TANYA'S POV
"Tanya tabi tayo.." parang batang sabi ni Sophy sa akin.
Nandito na kasi kami sa harap ng bahay nina Kian. Kinuha lang namin yung Van niya na sasakyan namin papuntang Tagaytay.
"Okay ba." nakangiti ko ring balik sa kanya.
Ipinasok na ng mga boys ang mga gamit namin sa likuran saka pumasok narin.
Pagkapasok ko ay pupwesto na sana ako sa tabi ng bintana nang biglang umupo doon si Drake kaya dahil ako ang nakasunod sa kanya ay doon na lang din ako umupo sa tabi niya. Sa kanan ko na lang umupo si Sophy at sa kanan niya naman ay ang pinsan ni Drake na si Nico. Sina Van at Kian naman ay nasa harapan. Si Kian na ang magpresentang mag-drive since kabisado niya ang pupuntahan namin.
Nagtataka ba kayo kong wala si Rio dito? Hahabol na lang daw siya kasi may ipinacheck pa sa kanya ang Dad niya sa isang company nila sa Manila. Alam na niya naman ang bahay nila Kian doon.
They told us a while ago na 5 hours daw ang byahe so magagabihan talaga kami. 3:30 na rin kasi. Siguro mga 9 nandun na kami.
*beep* *beep*
Kinuha ko ang phone ko sa aking dalang backpack, na ngayon ay nakapatong sa lap ko, upang tingnan kong sino ang nagtext.
Si Aling Miranda lang pala, yung suki ko sa paglalabada. Baka nakauwi na ng bahay si Mama at pinaalam lang niya sa akin.
Kanina kasi pagdating namin doon ay wala siya kaya kay Aling Miranda ko na lang iniwan yung nga pinamili ko. Nag-iwan narin ako ng sulat para ipabigay kay mama.
Tanya, hija, mag-iingat ka sa byahe ha? Wag kang mag-alala sa mama mo. Papasamahan ko siya kay inday para sa inyo.
Napangiti naman ako sa aking nabasa. Ang bait talaga ni Aling Mira.
Mabuti nalang at marami siyang trabahador sa kanila, isa na doon si Inday na sinabi niyang ipapasama kay mama sa bahay.
I let out a sigh bago ipinikit ang mata. Matutulog muna ako. Mahaba-haba pa yung byahe namin.
"Okay ka lang?" Nakakunot noong tanong ng katabi kong akala koy natutulog na.
"Okay lang." Sabi ko at nginitian siya. Knowing Drake, pag pinapakita mong nagsisinungaling ka hindi ka niyan titigilan hanggang sa magsabi ka ng totoo.
Tumango lang naman siya at saka muling pumikit. This time, I'm sure tulog na ito kasi humihilik na ng kaunti.
Napalingon naman ako sa kanan ko nang biglang humagikhik ang dalawa. Sina Sophy at Nico.
Tumingin ako sa kanila ng may pagtatanong sa mata.
"May copy kana ba sa latest video nung bisayang si Jean Nuñez? She's super crazy." tatawa-tawang sabi Sophy.
Umiling naman ako. Luh?! Diko nga yan kilala, copy pa ba ng videos niya.
"Give me your phone" sabi ni Sophy kaya binigay ko naman sa kanya ang phone ko.
"Wth?! Saan kaba galing Tanya ba't ganyan pa ang phone mo? Ang luma na kaya niyan!"
Napatingin naman ako kay Nico sa sinabi niya.
"What the hell mo mukha mo! Galing ako sa amin. At for your information hindi yan luma no. Bago ko kayang bili yan! Akin na nga."
Kung makapanglait naman itong taong to kala mo gaano kapanget ng nilalait. Duh?! Wag niya akong gaganyanin. Jusko!
Ilang gabi ang ibinabad ko sa paglalaba at ilang umaga rin akong naglakad papuntang paaralan para lang mabili yan. Kaya wag niyang maliitin ang phone ko kasi pinaghirapan ko yan!
Binaling ko na lang ang tingin ko sa salaming bintana katabi ni Drake saka pabalik-balik na huminga ng malalim. Nakakasama kasi ng pakiramdam eh! Hmp!
"Uy Tanya galit kana non?" Kinalabit ako ni Nico.
Lumingon naman ako sa kanila ni Sophy na ngayon ay parang humihingi ng sorry through there eyes.
"Hindi naman ako galit. Nakakasama lang kasi ng pakiramdam kapag may nangmamaliit sa akin." Alam ko namang mahirap lang ako pero kahit na ganun mahalaga parin sakin ang mga mumurahin kong gamit. Pinaghirapan ko ito.
"Sorry, okay? Nabigla lang naman ako.. Ngayon pa lang kasi ako nakakita ng may gumagamit ng ganyang phone.." Pagpapaliwanag niya with matching hand gestures pa.
"Sige ganito na lang, bili tayo ng phone bukas na bukas din. Para naman may phone ka narin na pwede mong gamitin pang facebook, instagram, youtube, at iba pa. Diba? Makakapagpicture kapa sa mga beautiful scenes doon. And besides, you have the budget now naman na Tanya." nakangiting sabi ni Sophy sakin saka hinawakan ang kamay ko.
Tumango na lang ako at saka sumandal sa likuran upang makatulog.
Nasa kalagitnaan na ako ng daan papuntang dreamland nang maramdaman kong sumandal ang ulo ni Sophy sa balikat ko. Paglingon ko naman sa kaliwa ay nakasandal narin pala si Drake sakin. Jusko lord! Ang bibigat ng ulo nila T_T
Ininda ko na lang ang bigat nila at natulog narin ako. Ang boring kasi ng byahe, sina Van at Kian naman sa unahan ay hindi nagsasalita. I bet tulog na si Van. Habang si Nico naman ay nakasandal sa bintana na tulog na tulog.
Anong oras na kaya?
"Ahh, Kian?" Mahina kong tawag kay Kian habang pinipigilang galawin ang aking mga balikat. Ang himbing kasi ng tulog ng dalawa.
Lumingon naman siya ng kaunti saka sumagot ng bakit bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Anong oras na ba?" Wala kasi akong relo eh.
"It's already 7 p.m. why? Are you hungry already?"
Umiling lang ako. Kumain naman kasi kami bago bumyahe.
"Hindi naman. Tinatanong ko lang baka malapit na tayo."
"Ah. 2 hours na lang makakarating na tayo."
Nag-okay na lang ako at saka pumikit ulit.
Huhu sumasakit na ang balikat ko. Pati narin pwet ko huhu.
Bahala na nga lang. Nakakahiya naman kasi pag gigisingin ko pa sila.
Nakakatawa nga yung mga itsura nila eh. Kahit papaano'y nakakabawas ng sakit.
Si Sophy kasi ay nakayakap na sa kalahati ng katawan ko habang si Drake naman ay nakayakap sa kaliwa kong braso. Parang mga bata na ayaw bumitaw sa ina. Hahaha.
"Matulog ka muna Tanya. Malayo pa tayo. Pagpasensyahan mo na ang dalawang yan, mga mama's child kasi ang mga yan." Sabi ni Kian sakin saka nag-chuckle.
Kaya pala ganito na lang sila kung makapangyakap.
Mukhang tama nga si Kian, I have to sleep. Baka kahit papano ay makakalimutan ko ang hirap ng sitwasyon ko dito sa loob.
*******
This is Nico...
BINABASA MO ANG
Tanya
Teen FictionShe's tanya. Britannia Craige. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay niya sa kwentong ito? Well, it's for you to find out. So, feel free to read, vote, comment and follow for more info about her :))) Love lots from yours truly :*