-Ligaw 101 Week2 -
Someone's POV
"Please make sure everything is prepared. I want everything to be as perfect as I imagined it to be."
"Of course, Sir. Just as planned."
"Good."
Dominique's POV
Nakita ko si nanay na nagluluto paglabas ko ng kwarto. Papasok na ako sa school ngayon at magpapaalam nalang ako.
"Mukhang masaya ang naging lakad mo kahapon anak ah."
Ngumiti ako. "Opo 'Nay. Dinala kasi ako ni Wyatt sa isang magandang kainan sa tabing-dagat. Kung kasama niya siguro yung babaeng nililigawan niya doon tiyak ako sasagutin na niya yung lalaking iyon."
"Nawiwili ka nga atang kasama siya."
"Masaya naman po. Ngayon lang naman kasi ako naging malapit sa isang bilyunaryo." natawa ako pagkasabi niyon.
"Basta ba eh magiingat ka ha? Alam mo namang ikaw nalang ang meron ako."
Ngumiti ako at sinabing, "Oo naman po 'Nay. Para sa iyo."
"O siya, sige na at baka mahuli ka pa sa klase mo."
Naputol ang pamamaalam namin nang may bumusina ng sunod-sunod sa labas.
Pagkalabas namin ni Nanay para tignan iyon ay pinagkukumpulan ng mga tao ang isang magarang sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan na iyon at mukhang bago rin iyon sa paningin ng mga kapitbahay namin.
"Pogi, sino bang hinahanap mo?" sabi ng isang kapitbahay namin.
"Si Dominique dela Merced po. Ito po ba ang bahay nila?"
"Ah eh...manliligaw ka ba niya?"
"Ah..eh.." bago pa makapagsalita uli si Wyatt ay nagpakita na ako sa kanya.
"Wyatt!"
Nang lumingon ito sa gawi ko ay napangiti ito. "Dominique!"
"Ay kaswerteng bata naman ito. Napakagwapo at mukhang may kaya." bulong ng isang kapitbahay namin.
"Anak, siya ba ang kinukwento mo?"
Nang makalapit sa amin si Wyatt ay pinakilala ko na siya kay Nanay.
"'Nay, siya po si Wyatt Hernandez. Siya po yung kinukwento ko sa inyo."
"Magandang umaga po. Ako po si Wyatt." Kinuha nito ang kamay ng nanay ko at kinintalan ito ng halik.
"Napakagwapong bata mo nga."
Napakamot lang sa batok ang binata at muli akong kinindatan.
Maya-maya'y lumapit ito sa aking nanay at may ibinulong. Napahagikgik naman ang nanay ko na parang kinikilig.
Hinila ko na si Wyatt palyo at nagpaalam na sa nanay ko.
"Anong sinabi mo sa nanay ko?" sabi ko nang makalayo na kami at makasakay na kami sa sasakyan.
"Nothing. Anyways, your mother is a beautiful woman. May pinagmanahan ka."
Napatigil ako nang maisip ang sinabi niya. Maganda ako? Nagagandahan siya sa akin? "Ano bang sinasabi mo diyang lalaki ka?"
"Bakit? wala pa bang nagsabi sayong maganda ka?"
BINABASA MO ANG
Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]
RomanceElites Book 1 Wyatt thought he already have all that he needed in life. Money. Fame. Good Looks. He was doing fine until a girl named Dominique rocked his world. Literally. Because of his failure to dodge a flying ball, he met the girl he never thou...