"She was once one of the boys"

1 0 0
                                    


Nung una palagi kaming inaasar ng mga barkada namin kesyo bagay daw kami. Lagi daw kaming mag kasama. Ang kaso, ayoko sa kanya. Lalaki pa siya pumorma sakin. Mas matapang pa siya sakin. Bestfriend lang talaga ang turingan namin.

At nag bago ang tinging yun nang dumating ang prom night.

Habang malungkot kong tinitignan yung crush kong may kasayaw ng iba, tinawag ako ng barkada ko at pag lingon ko, sabay sabay kaming namangha sa ganda ng barkada namin na nili-link sa akin. Naka make up, naka gown, kulot, babaeng babae. Halos tumulo ang laway namin sa ganda niyang hindi namin inakala. Hindi lang kami, kundi lahat ng tao dun sa prom napa-nganga sa kanya. Lahat kami natahimik. Hanggang sa nag salita siya "Huy tangina niyo! Para kayong nakakita ng aswang ah?" at natauhan kaming lahat.

My barkadas be like: "Wow! Ang ganda mo." "Grabe. Babaeng babae ka sa suot mo. Pwede kabang ligawan?" "Ang sexy mo." And she responded, "Mga ulol! Papaligaw lang ako kung si Jason ang manliligaw sakin."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ang lahat saken. At yun, naging crush ko na siya.

Ilang linggo matapos ang prom hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya. At nang tabihan niya ako sa bench pagkatapos mag basketball. Tinanong ko siya.

Ako: Totoo ba yung sinabi mo?

Siya: Alin?

Ako: Sa prom?

Siya: Huh?

Ako: Papayag kang ligawan kita?

Siya: *natawa*

Ako: Seryoso ka ba dun?

Siya: Bakit mo tinatanong?

Ako: Liligawan kasi talaga kita.

*napatigil siya sa pag tawa*

At ayun, pumayag siyang ligawan ko siya hanggang sa sagutin niya ako. Tinutukso tuloy lalo kami ng mga mokong na barkada namin ng "Aayaw ayaw kayo noon, magiging kayo din pala. Yiiiie."

Nakakatawa nalang alalahanin lalo na kapag may mga reunion kaming mag babarkada. Busy na kasi kami sa kanya kanya naming trabaho at pamilya.

Yep, we're married and we're parents of two kids.

Jason
2003
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

FSF FavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon