It's being wise

1 0 0
                                    

Sabi ng mga lalake; "Basta mayaman sagot agad ang babae. Kapg mahirap basted agad."

Hindi lang ito tungkol sa pera. Nag iisip din naman ang karamihan saamin lalo na kaming mga babaeng lumaki sa marangya o "average" type of family.

Sino ba namang babae ang gugustuhing pumili ng miserableng buhay? Magkaroon ng asawang isang kahig isang tuka? Gutom na mga anak? Kapag nagka sakit ay mababaon sa utang? Magtitiis sa de-lata at per kilong NFA? Buhay na hindi nakasanayan.

Kami yung mga babaeng nag iisip na "Hindi ka kayang palamunin ng pag ibig."

Sana intindihin niyo rin kami na gumagamit rin kami ng utak at hindi puro pag ibig lang ang pinapairal. Para narin naming nilunod ang sarili namin sa putikan sa pag patol sa lalaking alam naming walang pangarap sa buhay, hindi pina-prioritize ang edukasyon, puro nalang "Bahala na" at Walang ibang ginawa kundi tumambay, mag DOTA at mag bisyo. U know what I mean?

Hindi ko nilalahat ang mga lalaking lumaki sa hirap. Iba ang lalaking mahirap na may pangarap sa buhay, binibigyang importansya ang edukasyon upang maka ahon sa kahirapan kumpara sa mga lalaking nabanggit ko sa itaas.

Some women
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

FSF FavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon