KANLS: 20

4K 86 16
                                    

Sharlene's POV

She's too overwhelmed to talk. Pagkatapos sabihin ni Nash na mahal siya nito ay di na siya makapagsalita. She is happy right now, ito na ang matagal na niyang hinihintay. He stayed with her in their garden at tumitig lang sila sa mga bituin.

"Sana talaga hindi ka kasing layo ng mga bituin na yan. I'll wait for your answer Sharlene. For now i need to go. Gabi na eh" sabi nito at nginitian siya. Kumabog na naman ang puso niya. She missed his smile too!

"Goodnight Shar"

"Goodnight & Thank you" sabi biya dito nang nakangiti din.

Hindi mawala ang ngiti niya habang iniisip ang sinabi ni Nash kanina. He loves her! Mahal na siya nito. She felt excitement, ito na kasi ang matagal na niyang pangarap. Ang mahalin siya ni Nash bilang siya at hindi bilang kaibigan lamang.

Nasira ang pagmumuni-muni nang may nagtext sa cellphone niya. Inabot niya ito tsaka binasa. Si Jairus. Napalunok siya, unti-unti nawala ang ngiti sa labi niya, pati excitement at saya na nararamdaman niya ay unti-unting naglalaho, nabalot bigla ang puso niya ng kaba. Bakit ba niya nararamdaman iyon? Jairus just texted her to know kung kumain na siya, bakit makita lang ang pangalan nito ay agad nagbago ang mood niya?

Because now that you have Nash, you should say goodbye to Jairus - sigaw ng isang parte ng utak niya.

Agad siyang umiling, di siya sang-ayon sa sinabi ng isang parte ng utak niya. Jairus has been… well… he's been HIM. He helped her a lot and they are friends. They can still be friends right?

Nag-ring agad ang cellphone niya. Dahil nga wala sa sarili ay sinagot niya agad ang telepono.

"You know i hate it when you don't reply on my messages. Ano? Kumain ka na?"

"Jairus…" yun lang ang nasabi niya. Bakit ba siya kinakabahan? Jairus is not even courting her!

"Ako nga. So kumain ka na?"

"yeah" sagot niya kahit ang totoo naman ay hindi pa siya kumakain.

"Jairus…ahm pwede ba tayo magkita sa park bukas? May sasabihin lang ako" seryosong sabi niya dito

"Miss mo na agad ako?" rinig niya ang paghalakhak nito. She can imagine him smiling.

"basta bukas"

"You sound serious. May problema ba?"

"Wala. Basta bukas"

"Sige… goodnight Sharlene. Sweetdreams" sabi nito at.binaba na ang telepono. Hindi niya alam bakit niya gustong makita si Jairus,  maybe she wants to tell Jairus na mahal na siya ni Nash? Or ask him kung pwede na sila magkabati ni Nash? Alam niyang di magkasundo ang dalawa. Umiling ulit  siya. Ano ba ang gagawin niya? She sighed, yung malalim. Di niya alam kung ano ang gagawin.

───

Sinadya niyang mauna sa park, tinitigan niya ang swing kung saan siya nadatnan ni Jairus na umiiyak dahil kay Nash. Isang buwan pa lang ang nakakaraan pero feeling niya sobrang tagal na noon. Umupo siya doon at hinintay si Jairus.

Nakapagdecide na siya, she will choose Nash over Jairus kung sakali mang kailanganin niyang pumili. Mahal niya si Nash, matagal na. Samantalang hindi niya pa din alam kung ano ang nararamdaman niya para kay Jairus, special ito sa kanya pero hindi pa niya ito lubusang kilala, while Nash? They've known each other for 10 years! Sampung taon! Di niya pwedeng itapon iyon dahil lang napapasaya siya ng isang Jairus Aquino.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon