KABANATA 5
Habang nasa biyahe kami ni Josh ay hindi ko maiwasang mailing dahil maya't maya niya ako nilillingon at nginingitian. Nasa kalagitnaan pa naman kami ng daan patungo sa kung saan. Nag aalala rin ako dahil baka sa kakalingon niya sa akin ay mabangga nalang kami.
Di ko naman siya matitigan ng diretso dahil kakaiba ang dating ng ginagawa niya. Para ako nahihipnotismo sa malalamlam niyang mata na nakakapag pangilabot sakin. Naiilang ako sa totoo lang.
Nang di ko na matiis ay inis ko siyang nilingon.
"May problema ba sakin? Maya't may aka lumilingon e. Baka naman mabangga tayo niyan?" Tanong ko sa kaniya. Lalo naman akong nailing ng tumingin ulit siya sa akin at tumawa.
"Wala naman, it's just that I miss staring at you and at the same time I miss being with you" Nakangiti ngunit sincere niyang sabi. May kung ano doon na nakapagdulot sakin ng kilabot. Bumibilis din ang tibok ng puso ko.
"Haha, ano ka ba? Masyado kang seryoso Josh" Di ko alam kung anong dating sakanya ng pagkakatawa ko ngunit para sa akin ay nasisiguro kong ang awkward.
"Totoo naman e. Don't tell me di mo man lang ako namiss?" Medyo nakanguso niyang sabi. Natawa naman ako dahil para siyang bata na nagtatampo sa mommy niya dahil di pinasalubungan.
"Syempre namiss kita baby boy. Ikaw pa ba?" Natatawa ako dahil sa naging reaksyon ng mukha niya. Para siyang tuwang tuwa at di mapigil ang ngiti. Nawala na din ang awkwardness kanina. Napalitan ng nakakatawa at komportableng feeling.
Pero nagtaka ako dahil ilang minuto ang lumipas ay may pinasukan kaming isang sikat na subdivision. Aano naman kami kaya dito?
Nakita ko na pinarada ni Josh ang kotse niya sa tapat ng isang malaking bahay. Sa pagkaka alam ko ay hindi dito ang bahay nila? Kung ganon, sino pala ang pinunta namin dito?
Kinalas niya ang seatbelt niya at nagpaalam sakin saglit na siya nalang daw ang papasok at hintayin ko nalang daw siya sa sasakyan . Pagkalipas siguro ng mga lima or pitong minuto natanaw ko si Josh na may kasamang babae na sa tingin ko ay kaedaran lang din namin. May bitbit siyang isang sling bag at hawak naman ni Josh ang isang back pack na kulay pink na masasabi mo talaga na pag mamay ari ng babae. Alangan naman na kay Josh iyon? Duh! Haha.
Malapit lang naman ang kotse ni Josh sa harap ng bahay kaya mga ilang segundo lang ay nakarating din sila sa tapat ng kotse.
Binuksan ni Josh ang pintuan sa backseat at pinapasok ang babae. Pagkatapos ay pumasok na siya sa driver's seat. Habang nag u-uturn si Josh ay nilingon ko ang babae sa likuran at doon ko napansin ang ganda nito.
Maputi ang babae at napakakinis ng balat niya. Ang buhok niya rin ay sadyang kulot sa ibaba kung kaya't nakadagdag ito sa kagandahan niya. May pagka singkit ito, matangos ang ilong at may natural na pink lips. Di ko maiwasan na ma insecure dahil effortless ang ganda niya. Di na niya kailangan ng make-up dahil labas ang beauty niya sa pagiging simple.
Di ko namalayan na ang tagal na pala ng pagkakatitig ko sakaniya. At nangangawit na rin ang leeg ko sa pagkakalingon. Napansin niya rin siguro ako dahil bigla siyang lumingon sakin at ngumiti. Lumitaw ang ngipin niyang pantay pantay. Ngumiti din ako sakanya at kumaway.
Napansin ata ni Josh na nakalingon ako sa likod kaya bigla siyang nagsalita.
"Ria this is Frances, my friend and Frances this is Ria, my childhood bestfriend" Friend huh? Bakit feeling ko may something sa kanila? Or it's just me? Binati naman naming ang isa't isa at nag shake hands.

BINABASA MO ANG
Meant to Be
Ficção AdolescentePrologue Bawat isa sa atin may pinapangarap na klase ng tao na ating mamahalin. Yung tipong lahat ng gusto mo sa isang lalaki nasakanya na. Eh pano kaya kung yung inaakala mong Mr. Dreamboy mo ay may iba palang side na siya namang pinakayaw mo sa i...