Chapter 5: PREPARING FOR THE TAGAYTAY TRIP

41 7 4
                                    

TANYA'S POV




Nangunguna ang sasakyan ni Drake sa amin habang pinapagitnaan naman naman namin ang sasakyan ni Van.


Drake surely remember every single detail in our place. Madalas raw kasi siyang dumaan dito gaya nga ng sabi niya nang nasa bahay siya.


Akala ko didiretso na kami sa bahay ng bigla nalang iniba ni Drake ang direksyon at papunta ito sa mismong sentro ng lugar namin.



"Wait lang" pagtatawag ko ng atensyong ni Kian.



Aiissh! Pano ba to? Gusto ko kasing tawagan si Drake at tanungin kong saan niya kami dadalhin kaso wala naman akong load at lalong-lalong wala akong number sa kanya.

Bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na siya.


"Why?" Tingin niya sakin pero saglit lang din kasi ibinalik na lang niya ang atensyon sa daan.


"Akala ko kasi sa bahay kami didiretso hindi ko naman alam na may iba pa palang dadaanan si Drake sana nagpaiwan na lang ako doon sa may kanto."


"Ano namang gagawin mo doon? Ang dangerous kaya ng lugar na yun. Maraming mga adik doon at saka bali-balita na may naraming kriminals na nakakalat daw doon. You better go with us para we're sure that you're safe." Mahaba niyang litanya saka ngumiti. Ang bait naman neto.


Di niya naman kasi alam na doon ako nakatira eh. Always ko kayang  nakakasalamuha yong mga taong sinasabi niya. Sanay na rin naman ako at isa pa, kilala ako doon kaya hindi nila ako gagalawin.


Kilala in a way na halos lahat ng tao doon napagsilbihan ko na. Oh diba? I'm famous in my own way HAHAHA >_<

Wala naman akong magagawa kundi samahan na lang muna sila kasi malayo narin naman ito doon sa kalye patungo sa amin.


"We're here!" Drake exclaimed nang makarating na kami sa mall.


And yes, we're in a mall. Akala ko pa naman kung saan kami pupunta, dito lang pala.


Ano naman kayang gagawin nila dito? Ay bahala na nga total nandito narin naman ako ay gagamitin ko na lang ang pagkakataong ito upang mamili ng maiiwan ko kay mama sa bahay. Diko alam kong kailan kami makakabalik kaya tatanungin ko muna si Drake. Since siya lang naman ang ka-close ko dito ng kaunti.


"Drake, ilang araw ba tayo doon sa pupuntahan natin?" Nakalimutan ko kung saang lugar yung pupuntahan namin.


"2 days lang. Why?"


"Ahhh. Wala, sige punta lang akong grocery" pagpapaalam ko sa kaniya at saka naglakad patungong grocery. Buti na lang nakakapasyal din ako dito paminsan-minsan kapag inuutusan ako ng mga napagtatrabuhan kong bumili ng kahit na ano kaya alam ko na ang pasikot-sikot dito.


Papasok na ako sa grocery nang may nagsalita sa likod ko.


"Do you think madali mo kaming mahahanap dito mamaya sa laki ng mall na ito?" Tanong niya.


Oo nga naman. Pano ko nga ba sila hahanapin kapag nagkataon. Wala akong load, wala rin akong contacts sa kanila.


Napatawa na lang ako ng mapakla sa aking katangahan.

"Ay oo ng no? Hehe"


"Ano bang bibilhin mo dito?"

"Mga kakailanganin ni mama sa bahay habang wala ako." Simpleng sagot ko na nagpangiti naman sa kanya.


Tanya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon