Chapter Two

13 2 0
                                    

Jaya's Pov

Papunta ako ngayon sa skwelahan kasama ang bestfriend kong sina Luna at Jhon Paul. Nasa Grade 10 na kami ngayong 3 sa Valencia Nat'l Highschool.

"Huy, Jhon Paul. Bakit ba panay ang lingon mo sa likod?" Tanong ko.

"Ano ka ba. Pasimple moves lang, para pag may dumaan na sasakyan baka pasakayin niya tayo. Pagod na kasi ako eh. At Emeged ! Ilang beses ka bang inere ng Mudrabells mo at di ka marunong umintindi? Diba sabi ko na sa'yo na hindi JHON PAUL. Si Pauline ako. PAULINE."- Sita niya sa akin in a High Pitch voice

"HAHA. Ikaw si Pauline? Saang Side?"

"Baka sa Kuko Jay o sa ingrown ! Hanapin mo." Pamimilosopo niya sa akin.

"Bahala ka JHON PAUL, tyaka lang kita tatawaging PAULINE kung nabinyagan ka na ulit sa simbahan"

"Bakit, kung nagpabinyag ba ako. Ikaw ang bubuhat sa akin?"

"OO. Ako ang bubuhat sa iyo at itatapon kita sa Bermuda Triangle mas bagay ka dun"

"Dahil mukha akong SIRENA?"

"Hindi.. mukha kang Dugong"
Biglang sabat ni Luna.

"Isa ka pa Luna eh. Isa ka pang Basher ko. Kaloka kayo." Sabay irap.

"Tanggapin mo na kasi JHON PAUL na LALAKI ka. Accept the fact na Sperm Cell ang nasa iyo. Tanggapin mo na ang katotohanan na wala kang MATRIS at EGG CELL." Dagdag pa ni Luna.

"Uy, kung makapanglait kayo sa akin, GRABE. Huy, mga babaitang 'to. Sinong may sabing wala akong matris? MERON akong Matris !" Sabi ng bakla na ginagaya ang boses ni Nora Aunor [My Brother is Not a Pig ang Peg ng bakla]

"Asan daw aber?"

"COMING SOON !" Sabi niya.

Napailing na lang kami ni Luna sa sinabi ng bakla. Hopeful talaga ang loka na magiging babae siya someday.

----------------

Mabilis na lumipas ang oras at sa wakas ay Tanghalian na. Naglalakad ako ngayon sa School Quadrangle namin nang makita ko ang dalawang asungot. 😄✌

"Pauline, Luna !!!! Pauline, Luna !!" Tawag ko sa kanila. Ang ganda naman talaga ng combination ng pangalan ng dalawang ito. Tunog pang-ARTISTA. 👍 Yung Asawa ni VIC SOTTO. 😉 Gets niyo?

Tumingin naman ang dalawa sa direksiyon ko at lumapit.

"San tayo ngayon? Gutom na ako." Sabi ko sa kanila.

"Tara, sa karinderya tayo." - Luna

---------------------

Nasa Karinderya kami ngayon.
"Auntie Piodet's Karinderya".

Sarap na sarap kami sa kinain namin nang biglang may nakitang nakakairita si Luna.

"Jay..Jay" tawag niya sa akin sabay kalabit.

"Bakit?" Sabi ko.

May itinuro siya sa di kalayuan.
Kahit naiinis dahil inisturbo ako ng babaeng ito sa pagkain ay tiningnan ko pa rin ang direksiyon kung saan siya nakaturo. Medyo kumulo ang dugo ko sa nakita ko.

"SAKSAKAN talaga ng LANDI yang kapatid mo Jaya. Ang SARAAAAP talaga niyang SAKSAKIN sa Lalamunan." Iritang komento ni Jhon Paul (Pauline)

Kasalukuyan naming tinatanaw sa di kalayuan ang MALANDI kong kapatid na si Yngrid na hinaharot ang Long-time Crush ko na si Jason. Gwapo ito, chinito at mabait. Simula Elementary ako ay gusto ko na siya. Naalala ko nun na diring-diri si Yngrid kay Jason dahil masyado kasi itong Lampa at siponin nung mga bata pa kami. Hindi ko akalain na bigla na lang magta-transform si Jason pagdating namin sa Highschool. Mula sa isang Siponin at lampang bata naging isang Gwapo at makisig na binata. Charot !

"Demonyita talaga yang kapatid mo Jaya." Komento ni Luna.

"Kaya nga WICKED HALF SISTER diba?" Sabi ko.

"Diba hindi niya bet si fafa Jason before? Anyare ngayon?" - Jhon Paul (Pauline)

"Ganito kasi iyon........" sabi ko

Flashback..

(February 14)

Valentines day noon. Naatasan kami ng Filipino Teacher namin na gumawa ng Love Letter para sa mga nagugustuhan namin. Ang sabi niya Project daw yun. Dahil nga project, sinikap kong maging makata sa isusulat kong Love Letter para kay Jason. Hindi naman ako nag-aalala kong masyadong corny ang laman ng sulat dahil hindi naman ibibigay ni Ma'am.

Nasa kwarto ako, seryoso akong nagsusulat ng love letter nang biglang lumapit ang bruha.

"Huy Pangit. Ano yang sinusulat mo?" Usisa niya sa akin.

Bigla ko agad itinago ang sulat.

"Paki mo?! Umalis ka nga dyan. Isturbo!!!!"

"Hmmmpp..Pangiiiiiiiit !!" Sigaw niya sa akin bago lumabas ng silid.

Kinaumagahan.....

Pagkagising ko, nakita ko na lang na binabasa ng Bruha ang Love Letter ko para kay Jason.

"Duhh, Gusto mo si Jason, pangit? Hahaha" sabi niya with sarcasm.

"Sige, subukan mong sabihin sa kanya at makakatikim ka talaga sa akin." Banta ko sa kanya.

"Well, mukhang meron na naman akong rason para inisin ka." Sabi niya.

Dahil doon, lagi na siyang dumidikit kay Jason para inisin ako. Hindi kasi ako makalapit kay Jason dahil inuunahan ako ng hiya kaya hanggang tingin na lang ako

End of Flashback...

"Okay, Gets ko na." - Jhon Paul

"Aminin mo nga sa akin Jaya, Kapatid mo ba talaga yan o kapatid yan ni Lucifer yang si Yngrid? Ang sama talaga ng ugali eh." komento ni Luna.

Nagkibit balikat na lang ako.

---------------------

[A/N:Yehey !!  Chapter Two. Done ! 

Don't forget to VOTE and COMMENT.

You can also follow me.
©LopenaGrande

Peace for any typos and wrong grammar ✌✌

MISSING Where stories live. Discover now