"Ui Please Ana , samahan mo na akong mag mall" ang kulit naman nitong si Donnalyn. Nagpapasama na naman sa Mall, sure naman akong kikitain lang nya yung boyfriend nya. Baka mag mukha lang akong chaperon i mean magandang chaperon haha 😂.One time niyaya ako ni Dona na mag mall mag eenjoy daw ako tapos yun nung nandoon na kami Op lang ako sa kanilang dalawa ni Frank , ayun sila masaya tapos ako nganga.
Hindi Legal ang relationship ni Dona at Frank . Ayaw kasi ng parents ni Dona na magkaboyfriend na agadsi Dona. Eh matigas ang ulo ng bestfriend ko kaya ayun patago silang nag kikita . Ehh bawal naman gumala si Dona ng walang kasama kaya ayun Pati ako damay . tsk!
"Ohh.. ganto na lang, kung gusto mo may papadate na lang ako sayo para hindi ka ma-OP samin" sabi ni Dona
"Aray" batukan ko nga
Aba dadamay pa ako sa kaharutan nya pati alergic ako sa mga date date na yan.
"ayoko" sabi ko sa kanya
"Sige ganto na lang, pagsumama ka ibibigay ko sayo yung ice cream na gusto mo"
Hindi ordinaryong ice cream ang sinasabi ni Dona . Ayun yung pinakamasarap na ice cream na natikman ko . Kahit yung mga branded na ice cream walang sinabi . Hindi ko kasi alam kung saan nya binibili yun eh . Nalove at first sight ako dun sa ice cream nung pinatikim sa akin ni Dona (buti pa dun sa ice cream nalolove at first sight ako)
Napatingin naman ako kay Dona
-----
"Nasaan na ba kasi yun?" sabi ko kay Dona habang nakatingin sa relo ko. 10 minutes na siguro kaming nandito. Hello? nakakapagod kayang maghintay no!
"Wait lang. tatawagan ko lang siya" sabi niya at lumayo ng kaunti para kausapin ang boyfriend niya.
Nandito kami ngayon sa Mall . Oo nanalo sya ,Tuso din kasi tong si Dona ehhh
After a couple of minute ay bumalik na si Dona
"Nasa may arcade daw siya" kaya naman pumunta kami kung saan man lupalop ang boyfriend niya.
Nung nakita nami si Frank , ayun si Dona mabilis na lumapit kay frank. Tapos ayun nagyakapan agad. miss nila ang isat-isa, hindi obvious!
PDA na agad kaasar . Dito pa talaga sa harapan ko. >___<
Seriously? kailangan sa harapan ko pa talaga mismo nagyayakapan 😒
"Ehem!" nag clear throat ako para malaman nilang nandito pa ako
"Ay sorry 😁✌"
"Oh hi Ana" bati sakin ni Frank , tumango naman ako as a response
Hindi ako boto kay Frank para kay Dona. Obvious naman diba? Kasi diba kung seryoso talaga si Frank sa bestfriend ko kaya nyang humarap sa magulang nito kahit ang magulang ni Dona ay dragon kasi ibig sabihin ko kaya mo syang ipaglaban kasi mahal mo talaga sya. Diba? may Point ako. Pero ano ba tong pinagsasabi ko hindi naman talaga ako boto sa mga lalaki dahil lahat sila manloloko . kuha niyo MANLOLOKO . sa una sasabihin nila iba ako sa kanila pag sa huli Boom ayun na pare-pareho lang din sila . xerox copy baga!
Pero sa ngayon kitang kita ko sa mukha ni Dona na mahal na mahal nya talaga si Frank . Naku talaga Pag niloko nya ang bestfriend ko maghanda na sya ng pangburol nya . Bwhahhahaha !!!!
"Guys. mamasyal lang muna ako." paalam ko sa kanila. Binigyan ko muna sila ng time, siguro namiss nila ang isa't isa kaya grabe ang yakap nila kanina pati OP na rin ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Miss BitterAna
Подростковая литератураReyna ng kabitteran. Sa kanyang hugot ikaw ay matatamaan Pilit na kinakalimutan ang nakaraan, para makita ang kasalukuyan. Pintig ng kanyang puso'y di niya pinapakingan kahit magic ng pag-ibig di niya pinapaniwalaan Mga lalak...