Four

42 5 0
                                    

Author's Note; Hello guys! Sorry sa late update. Anyway. Eto na!

***

Chapter Four
DEAN


Maraming emosyon ang tumama kay Dean. Hindi niya halos matanggap na aalis na sila Dominique kinabukasan. Mamaya. At baka hindi na sila mag-kikita, mag-uusap, at magpapalitan ng sulat kapag umalis na sila. Gusto niyang tanungin si Dominique kung bakit niya ginawa 'yun. Andami niyang tanong na hindi masagot-sagot.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay bumisita ang mga magulang ni Dean sa kwarto niya. Nagpanggap nalang si Dean na natutulog, kahit medyo parang sinisinok siya dahil sa kakaiyak. Pero hindi naman ito napansin ng mga magulang niya, kaya umalis nalang sila at pinatay lahat ng mga ilaw sa buong paligid.

Naghintay siya ng ilang minuto at umalis sa kama niya, dumapa siya sa ilaliman ng kama niya at kinapa ang flashlight. Nung nakuha niya na ay binuksan niya ito at lumabas mula sa kwarto niya. Dumiretso siya sa harap ng pintuan ng yunit nila. Huminga siya ng malalim at buong loob na binuksan ang pinto. Agad sumalubong sakanya ang ilaw mula sa hallway at nakita niya agad ang pintuan ng yunit nila Dom. Kinabahan si Dean at parang naririnig niya na yung tibok ng puso niya. Parang yelo na rin ang kamay niya sa sobrang lamig, at parang kinukuryente ang mga tuhod niya at buong katawan.

Napatingin siya saglit sa flashlight niya na nakatapat sa pinto nila Dom at pinatay ito. Maya-maya pa ay naglakad siya papunta sa kusina at kumuha ng upuan. Habang binubuhat ito ay parang hindi siya nabibigatan o anuman. Iba ang pakiramdam ni Dean ngayon. Pakiramdam niya ibang Dean ang meron ngayon.

Inilapag niya yung upuan sa tapat ng nakabukas na pintuan nila at umupo. Binabantayan niya ang yunit nila Dominique at gustong-gusto niyang maabutan at makita siya sa pinakahuling pagkakataon. Gusto niyang sa pinakahuling beses ay makapapag-paalam siya ng maayos at marinig man lang ang boses ni Dominique. Gusto niyang sa pinakahuling pagkakataon ay makita niya man lang si Dominique na nakangiti.

Halos hindi kumurap si Dean at tutok ang mga mata niya sa pintuan nila Dom. Hindi siya dinadapuan ng antok at gising ang buong katawan niya.

Patuloy na umikot ang orasan at nalagpasan na ang bawat oras. Nakaramdam si Dean ng gutom pero hindi niya ito pinansin. Tinignan niya ang orasan: 5:01 a.m., at pagkalipas ng ilang minuto ay biglang napansin ni Dean na bumukas ang ilaw mula sa yunit nila Dominique sa pamamagitan ng butas sa ilalim ng pintuan nila.

"Malapit na," bulong ni Dean sa sarili. Sobra siyang kinakabahan sa mga susunod na pwedeng mangyari. Hindi niya malaman kung ano ba yung gagawin niya pagkalabas nila Dom. Kung anong magiging reaksyon nila ni Dom, kung anong sasabihin niya. Lahat, hindi niya alam. "Bahala na nga."

May mga naririnig si Dean na nagsasalita sa loob ng yunit nila Dom pero hindi ito malinaw. Alam ni Dean na gising na sila at naghahanda na sa pag-alis. Kaya naman naging mas aktibo pa yung katawan niya at alerto yung mga pangdama niya.

Naghintay lang siya ng ilang minuto hanggang sa pakiramdam niya na naiihi na siya. Pinigilan niya ito pero hindi niya nakayanan at dali-daling tumakbo papunta sa C.R..

Pagbalik ni Dean, nadatnan niya na nilolock na ng isang staff (napansin niya sa uniporme) yung pintuan ng yunit nila Dominique. Sobra siyang nagulat at alam niya na nakalabas na sila Dom. Tumakbo siya papalabas sa yunit nila. Nanginginig ang mga tuhod niya at malakas ang kabog ng puso niya, pakiramdam niya kahit na anong oras pwede siyang sumabog. Pagkalabas niya, tumingin agad siya sa kaliwa, wala sila Dom. Tumingin siya sa kanan at pagkaharap niya ay nakita niya sina Dom na naglalakad patungo sa elevator. May dala-dala silang mga bagahe na labis na nagpatakbo sa puso ni Dean. Pinagmasdan niyang mabuti ang pamilya nila Dom at napansin na naglalakad si Dominique sa likuran ng mga magulang niya, may hila-hilang trolly at nakayuko. Malayo na sila kay Dean at malapit na malapit na sila sa elevator.

Hindi na nag-dalawang isip pa si Dean na tumakbo patungo sa direksyon nila Dom ng sobrang bilis. Ayaw niyang umalis si Dominic, pero dahil alam niyang wala na siyang magagawa, kahit pamamaalam at huling sulyap sa mukha ni Dom ay sapat na para sakanya.

Kaunting hakbang nalang ay malapit na siya kina Dom. Pero nung malapit na siya, nagbukas ang elevator sa harap nila Dominique. Hahakbang na sana sila Dominique sa loob nang insinigaw ni Dean ang pangalan ni Dom dahilan para lumingon yung mga kapamilya ni Dominique. Pero hindi lumingon si Dominique. Napahinto si Dean sa kinatatayuan niya kahit medyo malayo pa siya kina Dom. Unti-unting lumingon si Dominique at bumungad kay Dean ang mukha ni Dom na kasalukuyang umiiyak. Nahulog ang puso ni Dean pero pinilit niyang ngumiti.

Binitawan kaagad ni Dominique ang hila-hila niyang trolly at tumakbo papalapit kay Dean habang ngumingiti. Masaya si Dominique, sobrang saya. Hindi siya makapaniwala na ginawa ito ni Dean at nalaman pa niya na aalis na sila ngayon.

Nagulat si Dean sa nakikita niya dahil ngayon niya lang nakitang ganito kalala ang iyak ni Dom at ganito siya kalungkot, na lagi naman niyang nakikitang nakangiti at tumatawa. At ngayon na tumatakbo si Dominique papalapit sakanya ngayon, wala siyang ibang maramdaman kundi kasiyahan na may halong kalungkutan.

Nung malapit na ito sakanya, niyakap ni Dominique si Dean ng walang pag-aalinlangan. Naamoy ni Dean ang mala-strawberry na amoy ni Dom sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Sa sobrang higpit ng yakap ni Dom ay halos maramdaman na ni Dean ang bilis ng tibok ng puso niya. Medyo malakas ang hagulgol ni Dom na nagpaluha kay Dean. Itinaas naman ni Dean ang mga kamay niya at binalikan din ng yakap si Dom. Ipinatong ni Dom yung ulo niya sa balikat ni Dean at patuloy na umiyak.

"Miss na miss na kita," bulong ni Dom kay Dean. "Pasensya ka na kung hindi ko sinabi sayo kaagad at lumayo ako sayo non kasi ayaw kitang maging malungkot at masaktan. Alam ko ako yung mali dahil hindi ko kasi kayang harapin yung problema. Patawarin mo ako Dean dahil wala na talaga akong magagawa. Gusto ko kasi masasayang alaala lang ang maiiwan ko sayo at wala ng iba. Pero pinalala ko lang pala lahat. Sorry Dean dahil hindi ko nasabi sayo, dahil natakot ako. Pasensya na kung naging duwag ako sa lahat. Huwag ka ng malulungkot, isipin mo magbabakasyon lang ako."

"Okay lang 'yun," sagot ni Dean. "Basta 'wag mo kong kakalimutan at magsusulat ka ha?"

Hindi sumagot si Dominique.

"Sige. Promise," deklara ni Dom sabay kalas kay Dean. Pinunasan nilang dalawa yung luha nila at sabay na napatawa. Kahit na sobrang bigat ng nararamdaman nilang dalawa, napilit pa din nilang ngumiti at magtawanan.

Sa huling pagkakataon, nagpaalam si Dom at pinangakong susulat siya, na medyo nagpangiti ulit kay Dean. Tumalikod at tumakbo na pabalik si Dom sa pamilya niya. At sa huling pagsulyap ni Dean kay Dom ay inaalala niya lahat ng meron kay Dom at parang kinukuhanan niya ng litrato si Dom sa isipan niya.

Parang bumabagal ang paligid ni Dean sa mga nangyayari ngayon. Kahit alam niya nang mawawala na si Dom na sumasalubong sakanya tuwing umaga, kalaro niya, kakulitan, at ang first love niya, kampante pa rin siyang magkikita sila ulit sa future. At hinding-hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita sila.

'Ganun ba talaga?' naisip ni Dean habang pinapanuod si Dom na tumakbo papasok sa elevator. Humarap siya kay Dean at kumaway. Kumaway pabalik si Dean. Tila mabagal pa rin ang paligid at parang naglalaho unti-unti at nawawala si Dom. Ngumiti si Dom sakanya at unti-unting sumasara ang elevator. 'Sa una ngingiti ka, pagkatapos sa huli, iiyak ka?'

Pumatak ng luha ni Dean mula sa namumula niyang mga pisngi habang patuloy na kumakaway kay Dominique mula sa kalayuan. Unti-unting sumara ang elevator at kasama nito ay naglaho at nabura ang mukha ni Dom.

"Paalam, Dominique."

***

Author's Note: Hi guys! So parang part 1 lang ang Chapter 1-4. Yung susunod na update is yung story na talaga. Anyway. Hope you enjoyed! Keep up with the next update! Thank youuuu! ♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Love in September [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon