Panaginip

16 0 3
                                    

"Actually, wala talagang pangalan ang bundok na yan. Nagkapangalan lang yan dahil doon sa nangyari." yan ang sabi nung matandang lalake saamin. Si Mang Dominador.

Mahigit 100 years na siyang nakatira sa paa ng bundok. Pero malakas pa siya. 

"Alam mo ba, inaakyat ko pa yang bundok na yan hanggang ngayon? Sa tuwing umaakyat ako, lagi akong may dala na kandila. Inaalay ko doon sa pinakatuktok." sabi niya ulit

Napatanong naman ako bigla, "Bakit po kayo nag aalay ng kandila sa tuktok?"

"Kasi nga..." 

"MARC! ANO BA! HULI KA NA SA PASOK MO! BUMANGON KA NA" ang nakakabinging sigaw ni Mama.

Hay nako sayang talaga yung panaginip kong iyan. Sana nga matuloy mamaya yung panaginip ko. 

Bago nga pala magsimula ang lahat, gusto ko munang magpakilala. Ako si Marc Andrew Smith. Half Filipino-Half American. American kasi tatay ko at si mama naman ay Pilipina. Graduate na ako ng college at may maayos na trabaho na rin sa call center. Umaga ang pasok ko at hapon naman ang uwi ko. Minsan kailangan mag overtime para may pangastos. 

"Hey Marc, come here!" sabi ni tatay.

"Yes dad? Do you need anything?" 

"Uhm, your friends called me earlier, they said that you will climb the Mt. Mortem?" 

Mt. Mortem? Eh yun yung napanaginipan ko. Bakit naman kami aakyat sa bundok na yun. 

"Oh. My friends didn't tell me about this."

"Maybe you should meet with your friends to talk about this matter." 


Mountain Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon