KANLS: 19

4K 100 30
                                    

Jairus' POV

He's smiling hanggang hampasin na siya ni Sharlene sa braso. Natawa siya bigla. Sharlene just chose him over Nash!

"Itigil mo yang ngiti mong yan. Hindi nakakatuwa"

"Bawal na pala ngumiti ngayon"

"Eh inaasar mo si Nash eh" halos magdikit ang mga kilay niya sa sinabi nito. Bakit ba lagi niyang naririnig ang pangalan ng pangit na Nash na iyon?

"Serves him right"

"Hay nako Jai. Anyway kamusta na si Paul? Bakit di ka na nagtext?"

"Namiss mo naman agad mga text ko? Naks naman Sharlene" sabi niya sabay kindat dito.

"Ewan ko sa'yo. Ano ba sasabihin mo?"

"Ang ganda mo" sabi niya dito. Excuse lang naman niya ang 'importante' kunong sasabihin niya. Gusto lang talaga niyang ilayo si Sharlene kay Nash.

"Jairus seryoso ako. Sabi mo importante" tila naasar na sabi naman nito.

"Naiinis ka dahil gusto mong kausap si Nash. Sorry naistorbo ko kayo" sambit niya bago talikuran ito. He's feeling it again, nai-insecure na naman siya kay Nash. Sharlene chose him earlier dahil akala nito may sasabihin siyang importante.

"Hindi naman sa ganun" hinabol siya nito at hinawakan siya sa braso. Tiningnan niya ito and he faked a smile.

"Jairus… bestfriend ko pa din yung tao"

"You're still in love with him" sabi niya at mapait na ngumiti. Di din naman ito nagsalita kaya.dumeretso na siya sa classroom. Ni hindi siya umattend ng flag ceremony.

Nagsimula ang klase at wala siyang naintindihan, alam niyang di siya dapat nag react ng ganun pero di niya mapigilan. Nagseselos siya and it's killing him, lalo na dahil alam niyang mahal din ni Nash si Sharlene.

Nang mag recess ay agad siyang pumunta sa classroom nila Sharlene. He promised himself that he will fight for her, he'll fight for what he feels. Di siya dapat magpatalo sa selos niya.

"Jairus!" parang nagulat ito nang makita siya sa.labas ng classroom nito

"Sorry kanina. Medyo moody lang" hinging paumanhin niya para sa inasal kanina.

"Ok lang. May problema ba?"

"Meron" seryosong sabi niya

"Kaya ba hindi ka nakapagtext kagabi? Ano problema? Baka makatulong ako" sincere na sabi niyo sa kanya.

Stay. Stay with me. Love me. Yan ang maitutulong mo. pero imbes na sabihin iyon ay di na lang siya nag salita. Ngumiti na lang siya at hinawakan ang kamay ni Sharlene at inaya itong kumain na.

Sharlene's POV

For the nth time he's holding her hands again. Tinitingnan niya lang ito. Niyaya siya nitong kumain at um-oo na lang siya, ni hindi nito sinagot ang tanong niya kanina. May problema kaya si Jairus? Gusto sana niyang tanungin ito pero halata namang ayaw nitong pagusapan ang kung ano mang gumugulo sa isip nito kaya hinayaan na lang niya. Sasabihin naman siguro ni Jairus pag may problema ito.

Naisip niya bigla si Nash, bakit kaya siya gustong kausapin ng bestfriend niya? She wants to know pero mas pinili niya si Jairus, akala naman kasi niya may importanteng sasabihin ito yun naman pala wala. Hindi niya alam kung maghihinayang o hindi, she misses Nash so much.

───

Hinintay niya na lapitan siya si Nash nung mga nakaraang araw pero hindi naman ito lumapit, it's friday pero wala pa din, napansin niyang di na magkasama si Nash at Alexa pero di niya masyadong inisip iyon dahil may gumugulo na sa isip niya. Jairus.

She sighed nasa sasakyan siya pauwi sa bahay nila at naiisip niya ito, Jairus became extra sweet to her this week. Di na niya mabilang ilang beses siyang na-weirdohan sa mga kinikilos nito. He's acting as if he's courting her at hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Ni hindi niya alam kung ano ba sila, hindi naman kasi ito nagsasabi ng kahit na ano. Basta alam niya masaya siya pag kasama ito at kinikilig naman siya pag may ginagawa ito sa kanyang sweet na bagay tulad na lang nung wednesday… Late siyang nagising kaya nagmadali siyang pumasok, tumakbo pa nga siya para makaabot sa flag ceremony. Right on time naman siya pero sobra ang pawis niya, nagulat na lang siya ng biglang sumulpot si Jairus sa harap niya at pinunasan ang pawis niya.

"Next time pag na-late ka for flag ceremony wag kang tatakbo, ok lang ma-late kahit minsan lang" sabi nito sa kanya. Napanganga na lang siya sa tinuran nito, he's so unpredictable kaya nga di na siya nagtataka kung buong campus na ang nag-aakala na sila na. She can't blame them. Ginagawa ni Jairus lahat ng gusto niya.

Bakit ba hindi niya ako ligawan? Officially? Yun na lang kasi ang kulang. She wants to be sure if he feels really something for her. Nararamdaman naman niya ito pero gusto niyang makasigurado lalo na ngayon na nagugustuhan na niya ito. She likes him. A lot. At di na niya itatanggi yun, di naman kasi mahirap magustuhan si Jairus, he's always there for her.

"Shar nandito ma tayo"

Nagulat siya ng magsalita ang driver nila, sa pag-iisip ay di niya namalayang nasa bahay na pala sila. Pumasok na siya bahay at laking gulat niya ng makita si Nash doon. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo at hinarap siya.

"Gabi na ah. You're with him again right?" tanong ni Nash sa kanya. He is referring to Jairus right?

"Oo eh. Nag-aral kami. Ahm… ano ginagawa mo dito?"

"I wanted to talk to you last monday pero sumingit si Jairus. Buong linggo kong ginusto kang kausapin pero lagi siyang nakadikit sa'yo… Sharlene nagseselos na ako"

Napanganga siya dito at unti-unting lumakas ang tubok ng puso niya. Bakit? Bakit siya nagseselos?

"Dun tayo sa garden? Wag dito" sa sobrang kaba niya yun lang ang nasabi niya. Tahimik nilang tinahak ang daan papunta sa garden at nang makarating ay si Nash ang bumasag ng katahimikan

"Break na kami ni Alexa" sabi nito na ikinagulat na naman niya. Bakit sila nag-break?

"I'm sorry"

"Ako ang nakipagbreak Sharlene" sabi nito.

He heart starts racing again. Parang alam na kasi niya ang susunod na mangyayari…

"Mahal kita Sharlene. Not as a brother. Not as a bestfriend. Mahal kita as you. Nakakainis lang kasi kinailangan mo pang mawala sa akin bago ko ma-realize iyon. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana ako pa din ang laman ng puso mo" madamdaming sabi nito.

Isa-isang tumulo ang luha niya. Ito ang mga salita na gusto niyang marinig kay Nash mula noon pa and she's happy. Really happy. Mahal din siya ni Nash! Niyakap siya nito and she hugged him back. She missed him!

"I missed you" sabi niya dito

"I missed you more. You don't know how much i missed you Shar. My Shar"

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon