Resolving the Mystery

8 0 0
                                    

1 year after the death of Melody

Dahil isang taon na matapos mamatay si Melody, dumalaw kami sa sementeryo kung saan siya ay nakalibing katabi ng lolo at lola niya. Nag alay kami ng dasal, bulaklak, at doon na rin kami kumain magkakaibigan. 

"Uy, naalala niyo pa si Melody? Eto yung favorite food niya." sabi ni Erwin.

"Ay. Oo nga pala, sige maglalagay lang ako ng pagkain sa puntod niya." sabi ko. 

Malamig ngayon sa sementeryo. Nasa ilalim kasi ito ng puno nakalibing si Melody. So nilalagyan ko na ng pagkain ang isang plato para ilagay sa lapida ni Melody. Ilalagay ko na sana kaso bigla ko nalang nakita si Melody na nakasabit sa puno; duguan at humihingi ng tulong. Kaya natapon ko ang pagkain ko. Nagtaka ang mga kaibigan ko. 

"Oh, parang nakakita ka ng multo. Ayos ka lang?" tanong ni Erwin.

Ang iba naming kasamahan biglang kinabahan kasama na ang GF ko doon. 

"Ah, naki-kita k..ko s-ss-si Me-m-Melody.." sabi ko. 

"Ha! Asan???" tanong ni Erwin.

Tinuro ko ang taas ng puno pero hindi ko tinitignan. Tumingin si Erwin.

"Sus, pare wala naman. Gutom lang yan! Kain ka muna pre!" sabi niya.

Tinignan ko ulit ang puno at wala na doon si Melody.

"Nakita ko siya talaga Jerlyn! Maniwala kayo!" daing ko.

Medyo naniwala si Aileen ang GF ko at si Jerlyn. 

"Sige naniniwala na ako sayo, Marc. Baka naman may gusto siyang sabihin." sabi ni Jerlyn.

"May pinaparating? Huling habilin? O may hindi pa siya tapos na misyon?" sabi ni Aileen.

"Ano ba guy's! Wag kayong maniwala diyan kay Marc! Nagloloko lang yan!" sabi ni Erwin.

"Alam mo Erwin, gago ka rin. Maniwala ka naman. Malay mo may gusto siyang iparating o ipatapos saatin?" sabi ni Aileen. 

"Pero alam niyo guy's, feeling ko talaga, may kinalaman to sa bundok na yan." sabi ko. 

"May point ka..." sabi ni Jerlyn "pero malay ba natin baka may pinapasabi sa tita niya?" dugtong pa niya. 

"Sige, malalaman natin sa panaginip yan." sabi ni Aileen.


To be Continued! 


Mountain Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon