TANYA'S POV
Grabe! I can't still believe na totoo yung nangyari kagabi.
Like duh?!
Isang mayaman at anak ng mga kilalang tao sa lipunan, biglang sumulpot sa pampulubing bayan? At ang worst, tinulungan pa akong buhatin ang nanay kong lasing!
*flashback*
"Let me help you"
"D-drake??"
Anong ginagawa niya dito?
Kahit nalilito pa ako ay binuksan ko na lang ang gate saka ako sumunod sa kanila sa loob.
Tinulungan ko naman siyang ilapag si mama sa kanyang higaan. Pinalagay ko na kasi siya diretso sa kanyang kwarto kasi for sure, mahihirapan akong buhatin siya paakyat ng hagdan.
"Uhh... Drake? Kain ka muna"
Pagkasabi ko nun, hindi ko na hinintay ang sagot niya at binilisan ko ang pagpunta sa kusina upang maghanda ng pang hapunan. Pangdalawahan lang to since tulog na si mama. Haaay.
At first, akala ko hindi siya kakain. Malay mo ayaw niyang kumain ng hindi luto ng kanilang chef or galing sa isang mamahaling restaurant, diba?
Pero nabigla talaga ako nang bigla siyang umupo sa tapat ko, kumuha ng kutsara, tinidor at Plato, saka kumain na parang wala ng bukas.
"Hoy Drake! Dahan-dahan naman! Baka mabulunan ka" nag-aalala kong sambit saka kumuha ng isang basong tubig at ibinigay sa kanya.
Kung kumain ba naman kasi parang isang buwang walang kain. Lamon ng lamon kahit puno pa yung bibig.
After siyang uminom ng tubig tumingin siya sakin at nagsalita, "Ikaw ba nagluto nito? Ang sarap.."
Lihim naman akong napangiti sa pagpuri niya. Never pa kasing nangyari na may pumuri sa mga luto ko.
Si mama lang naman kasi ang tanging nakakatikim niyon.
"A-ako nga.. Thanks.." Mahina kong sabi sa kanya at sumubo narin. Baka ubusin pa ng tokmol na to ang ulam wala na akong makain. Naku!
"Pwede dito ulit kumain bukas? Hehehe" tapos tumawa siya.
Oh my God! Ba't ang cute cute na?
>////<
"Uy ano nangyari dyan sa pisngi mo? Ba't namumula? Okay lang din naman kong ayaw mo."
"Naku okay lang kung dito ka kumain bukas. Walang problema"
Mabilis pa sa alas kwatro kong sabi.
Hala panu na yan kapag naubus na yung binigay niyang 1k sakin ano nang ipapakain ko sa kanya?
Aissh! Bahala na nga. Nakakahiya naman kasi pag tatanggihan ko.
"Nga pala, bakit ka nga ba napunta rito sa lugar namin?"
Muntik ko na tuloy makalimutang itanong. Tsk.
Tumingin naman siya sakin bago sumagot, "Nagkasagutan kasi kami ni Dad sa bahay kaya umalis muna ako. At timing naman na napadaan ako dito kasi shortcut lang ang daan na ito patungong bayan at nakita kita na may buhat-buhat kaya tumigil ako at tinulungan ka." Mahaba niyang paliwanag habang tango-tango lang ginawa ko.
Tapos na nga pala kaming kumain at nandito kami ngayon sa maliit naming sala.
"Kaya pala. So, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap kana ng pamilya mo." Nag-aalala kong sabi.
BINABASA MO ANG
Tanya
Teen FictionShe's tanya. Britannia Craige. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay niya sa kwentong ito? Well, it's for you to find out. So, feel free to read, vote, comment and follow for more info about her :))) Love lots from yours truly :*