"You think I'm doing this to make you jealous
And I know that you hate to hear this but
This is not about you anymore"
Nakatingin ako sa kanya sa malayo habang kumakanta siya.
Pero nakikita ko na habang kinakanta niya iyon ay titig na titig siya sa akin.
"Hindi mo ako mapipigilang bawiin ka Four, alam kong ako parin" sambit ko matapos kong lagukin ang hawak kong rum.
Hindi ko iniinda ang pait at ang mainit na dumadaloy sa lalamunan ko sa bawat lagok ko ng rum.
Tama lagok talaga, naghahanap kasi ako ng magpapalakas ng loob ko para makausap siya ng hindi ako nauutal sa harap niya.
"Now that you can't have me, you suddenly want me..."
Pagtatapos niya sa kanyang kanta na naging hudyat naman sa aking lumapit sa may stage at hintayin siyang bumaba doon.
Nakita ko ang gulat niya nang makita akong naghihintay sa baba ng stage.
"Four..."
Linagpasan niya lang ako. Pucha nakakaurong ng dila parang ayoko ng kausapin siya. Lumagok ulit ako ng rum saka ko siya hinabol at pinigilan.
"Four please"
"WHAT?!?!" Iritadong tanong niya.
"I'm sorry" nakayuko kong sambit
Bakit parang walang epekto tong rum na to. Shit. Hindi ko ma'explain."Tsss" sabay higit niya sa kamay niya at naglakad ng mabilis palabas ng bar.
Naghesitate pa akong habulin siya pero shit hindi ko kayang mawala siya this time ng wala akong ginagawa.
"FOUR!!! FOUR!!!!"
Sigaw ko na halos pumutok na yung mga ugat sa leeg ko.Hinabol ko siya kaso hindi ko kaya dahil sa punyetang heels na suot ko.
Kaya nung nakita kong malapit na siya sa car niya at alam kong hindi ko na siya mahahabol tinanggal ko ng mabilis yung heels ko at hinagis sa kanya.
Hindi siya natamaan kaso yung guitara niya ang natamaan pero hindi siya natinag kaya hinagis ko pa ang isa.
Ayun sapul siya sa ulo kaya galit siyang humarap sa akin.
"Tae ka!!! Pag tinatawag kita humarap ka!"
"SHIT" sabay haplos niya sa batok niya
Kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya dahil alam ko masakit yung pagkakahagis ko.
"Omg sorry! Tinatawag kasi kita eh hindi ka marunong lumingon ayan tuloy" sabay hawak ko sa kamay niyang nakahawak sa batok niya.
Umatras siya bigla at tumingin ng masama sa akin. Napalunok naman ako sa ginawa niya. Alam kong galit siya.
"Why do you act like you care, when you really don't? Fuck are you kidding me?"
Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya.
"Four I love you! And I'm sorry kung kinailangan pa kitang masaktan para marealize ko yun"
"BULLSHIT EVER! BULLSHIT!!!" Sabay hagis niya sa guitara niyang nawasak mismo sa harapan ko.
Natakot at naiyak ako sa ginawa niya. Hindi ko namalayan yung sarili kong unti unting lumuluhod sa harap niya.
"Four I'm so sorry. And if you wanted to hurt me just hurt me, it's okay just don't do this. This is a treasured gift, and hindi niya deserve mawasak dahil lang sa isang katulad kong walang kwenta" Sabay pulot ko sa ilang piraso ng guitarang nagkalat sa harap ko.
"Tangina anong ginagawa mo Ever tumayo ka nga diyan!"
"Hindi ako tatayo dito Four hangga't hindi ka bumabalik sa akin"
Nakita kong nalaglag ang panga niya pero binawi niya iyon at nakita kong nagigting ang kanyang mga panga.
"Well then! Stay there forever because I'll never be as stupid as I am before, sapat na yung sakit na naidulot mo noon. I don't want to have another heartless misery"
At naiwan akong nakatulala at nakaluhod sa parking lot habang nakikita siya naglalakad palayo at saka sumakay sa car niyang agad niyang pinaharurot.

BINABASA MO ANG
Unexpected
RomanceThis is a story of a girl torn between two lovers. Though she was sure about this guy that she thought would NEVER hurt her, she then realize that she made the biggest mistake of her life.