"Anak, gumising kana!! " tsk, si Mama naman oh. Ang sarap pa ng tulog ko
"Ma, five minutes pa po"
"five minutes na lang din at malalate ka na" dahil sa sinabi ni Mama ay napabanggon ako. Tinignan ko ang orasan at 😱 hala oo nga 5 minutes na lang at malalate na ko. Si mama naman kasi bakit di agad ako ginising
Lumabas na ng kwarto ko si Mama at ako naman ay nagmadaling pumunta na sa bathroom para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na agad ako sa bilis ng aking makakaya
Bumaba na ako, nakita ko si Mama na nag hahanda ng breakfast.
"Oh anak kumain ka muna. "
"Hindi na po Ma, sa school na lang po ako kakain. Late na late na po kasi ako. Sige ma bye na po" paalam ko kay mama at nag pahatid na sa Driver namin.
Late na ako sa first subject namin 20 minutes na lang ang natitira ay matatanpos na ang first period tapos ito pa ngayon na stuck kami sa traffic. Akala ko sa EDSA lang nag tratraffic pati narin pala dito 😩
Pagdating ko sa school ay sinalubong na agad sa ako ng mga classmates ko, o diba miss na nila agad ako 😂
"Ana dala mo ba yung group project natin? " classmate 1
"Nagagalit si Sir kasi tayo na lang ang kasi ang hindi pa nagpapasa" classmate 2
"kapag di daw tayo nakapag pasa hanggang after lunch, bagsak na daw tayo. " classmate 3
Patay kang pusa ka! Bakit sa lahat ng pwedeng iwanan bakit yun pa? Siguro sa kakamadali ko kanina kaya di ko na naalala na ngayon pala ang pasahan ng project namin.
Ayun yung ginagawa ko nung project nung isang araw remember? Ako kasi ang nagtapos nun kasi ako yung leader ng group.
Ang mga kagroup ko ay nakatingin kang sa akin at naghihintay ng sagot ko
"Don't tell me, naiwan mo? " classmate 2
Tumango ako "pero wag kayong mag alala, makakapasa tayo gagawaan ko ng paraan. "
Kukuhanin ko sa bag yung phone ko para maitext si Mama na ipadala dito sa school ang naiwan kong project.
Naihampas ko ang kanang kamay ko sa mukha ko nung narealize ko na pati ang phone ko ay naiwan din. Ughhh paano na 'to bakit sa lahat ng makakalimutan bakit yung project at phone ko pa? Bakit hindi na lang sya charot!
Ang higpit pa naman sa school,bawal pa namang lumabas ng school habang di pa time ng awas. Paano na 'to?
Bigla na lang pumasok sa isip kong ang bruha kong best friend tama si Dona paniguradong may dala yung phone dahil lagi nyang katext ang jowa nya.
Nagmadali ako pumunta sa classroom nila ,di kasi kami mag kaklase ngayon. Same grade pero magkaiba kami ng section.
Tapos na ang first period, kaya baka mahihiram ko yung phone nya
"kobi, nandyan ba si Dona? " sya kasi yung unang nakita ko pag punta ko ng room nila pati isa sya sa mga kakilala ko na classmate ni Dona kasi naikwento ni Dona na may crush daw sakin si Kobi.
Medyo nagulat si Kobi nung tinawag ko sya hahaha. Oo nga pala di pa kami nagkakausap, siguro di nya alam na kilala ko siya.
"Ahmmm wala siya dito. Lumabas ata kanina pagkadismiss. " sabi ni Kobi
Oo nga pala vacant nila kaya panigurado wala sa room yun, sa pagkakakilala ko sa kanya di sya napirmi ng room pag vacant o kaya naman walang gagawin. Buti na lang din at vacant namin kaya mahihiram at maantay ko yung project. Pwede naman akong manghiram sa iba ng phone kaya lang di ko sa ulo yung no. ni Mama pati nung driver namin pati yung telephone number sa bahay di ko din alam. Hindi ko kasi trip magsaulo ng mga phone numbers.
"sige salamat" nakangiti kong sabi kay Kobi
Agad akong pumunta sa favorite naming tambayan sa may garden dun sa may ilalim ng malaking puno dun kasi yung naging tambayan namin ni Dona ever since nung pumasok kami dito sa school. Ang fresh hangin tapos ang lawak pa at ang tahimik talagang masarap tumambay.
Nung makarating na ako sa may garden ng school ay di nga ako nagkamali at nandun nga si Dona. Alam kong sya yun kahit malayo pa ako sa kanya. Ilang years din kaming magkaibigan kaya imposibleng di ko sya makilala.
Lumapit ako sa kanya at nakita ko naman syang nagbabasa ng pocket book.
Umupo ako sa grass at tumabi sa kanya
"Himala di mo ata kasama yung boyfriend mo. "
"may sakit sya" She said habang di man lang ako tinignan at patuloy syang nagbabasa, naka pout pa ang bruha haha napakapabebe
"nagkakasakit din pala sya"
"Hoy ana grabe ka, anong tingin mo sa boyfriend ko di nagkakasakit. " sabi ko nga pagtatangol nya yung boyfriend nya
"Ano nga pala yung binabasa mo? " hindi ko pinansin ang sinabi nya at nag open ng ibang topic. Panigurado naman ako walang patutunguhan ang usapan namin
"ah ito ba "Sweet Revenge", bakit gusto mong basahin?" pag oofer nya sakin
"Ano ka ba haha alam mo namang matagal na ako tumigil sa pagbabasa nan. "
"Alam mo namiss ko tuloy yung times na sabay tayong nagbabasa at kinikilig sa mga kwento dito haha kaso ayun na bitterang lola mo hahah" pang aasar nya sakin.
"Hi" mula sa likod namin may narinig akong pamilyar na boses
Paglinggon ko ay hindi ako mag kamali ang bises ng isang mokong nga si Denzel.
"Anong ginagawa mo sa school namin? Paano ka na ka pasok diba bawal outsider dito? " tapos sya ay natawa lang hahaha god di nya po ba ako lulubayan pati po ba hanggang School
"Ganyan ka talaga bumati? Wala mang lang bang Hi or Hello? Pati hindi ako outsider noh student narin ako dito. " pagkasabi nya yun ay pinakita nya sakin ang school i. D. nya na pinapagewang gewang pa sa harap ng mukha ko
Tinabig ko ito "Buti pinapasok katulad mo dito, alam ko kasi bawal mahangin dito. "
"Haha ayaw mo nun araw araw mo na akong makikita, may rason ka na kung bakit ka papasok araw araw. "
Ughh ihahampas ko na sana tong bag na bitbit ko pa rin hanggang ngayon kasi napigilan nya ko
"Bad yan, sige ka di ko ibibigay sayo to" Nilabas nya mula sa bag nya yung... Project namin??
"Paano napunta sayo to?
"Pinadala sa akin ng Mama mo. "
"What? Kilala mo si mama? Pati bakit alam mo bahay namin. "
" I went there kasi akala ko nandun ka pa, makikipagbati sana ako sayo eh wala ka na pala dun kaya pinakiusapan ako ng Mom mo na dalhin na lang sayo yung project mo. "
Tama ba yung narinig ko? Sya makikipag bati hahaha joke ba to
Hindi ako nagsalita at kinuha sa kanya ang project ko.
Nagpaalam na ako kay Dona para maipasa na to, pero bago pa ako tuluyang makaalis ay nagsalita si mokong
"Ehem.. Wala man lang bang thank you dyan"
"Thank you... Thank you mo mukha mo" haha at tuluyan na akong umalis. Minsan naiisip ko ang sama ko sa kanya. Pero salamat talaga sa kanya dahil dun may maipapasa kami project at hindi kami babagsak.
Habang papasok ako sa office ni Sir, bigla na lang may pumasok sa utak ko yung book ni Dona.
Nakangiti akong pumunta sa faculty kung saan ipapasa ang project.

BINABASA MO ANG
Miss BitterAna
Novela JuvenilReyna ng kabitteran. Sa kanyang hugot ikaw ay matatamaan Pilit na kinakalimutan ang nakaraan, para makita ang kasalukuyan. Pintig ng kanyang puso'y di niya pinapakingan kahit magic ng pag-ibig di niya pinapaniwalaan Mga lalak...