TANYA'S POV"Aw!"
Napasigaw ako sa biglaang pagkahulog ng bitbit kong kutsara.
"Tangna kang kutsara ka! Mahuhulog na nga lang mag-iingay pa!"
Kaka-highblood. Ugh! Woooh chill self..
"Ma, handa na po ang almusal niyo. Kumain na lang po kayo dito ha? aalis na ako kasi malapit na po akong ma-late. Ingat kayo dito ma!"
Wala man akong natanggap na sagot mula sa aking ina ay nagtungo na lang ako sa luma naming gate upang makapunta na sa paaralan.
7:30 pa naman yung klase ko at 6 a.m pa lang, pero dahil sa hindi na ako nakapaglabada kagabi dahil pagod ako galing sa p.e namin kaya maglalakad na lang ako kasi wala naman akong pamasahe. Like duh?! May libre pa ba ngayon?
Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Aabutin pa kasi ng isang oras bago marating ang aking pinapasukan.
Layo no? Yan ang nilalakad ko kapag hindi ako nagtitiyagang maglabada tuwing gabi.
Mabuti na lang at may tira ako kahapon kaya may pambili ako ng test booklet mamaya.
Swerte ko ano? Tss huhu
Kung kailan may exam, saka pa ako nawalan ng pamasahe.
Just great!
Please note the sarcasm.
Nakikita ko na mula sa kinatatayuan ko ang napakatayog na gate ng paaralan na animo'y may isang palasyo sa loob dahil sa taas ng seguridad.
"Bakit wala kang uniform?" Tanong sakin ng guard ng magtangka na akong pumasok.
Naku lagot na! Di kasi natuyo kagabi eh, isa lang naman uniform ko kaya wala akong pampalit habang nilalabhan pa yung isa.
"Basa po eh" sagot ko sa kanya ng pakamot-kamot pa sa batok.
"Sa susunod ha agahan mo ang paglalaba para madaling matuyo! Sige pasok na"
Nagpasalamat naman ako sa kanya saka tumakbo ng mabilis upang makahabol sa first class ko.
Aabutin kasi ako ng 30 minutes kapag hinahayaan ko ang sarili kong makisabay sa mga naglalakad na animo'y may-ari ng bawat hallway. Ugh! The nerve of these girls!?
"Ouch!/aray!" Sabay naming sigaw ng nakabanggaan ko.
Hindi ko kasi namalayan na may nakatungo pala na kasalubong ko kaya dahil sa lakas ng takbo ko nabangga ko siya at ang worst, muntik ng tumama ang ulo niya sa sahig. Buti na lang at mabilis akong kumilos kaya nahawakan ko ang ulo niya bago pa ito tuluyang mabasag.
My God! Baka ma-expel ako pag nagkataon!
Hindi lang kasi basta-basta estudyante itong nabangga ko ngayon. Isa ito sa anak ng may ari nitong pinapasukan ko and at the same time anak rin ng nagbibigay sa akin ng scholarship.
"Okay lang po ba kayo ? Sorry po talaga, promise di na po mauulit." Pagmamakaawa ko habang paulit-ulit na nag-bow sa kanya.
Hindi ko talaga mapapayagan na dahil lang sa katangahan ko ay di na ako makakapagtapos ng highschool.
There's no freaking way!
"No, it's okay. I'm fine" mahinhin niyang tugon bago ako iniwan doon na hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Tanya
Teen FictionShe's tanya. Britannia Craige. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay niya sa kwentong ito? Well, it's for you to find out. So, feel free to read, vote, comment and follow for more info about her :))) Love lots from yours truly :*