Sunday ngayon.
Nandito ako kina Dona , wala naman kasi akong kasama sa bahay kasi umalis si Mama may importanteng aasikasuhin daw. Hindi nga sinabi kung ano yun e. Kung itatanong nyo kung nasaan ang dad ko never mind na lang
*toot* *toot*
kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko para malaman kung sino ang nag text
From: )unknown) +639**********
Hi! Sorry nga pala nung isang araw
Huh? sino naman kaya ito. Stupid me! bakit hindi ko kaya itanong
To: (unknown) +639**********
Who are you? and sorry for what?
mabilis naman syang nagreply
From: (unknown) +639**********
I'm Denzel
Denzel? Denzel..Denzel.. Denzel. Wala naman akong kilalang Denzel
To: (unknown) +639**********
Denzel?
*toot* *toot*
From:(unknown) +639*********
Denzel yung pinsan ni Frank
😮 oh my, hindi nga?
To: Mokong 😈
Denzel? yung bastos, walang modo at pilosopong mokong na lalaki?
From: Mokong😈
Ako nga , at ikaw naman yung babaeng masungit/ mataray na akala mo pinagbagsakan ng lupa na malaki ang galit sa mga lalaki. Ana Fuertez right?
😠 paano nya nakuha ang number ko at paano niya nalaman ang panggalan ko?
😒 napatingin na lang ako sa katabi kong umiinom ng juice na pineapple ang flavor na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"ikaw ba ang nagbigay ng number ko sa mokong na yun?"
"Ahmmmm... cr muna ako" palusot nya pero pinigilan ko sya
"Dona naman bat mo naman binigay yung number ko sa asungot na yun?"
"Ah eh gusto nya daw kasing makaipagbati sayo"
Wow ha! gustong makipagbati tignan nyo yung text message nya.
"Gustong makipagbati eh oh tiganan mo nga" pinakita ko sa kanya ang conversation namin tapos napangisi at napailing sya.
"ikaw naman pala ang nag umpisa" sabi ni dona
Ako nga pero kahit na , dapat ang babae minamahal hindi sinasaktan (sinaktan nya ako gamit ang masakit na salita)
"basta dapat kung mag sosorry sya dapat hindi sya nanunusot"
"makaisip lang talaga ako ng pang ganti sa mokong na yun, Makikita nya"
"So? umaasa kang magkikita pa kayo?"
"Of course not pero nga dahil masyadong maliit ang mundo para sa aming dalawa dahil ang bestfriend ko ay may boyfriend at ang boyfrriend nya ay may asungot na pinsan"
"ibalik ba naman sa akin. Tell me kasi kung bakit ka galit na galit ka kay Denzel?"
"Bakit nga ba? Ewan basta nakakainis sya"
"Sabi nga nila the more you hate the more you love. ayiiie 😍"
Pwede bang pumatay ng tao kahit ngayon lang . Kaasar naman kasi tog si Dona lagi na lang akong tinutukso sa mokong na yun. Gwapo lang sya pero manloloko pa rin.
"Siguro kaya ka naiinis sa kanya kasi may pagkaganoon din ang ugali ni Bryan."
Nag-flashback naman sa utak at puso ko ang mga panahong lagi kaming nag-aaway ni Bryan na para kaming aso at pusa noon. Naiinis ako sa kanya nun dahil may kayabanggan siyang taglay . Dun kami nagsimula sa pagbabangayan hanggang sa mahulog ako sa kanya hanggang sa naging kami at hanggang ayun nga nga. Ang lahat ng kinahahantungan ng relationship ang BREAK UP 💔.
Si Bryan ang ex ko, si Bryan ang dahilan ng pagiging bitter ko. Ang pait man pakinggan pero ayun ang katotohanan.
Naisip ko na naman yung gagong yun. Nasan na kaya siya ngayon? naiisip din nya kaya ako ? uggh crop
Dapat hindi ko na iniisip yung ganyang bagay. Dapat hindi na ako umaasang babalik pa siya kasi wala , wala na sya. Iniwan na niya ako matagal na. Siguro dapat ko na lang tanggapin ang katotohanan na simula nung araw na umayaw na siya isa na lamang siyang ala-ala.
Bakit pa kasi kailangan may maiwan? At bakit kaya maya taong kayang mang-iwan. Nakakainis yung mga taong ganun napakaselfish nila hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ng taong iiwan nila. Pag naalala ko ko kung paano ako iniwan ni bryan ay naalala ko ang mama ko kung paano siya iniwan ng papa ko.Wala pa ako sa mundong ito , nasa tiyan palang ako ni mama iniwan na agad kami ng papa ko. Siguro sobrang sakit nung naramdaman ni mama lalo na may alaala pang iniwan ang magaling kong ama at ako yun. Kwento sakin ng mama ko iniwan siya ng papa ko nag malaman niya buntis si mama at one day nabalitaan na lang ni mama na ikakasal na agad ang papa ko sa iba. Buti na lang di ko pa siya nakikita , buti na lang di pa naririnig ang boses nya at buti na lang di siya nagpaparamdam dahil ayokong makita ang tulad nya.
Narealized ko nma lang na naginginlid na ang mga luha kong malapit nang tumulo. Pinunasan ko na agad iyon, tama na 'to. Ilang beses na akong lumuha ng dahil dito.
Napansin namam agad ni Dona ang expression sa mukha ko.
Kaya nagpaalam na ako kay dona dahil biglang sumama ang pakiramdam ko."Ana okay ka lang ba talaga? Gusto mo ipahatid na kita, nandiyan pa naman yung driver namin." sinabi nya ng medyo nag aalala
Ngumiti ako sa kanya as a sign na okay lang ako.
May mga bagay kasi na kahit masakit idadaan na lang sa ngiti kahit papaano matakluban ang sakit.
Pagkauwi ko ng bahay ay dumaretso agad ako sa kwarto at humiga sama ko. Bakit ganito feeling ko pagod ako kahit wala naman akong ginagawa
Narinig ko na nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa tabi ng kama na nasa ibabaw ng table ng di nakatingin at sinagot ito
"hello"
"hi miss"
"sino to? "
"aww di lang tayo nagkita, nakalimutan mo na agad ako. "
Tsaka ko lang narealize na kausap ko pala ang mokong
"bakit ka ba tumawag? "
"hmmm.. Siguro dahil may phone ako at load kaya tumawag ako" natatawa pa nyang sabi
"hoy mokong kung may balak kang manggulo ng araw, please wag ako. "
"eh paano kung ikaw ang gusto ko"
😳"ano? Gusto mo ko? "
"hahahah i mean gustong kausap. So yun pala naisip mo ha"
Lupa kainin mo na po ako 🙈
"syempre hindi, sige na magpapahinga pako. "
"sige po miss amapalaya"
Tapos nag end ng ang call. Sira talaga yung lalaking yun, tatawag para lang sirain lang ang araw mo. Hanggang kailan kaya nya kaya sisirain ang araw araw ko 😒
BINABASA MO ANG
Miss BitterAna
Novela JuvenilReyna ng kabitteran. Sa kanyang hugot ikaw ay matatamaan Pilit na kinakalimutan ang nakaraan, para makita ang kasalukuyan. Pintig ng kanyang puso'y di niya pinapakingan kahit magic ng pag-ibig di niya pinapaniwalaan Mga lalak...