Chapter 4

35 0 0
                                    


Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Cheska. Abalang-abala pa rin kasi siya sa pagrerevise ng script. Balewala sa kanya kung mag-isa lamang siya ngayon sa apartment na kanyang tinitirhan kasama ang mga matagal na niyang kaibigan na sina Sally at Sheena. Nasa isang team building activity sa Batangas si Sheena habang si Sally naman ay nagtatrabaho sa call center kaya si Cheska lamang ang naiwan sa apartment.

"Kailangang mapaganda ko ito! " wika ni Cheska sa sarili matapos humigop ng mainit na kape at saka ibinaling ang tingin sa screen ng kanyang netbook .

........................................................................................................................................................

"Gising ka pa rin?!" wika ni Sally na kararating pa lang mula sa trabaho sa call center.

Napatingin si Cheska sa kaibigang kararating lang. "Ikaw pala, sis. Akala ko bukas pa ng umaga ang uwi mo?"

"Sinikap ko ng makauwi para dito na matulog at syempre para makibalita sa'yo," tugon na Sally at saka humilata sa sofa. "Kumusta yung pagkikita niyo kanina ng ex mo?"

Natigil si Cheska sa pagtatype at saka tumawa ng malakas. "Ex ka dyan! Hindi naging kami, ano!"

"Ows? Talaga lang, ha!" pang-aasar ni Sally.

Natawa na naman si Cheska sa pang-aasar ng kaibigan. " Sis, M.U. lang yun, ok?"

"M.U. as in . . ."

"Malabong Usapan," sagot ni Cheska sabay halakhak.

"Asus! Malabong usapan daw! Hay naku, Ikay! Ex pa din yun! Ex-suitor! Ex-classmate! O di ba? Kumusta nga kasi yung pagkikita niyo kanina ni Tristan? Mamaya mo na tapusin kung ano man yang ginagawa mo dahil kailangang kwentuhan mo ako."

"Interesado ka masyado?"

Bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa si Sally at masiglang sumagot, "Of course! Fan kaya ako ng ChesTan love team noon!"

"Loka-loka ka talaga".

Ibinato ni Sally kay Cheska ang hawak niyang maliit na unan. "Ikaw ang loka-loka! Siguro kilig na kilig ka kasi after 12 years saka lang kayo nagkausap ni Tristan! Ano nga kasing nangyari? Tuwang-tuwa rin ba siya? Niyakap ka ba niya at sinabing ' Sa wakas ay pinagtagpo na rin tayo ng langit?' Yun ba nangyari, ha, Cheska?"

Ibinato muli ni Cheska kay Sally ang unan. "Sira ka talaga! Sa teleserye lang ang ganoong eksena, sis!"

"Eh ano ngang nangyari? Idetalye mo naman nga kasi. Ang gwapo na niya, di ba?"

"Hmmm...syempre mukha pa rin naman siyang tao. Oo, mas gwapo nga siya ngayon."

"Namumula ka,sis! Grabe! May kilig pa rin? O tapos nag-usap kayo?"

"Syempre naman pero lahat lang tungkol sa trabaho," wika ni Cheska at saka tumayo para magpunta sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa ref.

Agad namang sumunod sa kanya si Sally na hindi maitago ang pagkainteresado sa ikukwento ng kaibigan.

"As in trabaho lang? Ni hindi ka man lang niya kinumusta? Hindi kayo nagkumustahan kahit na 12 years na buhat ng huli kayong mag-usap? " tanong ni Sally na halatang dismayado sa salaysay ni Cheska.

Kumuha ng isang pitchel ng malamig na tubig si Cheska mula sa ref at saka ito isinalin sa isang baso. Sa dining area na ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang pag-uusap.

"Hindi talaga, as in!" sagot ni Cheska bago inumin ang tubig sa baso. "Kasing lamig ng tubig na ito yung pakikitungo niya sa akin."

"Ang saklap naman. Grabe!"

If Ever  You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon