Revelation

8 0 0
                                    

So habang nag d-drive na ako papunta sa bahay ng tita ni Melody, binuksan ko yung TV ng sasakyan ko. At sakto, tungkol sa Mt. Mortem. 

"Isa nanaman ang natagpuang patay sa Mt. Mortem. Sinasabi na ang lalakeng ito ay nakilala sa pangalan na Thomas Castro. Pasintabi po sa susunod na pangyayari. Nakita po siyang naka tuhog sa puno ng kahoy na matulis. Sinasabi naman ng pulis na sinasadya ito at imposible na maging aksidente." 

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako kaya nilipat ko sa cartoons ang channel. Binilisan ko ang pag drive hanggang sa makarating ako sa bahay ng tita ni Melody. 

*kumakatok* "Tao po? Si Marc po ito." 

*bumukas ang pinto* "Ah! Marc! Buti napadalaw ka, tuloy ka!" sabi ng tita ni Melody 

"Uhm, tita may itatanong lang po ako sainyo?" 

"Alam ko na itatanong mo. Yung tungkol sa Mt. Mortem?" 

Nagtaka ako kung bakit niya nalaman. Bigla nanaman akong kinabahan. 

"Ah opo. Tama po kayo. Bakit sa tuwing nababanggit ko kay Melody ang Mt. Mortem ay parang natatakot siya?" 

"Ganito kasi yun, noong bata pa si Melody, umakyat ang magulang niya sa bundok na yan at ayun tatlong araw na hindi bumalik at hindi na rin nakababa. Kaya sobrang na depress si Melody nung time na yun. Matapos ang tatlong taon, may nakitang bungo ang isang reporter na umakyat sa bundok. Nang ipa-test para malaman kung sino ang mga yun, ang magulang ni Melody ang lumabas. Kaya natatakot siya kapag napapakinggan yung bundok na yan." paliwanag ni tita. 

Hindi na ako nagpaalam kay tita. Umalis na ako agad at pumunta kay Melody. 

Mountain Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon