Miss BitterAna I

30 0 0
                                    


"Aray" sabi ni Donnalyn. Dona for short , ang bestfriend kong harot. Umaray sya kasi binatukan ko . Tawa kasi ng tawa habang nakatingin sa phone nya ,baka nababaliw na.

"nababaliw ka na ba? bakit tawa ka ng tawa dan?" sabi ko . Ako nga pala si Ana .Yes I'm Ana Fuertez. Isa "daw" akong bitter (yung di makamove on , yung hindi naniniwala sa forever, yung nagagalit sa present ni ex) 

Biterano sa pagiging bitter yeah! kaya minsan tawag sa akin 'Ms. Bitterana'. Kasalanan ba maging bitter ? siguro hindi naman kasi tao lang ako... nasasaktan din </3

<Back to reality>

"kaya ako tawa ng tawa kasi nag text yung boyfriend ko" sabi ni Dona na kinikilig . 😒

Sabi sa inyo harot eh pero kahit na ganyan yan love ko yan 😊

"Clown ba yung boyfriend mo at grabe kang makatawa sa text nya. Ano ba yung text nya sayo?" sabi ko

"eto kasi yung text nya. babasahin ko sayo" sabi ni Dona at hinanap ang text ng jowa nya sa kanya

"Eto ang sabi nya ,kung turnilyo daw ako, ang sabi ko bakit tapos sabi niya kasi paikot-ikot daw ako sa isip nya at bumabaon sa puso nya" sabi nya sabay hampas sa unan at naglulundag sa kama ko. Langya tong babaeng 'to sisirain pa yung kama ko. 

Nandito kasi kami sa kwarto ko .Ang sabi kasi niya sa akin, kaya sya nandito ay para tulungan akong gumawa ngproject  😑

"Sus . mag brebreak din kayo " sabi ko sa kanya.Baka sakaling matauhan

"Hay naku ! Ana Fuertez umiiral nanaman yung ka bitteran mo . Basta ako nakikita ko kay Frank ang future ko kasama sya. Feeling ko Forever na kami" sabi ni Dona

"Feeling mo lang yun. Madami ng pinaasa yung Forever na yan."

"Alam mo kasi girl. Move on na. Nang sa ganon ay maging masaya kana. Huwag mo ng hawakan yung mga bagay na nagpapalungkot sayo"

Sana nga ganon lang kadali. Yung isang kumpas lang ng kamay ko makakamove on na agad ako pero hindi e, hindi ganun kadali. Ang hirap lalo na mahal ko pa din sya 💔

Matapos kong gawin ang project ay bumaba na kami. Ang alam ko ay nag prepared si Mama ng Food.

Naabutan ko si Mama na nakaupo sa sofa habang nanonood siya ng 'one more chance' mangiyak ngiyak na nga si Mama at ito namang si Dona nakisali pa hayts bahala na nga lang sila dan. Ako? kakain na lang ako, mabubusog pa ako. Ayaw ko nang umiyak ,graduate na ako sa pag iyak pagod na ako! pati ba naman sa papanoorin ko iiyak padin ako, ayoko na! kasi nakakasawa na.

Pumunta ako sa garden ng house namin at umupo sa isang bench. Gabi na pala ang bilis ng oras kagaya ng feelings niya. </3

Ang daming bituwin. Buti pa ang bituin may kasama , nagniningning na parang masasaya sila.

Kung hindi niya lang sana ako iniwan edi sana di ako nag iisa at sana masaya ako ngayon.

Ang daming sana. Sa dami ng sana minsan nagiging imposible na.

Napatingin ako sa langit. sa napakaraming bituwin.

 Nakatingin rin kaya siya sa mga bituwin tulad ng ginagawa ko ngayon? Natatandaan ko pa dati nung sabay naming tinitignan ang mga bituwin.

*FLASH BACK*

Sabay naming tinitignan ang mga nagniningning na mga bituwin, ang feeling ko tuloy nasa teleserye kami kasi ang romantic nito hahahah yung nakatingin kayo sa mga bituwin kasama sya.


Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at narinig ko ang kanyang buntong hining kaya naman napatingin ako sa kanya.

"ayos ka lang?"

Tumango sya "pagod lang ako siguro" sabi nya.

Wawa naman babe ko napagod ata sa training nila ng basketball 

"gusto mo i-massage kita"

"hindi na , uuwi na lang ako para magpahinga" tapos nauna na siya sa kotse at tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan para sundan sya.

*kinabukasan*

Nakipagkita siya sa akin sa may gym ng school. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang gustong makipagkita dapat after lunch pa kami magkikita ewan ko lang kung bakit ngayon biglaan. 

Nag excuse ako kay Sir para makalabas at mapuntahan ko sya sa gym.

Nung nakita ko sya sa may gilid ng gym ay agad akong lumapit sa kanya.

"Ui Babe" masayang bati ko sa kanya

"Usap tayo" sabi nya ng wala man lang emosyon sa mukha. May problema kaya 'to?

"Uhhm.. sige. Ano ba yung pag-uusapan natin. May problema ba babe?" hindi niya sinagot ang tanong ko. Tinignan nya lang ako ng makahulugan pagkatapos ay tumingin siya sa malayo at tumango. Napakunot ang noo ko sa mga kinikilos niya. Hindi ko siya maintindihan

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Sorry Ana pero ayoko na. Break na tayo." bigla na lang nag freeze ang utak ko , ang puso ko , ang buong katawan ko. Hindi parin nag proprocess sa utak ko yung sinabi niya sa akin at alam kong ayaw din i-accept ng puso ko.

Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko sa pisnge ko.

"Pero bakit? Okay naman tayo diba? Mahal mo naman ako"

"Hindi ba pwedeng ayoko na"

"No! kailan lang sinabi mong mahal mo ko tapos ngayon makikipaghiwalay ka sa akin dahil lang sa ayaw mo na. Sh*t naman sh*t! Saan ba ako nagkulang ha?" hindi ko pa din mapigilan ang emosyon ko kaya lumalakas na din ang boses ko at wala narin akong pakialam sa sinasabi ko. Ramdam kong pinagtitinginan kami lalo na at nasa may gym pa kami pero wala akong pake. Hindi pwedeng manahimik na lang ako kasi ang sakit eh. Ang sakit sakit.

"Ayoko na, di na kita mahal"sabi niya sabay bitbit ng bag niya at tuluyan ng umalis

Naiwan na lang akong umiiyak , wala akong magawa kung di umiyak ng umiyak. Tanga ko no? Iniiyakan ko yung taong hindi kailan man ako pinahalagaan.

The next day... dahil kinabog ko ang pagiging tanga. Pumunta ako sa bahay nila para humingi ng sorry sa mga nasabi ko sa kanya at subukan sanang ayusin ang relasyon namin.

Kakatok sana ako ng makita kong bukas ang pinto kaya dumaretso na akong pumasok. Sa hindi inaasahan .. kitang-kita ng dalawang mata ko na may kahalikan siyang babae. Bakit ko pa kailangan makita 'to? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?

Hindi ko na makayanang makita sila kaya mabilis akong umalis papalabas ng bahay nila, sa kasamaang palad ay nadapa pa ako. Great! Ang malas ko lang talaga. Hindi ko nararamdaman yung sakit ng tuhod ko kahit na nadugo na ito. Ang nararamdaman ko lang ay ang sakit ng puso ko.

Pinagsisihan ko kung bakit pa ako pumunta sa kanila. Pinagsisihan ko kasi sinubukan ko pang makipag ayos sa kanya at pinagsisihan ko dahil minahal ko pa sya.

*END OF THE FLASHBACK*


"Alam ko kaya ka umalis dun kasi madrama kami eh! bakit nagdradrama ka naman ngayon dito dapat sinamahan mo na lang kami"

Kahit kailan panira talaga ng moment tong si Dona -_-

"oh tissue" sabi ni Dona sabay abot sa akin nung tissue. Alam na talaga niya ang kailangan ko ☺ Umupo din siya sa may bench na kinauupuan ko.

"Salamat sa tissue ha" sabi ko medyo natuwa naman siya

"Oy! Anong salamat ka dan? May kapalit yan noh!" napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya

"Samahan mo ko bukas" sabi niya ng may pagtaas at pagbaba ng kilay. ugh 😑 naparolled eyes na lang ako.

Miss BitterAnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon