. Kapag may problems kami, sayo ako nag oopen up. Kapag may gusto akong malaman, sayo ako humihingi ng opinyon kasi pareho kayong lalake.
Until mid sem, we broke up. I found out that he was cheating on me. The day after, pumasok parin ako sa klase kahit wala parin ako sa sarili.
Napansin mong tahimik ako at hindi kumikibo sa mga kwento mo.
"Ano nanamang ginawa niya?" Tanong mo.
Hindi kita sinagot. Hindi kita masagot. Dahil pinipigilan ko ang sarili kong sumabog. Pero hindi ko kinaya, umiyak ako sayo. Iyak ako ng iyak.
Sabi mo, "It just means na hindi kayo ang para sa isa't isa. Wag mong iyakan ang lalaking hindi para sayo."
Niyaya mo akong kumain sa labas after class. Manood ng sine. Maglaro sa toy's world.
Tinulungan mo akong makalimot pansamantala ng araw na yun at sa mga sumunod pang araw.
Natapos na ang semester, pareho tayong nakapasa. Pero yung pagkakaibigan natin hindi natapos. Sinusundo mo ako sa klase para sabay tayong kumain.
Madalas napagkakamalang tayo pero sasabihin kong bestfriend lang kita. Kahit alam kong gusto mo ako. Alam kong takot ka lang umamin. Alam kong takot kang i-risk yung pag kakaibigan na meron tayo. Takot kang madisappoint ako.
Second year, sa wakas. Nagkaroon ka din ng lakas at nag tapat ka. Gusto mong maging higit sa kaibigan ang relasyon nating dalawa. Sinagot kita. Sinagot kita kasi pareho lang tayo ng nararamdaman.
Pareho lang nating tinatago ang pagmamahal natin sa isa't isa sa salitang "kaibigan" dahil pareho tayong takot.
Third year, napaka saya ng relasyon natin. Sabi nga eh "Ang pinaka magandang relasyon ay ang relasyon na nag simula sa pagiging mag kaibigan" dahil kilala niyo na ang isa't isa. Alam niyo na ang mga flaws niyo pero pinili niyo paring mag mahalan.
Yung relasyon natin na parang mag tropa lang kagaya ng dati. Nag aasaran. Nag babatukan. Walang pinagbago.
Palagi tayong magkausap. Araw araw. Oras oras. Clingy ka kasi eh.
Gusto mo palaging naririnig ang boses ko. Konting late reply lang nagtatampo ka na. Parang ikaw pa nga ang babae satin eh. Hehehe. Moody ka. Matampuhin. Sensitive.Pero kahit ganon naging matatag tayo. Umabot tayo sa second anniversary natin ng masaya at nagmamahalan.
Fourth year, busy na tayo sa kanya kanya nating requirements para maka graduate. May OJT ka, may OJT rin ako. Idagdag pa ang thesis at exams pero gumagawa ka parin talaga ng paraan para magkita tayo. Minsan kahit busy ka, sumusulpot ka sa company na pinag OOJThan ko kahit gabi na para lang maihatid ako sa bahay. Minsan sa labas ng classroom nag hihintay ka habang nag rereview.
Ang swerte swerte ko. Totoo nga yung sinabi ni Popoy na "May taong aalis sa buhay mo dahil may darating na mas better. Na mas papahalagahan ka at di ka lolokohin."
Ako na ata ang pinaka masayang babae kasi sakin ka.
Second sem ng fourth year. Hindi na tayo nagkikita madalas kasi sabi mo busy ka sa thesis. Naiintindihan kita. Minsan hindi ka na nagrereply sa mga texts ko. Tatawagan kita patay ang phone mo. Dahilan mo, busy sa thesis eh.