KANLS: 12

4.2K 96 2
                                    

Sharlene's POV

Umuwi siya ng bahay ng nakangiti, naalala na naman niya ang mga waley na jokes ni Jairus kanina habang kumakain sila ng ice cream. Nitong mga huling araw ay malungkot siya dahil sa mga nangyari sa kanila ni Nash, kaya laking pasasalamat niya kay Jairus na laging nandyan para sa kanya, dahil sa presensya nito at di na niya masyadong naiisip ang bestfriend niya.

Dahil kay Jai hindi ako nilapitan ni Nash.

Dahil kay Jai may kasabay ako sa recess at lunch

Dahil kay Jai hindi ako masyadong depressed

Mahirap mang aminin dahil likas na mayabang ang unggoy na iyon ay mas masaya talaga ang mga araw niya pag kasama ito. Pero! Isang malaking pero…

Dahil kay Jai pinag-uusapan ako sa school!

Dahil kay Jai tinitingnan ako ng buong campus!

Dahil kay Jai lagi na lang ako kinakabahan kahit di ko alam kung bakit!

Hindi talaga siya sanay ng pinaguusapan, sikat masyado si Jairus Aquino kaya kahit sinong dumikit dito ay nachichismis at ayaw niyang mangyari iyon sa kanya. Reserved siyang tao at mas gusto niya ang tahimik lang, kaya minsan naiinis siya dito, katulad kanina, nainis siya dito dahil pinagkakaguluhan ito ng mga babae, pwede namang sa ice cream parlor na lang sila magkita pero ayun! Pumunta pa sa classroom nila para makipagngitian sa mga classmates niya. Akala pa naman niya medyo suplado ito sa mga babae pero katulad din pala ng ibang ka teammates nito sa varsity, malandi! Haliparot! Flirt! Malandi si Jairus Aquino!

Nagseselos ka lang!  sigaw ng isang parte ng utak niya. Siya? Magseselos? No way!

Kanina lang nakangiti siya dahil kay Jairus pero ngayon nakakunot na ang noo niya dahil din dito. Nagiging moody na siya, dapat talaga di na niya masyadong intindihin ang unggoy na yun.

---

School campus:

Kakadating lang niya sa campus at umupo muna siya sa isang bench malapit sa field, maaga pa naman at pwede pa siyang mag muni-muni dito. Kaso imbes na makapag relax ay may narinig siyang nag-uusap na mga babae.

Girl 1: Girlfriend kaya ni Jairus yung Sharlene sa section B?

Napataas ang kilay niya nang marinig ang sariling pangalan, siya lang naman kasi ang Sharlene sa section B.

Girl 2: 'Hindi noh! Wala lang si Paul kaya dun sa feelingerang girl na yun sumabay si Jairus ko!' maarteng sabi ng isa pang babae

Siya? Feelingera? As if naman siya ang sumasabay kay Jairus. Nagsisimula ng uminit ang ulo niya, sa lahat ng ayaw niya ang yung mga backstabbers, sana harap-harapan nilang sinabi ang mga bagay na ito aa kanya.

Girl 3: Parang hindi naman, balita ko sinundo pa daw ni Jai yung girl sa classroom nung uwian

Girl 1: Oo nga.

Girl 2: Ano ba kayo huh? Yung babaeng yun, yun din yung same girl na lumalandi kay Nash Aguas, yung volleyball player!

Lumalandi? Siya? Kay Nash?

Girl 1 & 3: ay tama ka sis. Siya nga yun!

Girl 2: See? At kung napapansin niyo si Alexa na ang lagi ang kasama ni Nash. Meaning hindi umubra yung kalandian ni Sharlene kay Nash, asa pa siyang pumasa kay Jairus ko. Duh?

Jairus ko? Asar na asar na siya sa mga chismosang ito kaya hinarap na niya ang mga ito.

"Hoy! Kung mag-uusap kayo siguraduhin niyo naman na wala sa likod niyo ang pinaguusapan niyo! Tsaka FYI hindi ako malandi! Bestfriend ko si Nash at ako ang nilalapitan ni Jai! Hindi ako ang lumalapit sa kanya. Kung 'Jairus mo' yun, eh di itali mo!" Galit na galit na sabi niya at nag walk out na sa mga babaeng iyon, nakita niyang mga cheerleaders ang mga ito at magaganda, mas nainis tuloy siya.

Yung mayabang na unggoy na yon! May girlfriend pala, pero lapit pa din ng lapit, ang landi talaga bwisit!

Jairus' POV

May sakit si Paul, tinawagan niya ito kanina at nalaman niyang trinangkaso ito at di pwedeng pumasok for one week. Alam niyang mamimiss niya ang bestfriend pero susulitin na lang niya ang mga panahon na wala ito para makasama si Sharlene.

Napangiti agad siya ng naisip ito pero nawala agad ang ngiti niya nang mapansin si Aguas na parang may hinihintay sa labas ng gate, lalagpasan na sana niya ito pero hinarangan siya nito. Nash is looking at him na tila nanghahamon, hindi niya inurungan ito at nakipaglaban siya ng titigan.

"Aquino pwede ba tayo mag-usap?" basag nito sa pakikipagtitigan sa kanya, maangas pa din ang boses nito kaya nainis lang siya lalo dito

"Kilala ba kita? Bakit kita kakausapin?" balik tanong niya. Ayaw niyang masira ang araw niya kaya ayaw niyang kausapin ito

"Nililigawan mo ba si Sharlene?" seryosong tanong nito

"Pakealam mo ba?" maangas din na pagkasagot niya, bakit ba kailangan pa nitong makialam? Pagkatapos nitong saktan si Sharlene? No way!

"May pakealam ako kasi bestfriend ko siya!" sigaw nito. Nash looks frustrated kaya natutuwa siya.

"Bestfriend? Nagpapatawa ka ba? Ang bestfriend laging magkasama, and as far as i know ni hindi kayo naguusap" sagot niya dito

"Ganyan ka ba talaga Aquino? Di ka marunong sumagot sa isang simpleng tanong?" Medyo may pagka-sarkastikong sabi nito

He smirked. Alam niyang asar na ang kausap kaya naman mas aasarin niya ito

"Ayokong sagutin nung una kasi parang nakeke-alam ka masyado. Pero kung gusto mo ng sagot eh di ibibigay ko. Oo Aguas! Nililigawan ko si Sharlene. At alam mo ba? Pumayag siya. Pansinin mo kami pag recess at lunch pati narin pala uwian, mapapansin mo kung ano meron sa amin" sabi niya at nilagpasan ito. Hindi niya talaga nililigawan si Sharlene pero alam niya ang magiging epekto ng sinabi niya kay Nash kaya napangiti pa din siya. He can't stop smiling dahil inis na inis si Nash. He deserves it!

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon