Chapter 1

46 0 0
                                    

Sixteen years old noon si Tristan nang magmigrate sa Amerika ang kanyang buong pamilya. Doon na siya nagtapos ng kolehiyo pero pinili pa rin niyang bumalik sa Pilipinas upang dito gamitin ang mga natutunan niya bilang isang film director. Dalawang taon na rin siya sa kanyang trabaho at maraming pelikula na rin ang kanyang na-direct. Sa katunayan, ilan sa mga ito ay tumabo sa takilya at nagkamit ng mga parangal. Maging siya'y nagkamit na rin ng ilang mga parangal mula sa iba't ibang award-giving bodies. Hindi maikakailang isa siya sa mga pinakahinahangaang batang direktor dahil na rin sa kanyang natatanging husay.

Dahil nga sa angking talento bilang direktor, siya ngayon ay inaalok ng pinakamalaking tv network sa bansa para magdirect ng isang teleserye. Sa una ay nagdadalawang isip siya na tanggapin ang offer sapagkat hindi pa niya nasusubukan ang magdirect ng isang teleserye. Sa una ay nag-aalangan siya dahil baka hindi niya kayanin iyon at mabigo lang sa kanya ang network at mga manonood ngunit nang maliwanagan na ang kanyang isip ay tinanggap din niya ang panibagong hamon sa kanyang career. Natanto niyang magandang oportunidad ang teleserye upang higit pa niyang mapagbuti ang sarili at mapatunayan sa lahat ang kanyang kakayahan bilang direktor.

Sa sunod na linggo ang nakatakdang meeting nila ng production team ng teleserye na may working title na "In Heaven's Time". Natanggap na niya ang storyline ng teleserye at laking gulat niya nang mabasa na ito.

"Baka coincidence lang," ang nasa isip ni Tristan habang binabasa ang storyline at ilang script para sa mga unang eksenang kukunan.

Nahahawig ang kwento ng kanyang upcoming teleserye project sa isang kwentong ikinonsepto nila ng kaklase niya noong sila'y nasa high school pa. Hindi niya inaasahang ang binabasa niya ang biglang magpapaalala sa kanya sa isang babaeng matagal na niyang kinalimutan.

"Hay, Tristan! Ba't ba biglang sumagi sa isipan mo ang babaeng yun? Matagal mo na siyang nakalimutan at matagal ka ng walang pakialam sa babaeng yun!" wika niya sa sarili matapos basahin ang storyline.

Hindi niya maikaila sa sarili na nagandahan siya sa kwento ng "In Heaven's Time" pero marami pa siyang nais i-suggest at ipabago kaya lalo siyang nasasabik sa story at production conference kasama ang mga scriptwriter, producer at iba pang staff and crew na kanyang makakatrabaho sa mga susunod na buwan.

***********************************************************************

Sumapit na nga ang araw para sa story at production conference ng teleserye. Nagagalak si Tristan sa tiwalang ibinigay sa kanya ng network kaya nangako siyang ibibigay ang lahat ng makakaya para sa ikagaganda ng project. Ikinatuwa rin niya nang malaman niya na ang ilan sa mga staff na nakatrabaho na niya noon ay kasama rin niya sa kanyang bagong project.

Halos lahat ng members ng story at production team ay nakamayan at nakilala na ni Tristan. Tanging ang headwriter na lamang ang hindi pa niya nakikilala sapagkat wala pa rin ito sa conference room.

"Anong klaseng writer ba siya't wala pa rin siya hanggang ngayon? Masyadong paimportante kaya hindi pa rin natin masimulan ang formal meeting!" reklamo ni Tristan na hindi na maitago ang pagkainip at pagkairita habang nakaupo sa silya.

"Palibhasa baguhan po yung headwriter," wika ni Mila na isa sa mga producers. "Nakapagtataka nga't contributing writer lang si Mrs. Amores gayong ang tagal na niyang writer tapos isang baguhan at batang writer ang ginawang headwriter ng network. Naka-chamba lang siya at titingnan natin kung hanggang saan ang ibubuga niya.

"Kanino ba yung konsepto nitong teleserye? Kay Mrs. Amores ba?" tanong ni Tristan.

"Hindi po eh. Yung batang writer na si Miss Rodriguez ang may gawa nung storyline nitong teleserye kaya nga siya ang ginawang head ng story team," tugon ni Mila.

If Ever  You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon