Isa lamang si Cheska o si Ikay sa napakaraming bilang ng mga babaeng minsa'y nagpatibok sa puso ni Tristan. Twelve years na ang lumipas nang mabihag niya ang puso ni Tristan. Bago pa man sila naging magkaklase ay kilala na talaga niya si Cheska dahil isa siya sa mga pinakamatatalinong estudyante ng kanilang batch at noon pa man ay hanga na talaga siya sa kanya dahil bukod sa matalino at maganda rin ito. Tuwid at maitim ang kanyang buhok na abot hanggang balikat. Singkit ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata at matangos ang kanyang ilong.
Simula pa noong sila'y nasa first year sa high school ay gusto ng lapitan ni Tristan si Cheska para magpakilala at makipagkaibigan ngunit hindi niya ito magawa dahil alam niya na napakaisnabera nito at may pagkasuplada pa.
Nang tumungtong siya sa third year sa high school ay hindi inaasahang napabilang si Tristan sa first section at doon sila nagkalapit ni Francesca na mas kilala bilang Cheska o Ikay.
"Hi Cheska! pagbati ni Tristan nang masalubong ito sa canteen noong unang araw nila bilang third year high school students.
Sa halip na batiin rin ay tiningnan lang siya ni Cheska at saka nagmadaling naglakad pabalik sa classroom.
"Tsk.tsk. Basted ka na ata agad, tol!" pabirong wika ni Joe kay Tristan.
"Di ba sabi ko naman sa'yo, dededmahin ka lang nyan ni Cheska! Isnabera talaga yan at napakasuplada kaya kung ako sa'yo hahanap na lang ako ng ibang babae na pwedeng ligawan. Marami namang magaganda at matatalino rin sa klase natin ngayon, e. Huwag na siya. Langit at lupa ang pagitan niyo. Super taas niya, pare! Walking dictionary at encyclopedia siya, tapos ikaw, ano, walking dead?" wika naman si Tony sabay akbay kay Tristan.
"Siguro nga ano?" sagot ni Tristan.
"Oo, pare. Hanap ka na lang ng iba. Andyan naman si Katrina o si Lianne. Si Katrina, maganda at matalino rin pero hindi suplada gaya ni Cheska. Si Lianne naman napakahinhin at parang anghel. Di ba mas ok sila kaysa sa nerdy girl na yun?"
"Alam niyo, kasama nga sila sa mga napupusuan ko pero may kakaibang charm si Cheska, eh."
"Charm? Gutom lang yan, pare!" biro nina Jim, Tony at Joe.
******************************************************************************
Lumipas ang ilang araw pero kahit anong pagpapapansin ni Tristan kay Cheska ay palagi pa rin siyang dedma nito. Ni hindi man lang siya binabati nito o nginigitian man lang. Nais niyang maunawaan ang ugali nito kaya nagtanong siya sa isa niyang kaklase na alam niyang kaklase na ni Cheska simula grade school.
"Talaga bang hindi yan namamansin?" tanong ni Tristan sa katabi habang ang buong klase ay abala sa pagsagot sa mga math problems.
" Feelingera kasi yan. Akala kung sinong maganda," tugon ni Clariz.
"Maganda naman talaga siya eh," sagot ni Tristan habang pinagmamasdan si Cheska na abala sa pagsolve sa mga math problems sa libro.
"OMG! Don't tell me may gusto ka sa babaeng yun?" pabulong na wika ni Clariz.
"Well, isa siya sa mga pinagpipilian ko,"
"Masyado kang playboy, ano? Tsk.tsk. Good luck! Makapili ka sana ng karapat-dapat."
"Bakit mo nga ba siya tinawag na feelingera kanina?" usisa ni Tristan.
"Eh kasi talagang feelingera siya. Mahabang kwento. Basta ang masasabi ko sa'yo, suplada talaga siya kaya good luck na lang sa'yo!"
BINABASA MO ANG
If Ever You're In My Arms Again
RomancePaano kung ang taong ayaw mo ng makita pa o magkaroon ng anumang kaugnayan pa ay bigla mong makatrabaho? Sinong mag-aakala na may past pala ang direktor na si Tristan Prieto at ang scriptwriter na si Cheska Rodriguez. Twelve years na silang walang a...