Chapter One

26 3 0
                                    

"Tell now i always gambay on my own. I neber ker antel a miss you
And now et chills me to da bon
Haw du i geeeeet yu alun.
aluuuuuuuuuuuuun !!" Birit ni Jaya sa kantang ALONE.

Nasa tindahan siya ngayon ng Tiya Corazon niya. Nagvi-videoke. Ito na kasi ang pass time niya kapag wala siyang pasok.

"Huy Jaya, tigilan mo na nga lang yang pagkanta mo. Wrong pronunciation ka naman. Ang mas mabuti pa, kumanta ka na lang ng OPM. Ano pang silbi ng pagiging JAYA ng pangalan mo." Sita ni Yngrid sa kanya.

"Pwede ba Yngrid, kung naiinggit ka sa'kin, tumahimik ka na lang. Hindi yung nakikialam ka." - Jaya

"Duhhh. Ang feeling mo huh. Bakit naman ako maiinggit sa'yo? Wala ka namang maipagmamalaki kaya h'wag kang masyadong mayabang dahil hindi ka naman kagandahan." - Yngrid

"Oh deh sige, ikaw na ang maganda Yngrid. Sayo na ang korona. Ikaw na !!" Ginaya ni Jaya ang signature voice ni Boy Abunda.

Inirapan lang siya ni Yngrid.

Biglang sumulpot sa eksena si Tiya Corazon.

"Huy..Huy..Huy.. Ano na naman ang ginagawa mo dito Yngrid? Inu-okray mo naman itong si Jaya. Ikaw talagang bata ka, kung anong ikinaputi at ikinakinis ng balat mo ay siya naman ikinagaspang ng ugali mo. Umalis ka na dito sa tindahan ko. Tulungan mo na lang ang nanay mo doon sa palengke." Pagtataboy ni Tiya Corazon sa dalaga.

"Duhhh. It's so kadiri kaya Tiya in the palengke. It so mabaho in there."- Yngrid

"Hay naku, umandar na naman ang kaartehan mo Yngrid. Tyaka tigilan mo na nga yang kaka-Conyo mo. Ang sakit sa Tenga" Reklamo ni Jaya.

"Okay lang maging maarte ako nooo.. Binabagay lang naman yan sa GANDA." emphasize talaga ang word na "ganda"

"Talaga? Ma-Try ko nga"- Jaya

"Bakit, maganda ka ba?"- Yngrid

*Speechless Jaya*

"Hahahahahaha"- Yngrid

"Tiya,pigilan mo ko. Kundi makakatikim sa akin 'tong babaitang ito. Kung maka-high pitch ng tawa. Kaloooooka"

"Sige na Yngrid, umalis ka na. Binabadtrip mo 'tong si Jaya. Maghanap ka ng ibang pangit na maookray. Chuuupeee"

Sa wakas umalis na rin si Yngrid.

"Wow, Tiya. Kung makatawag ka nang pangit sa akin. Ang GANDA mo Chang. Ikaw na ang Beauty Queen"- Jaya

"Biro lang yun pamangkin."

---------—------------------

Jaya's Pov

"Tiis-tiisin mo na lang yung ugali ni Yngrid anak."

Kausap ko ngayon si Nanay. Pagkatapos ko kasing mag-videoke ay dumiretso na ako sa palengke para tulungan si Nanay na magtinda.

"Pasalamat siya Nay at kapatid ko siya. Dahil kung hindi, matagal ko na yung na-jumbag."

Tama kayo. Kapatid ko ang Yngrid na iyon. She's my wicked Half sister. Anak siya ni Tito Gary na pangalawang asawa ni Nanay.
Ibang-iba talaga kami ng outside looks nang bruhang iyon. Maganda siya, maputi, makinis. Suki lagi nang beauty contest at Santakrusan. Samantalang ako, maganda naman ako, sabi nila. Hindi nga lang nila nahahalata dahil naging Negra na ako sa sobrang pagkabilad ko sa araw. BUHAY PROBINSIYA nga naman.
Ooops ! Kung si Yngrid ang Ganda, ako naman ang UTAK ng KATIPUNAN. Charot !
Infairness, consistent First Honor student aketch. Oha ! Kaya di nag-aalala si Mudrabells sa studies ko dahil dakilang skolar ng bayan ang lola niyo !! 😀

"Hayaan mo anak at pagsasabihan ko."

"Asa ka pa Nay na susunod yun sa inyo. Eh, Kinakampihan lang naman yun lagi ni Tito Gary"

"Anak, Pasensiya ka na talaga huh"

"Okay lang po yun Nay. Sanay na po ako sa Demonyong ugali ng Yngrid na iyon. Hay naku Nay, h'wag na po natin yang pag-usapan. Pangpamalas lang yun. Pagbutihin na lang po natin ang pagtitinda para mas malaki ang kita natin."

"Tama ka diyan anak."

"Fighting !!!"

Nagtawanan na lang kami ni Nanay.

---------

[A/N:Yehey !! First Chapter. Done !
So anong say niyo guys? Pasok ba sa taste niyo?

Don't forget to VOTE and COMMENT.

You can also follow me.
©LopenaGrande

Peace for any typos and wrong grammar ✌✌

MISSING Where stories live. Discover now