Chapter 5

21 0 0
                                    

Makalipas ang tatlong araw ay muling nagkita sina Cheska at Tristan sa conference room ng network para i-finalize ang lahat ng tungkol sa script.

Kapwa sila maagang dumating sa venue ngayon. Isang oras pa bago ang nakatakdang meeting ay naroon na si Tristan habang si Cheska naman ay dumating sampung minuto makalipas ang pagdating ni Tristan.

"Good morning! Ikaw pa lang ang tao dito?" nakangiting wika ni Cheska nang pumasok sa conference room at nakita si Tristan na nakatayo at nakatingin sa bintana.

Alam ni Tristan kung kanino nagmula ang tinig na iyon kaya agad siyang sumagot ngunit hindi niya tiningnan ang kausap.

"Obvious ba? Himala at maaga ka ngayon," ang magaspang niyang tugon.

Ngumiti si Cheska at naupo sa isa sa mga conference chairs. "Syempre. Ayaw mo ng nalelate, di ba? Pero di ba noon halos magkasabay nga lang tayong dumarating sa classroom kapag hapon? Minsan 1 minute bago magbell or mas masaklap, late na talaga. Buti nga hindi naman nagagalit si Miss Suarez."

"Pwede bang itikom mo lang yang bibig mong wala na namang katapusan kung makapagkwento. Stop mentioning things about the past dahil hindi na ako interesado doon," sigaw ni Tristan sabay hampas sa mesa ng hawak niyang dyaryo.

Nabigla si Cheska sa asal na iyon ng kasama sa conference room. Hindi siya makapaniwala na ganoon ka-gaspang ang pag-uugaling ipinakita ni Tristan. Gusto niya rin itong sagutin nang pabalang ngunit ayaw naman niyang magkagulo kaya nagpaumanhin na lang siya.

"Hay. Bakit ba kasi pumasok yun sa isip ko? Nakakainis naman," tanong ni Cheska sa sarili.

"Nasaan na ba kasi silang lahat? Napakatagal nila!" reklamo ni Tristan na panay ang tingin sa kulay itim na G-shock wristwatch na suot niya.

Mas ikinainis ni Cheska ang pagkamainipin ng kasama. "Hello, alas 9 pa naman ang meeting. 45 minutes pa bago ang scheduled time. Nakakaloka talaga siya!" mahinang wika niya sa sarili.

"Shut up, Miss Rodriguez! I'm not asking you!" galit na sambit ni Tristan.

"Ha? Ang hina na nga nun, narinig mo pa? Eh sino kinakausap mo?"

Ayaw ng sagutin ni Tristan ang nakakainis na tanong ni Cheska. Para siyang nabunutan ng tinik nang magring ang kanyang cellphone. Isang napakaespesyal na tao ang tumatawag kaya naman agad niya itong sinagot.

"Hello, Lexi!"

Sa halip na sagutin ang phone call sa labas ng conference room ay sinadya ni Tristan na huwag ng lisanin ang kinaroroonan.

"Yes, Lexi, today is going to be a busy and stressful day pero dahil tumawag ka pakiramdam ko magiging ok ang lahat. Papunta ka na sa hospital? Mag-iingat ka lagi. . . I love you! Susunduin kita mamaya, ok?"

LEXI. LEXI. LEXI. 
Pakiramdam ni Cheska ay umaalingawngaw ang pangalang iyon sa apat na sulok ng conference room. Palakas nang palakas ang alingawngaw na tila ikabibingi niya. Hindi naman siya tanga para hindi malaman na ang kausap ni Tristan ay ang babaeng ngayon ay nagmamay-ari na ng kanyang puso. Hindi na maatim ni Cheska na makinig pa sa usapan o tumingin pa kay Tristan na abot tenga ang ngiti habang kausap si Lexi sa cellphone. Madudurog lamang lalo ang kanyang puso. Gusto niyang tumakbo palabas ng silid ngunit ano na lamang ang iisipin ni Tristan kapag ginawa niya iyon.

"Dito ka lang, Ikay. Relax. Kunwari wala kang narinig. Kunwari busy ka," ang nasa isip ni Cheska habang naglalaro ng temple run sa kanyang cellphone.

Para kay Cheska ay mabuti na ang magkunwaring balewala lang iyon sa kanya kahit na ang totoo ay masakit pa rin pala. Hindi  naman ito ang unang beses na nalaman niyang may girlfriend na si Tristan. Alam naman niyang sa loob ng twelve years ay marami na ang mga babaeng minahal nito. Batid naman niyang matagal na rin siyang nalimot ni Tristan at maaaring kailanman ay hindi na matutupad ang kanilang mga pangako at pangarap noon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Ever  You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon