Jaya's Pov
Thank God. Nakalayo na rin kami sa mga bruhang iyon. First day namin dito, nakahanap agad kami nang away. Ane be yen !!
Tumingin-tingin ako sa paligid para makahanap nang mapagtatanungan. Dapat makapili ako nang tao na hindi kamag-anak ni Lucifer. 😒
Biglang nahagip nang mga mata ko ang isang lalaking nakaupo mag-isa sa ilalim nang puno. Naka-all black attire ito at may suot na pulang headset na nakakonekta sa apple na laptop niya. Nakayuko ito at mukhang busy sa pagtipa sa keyboard nang kanyang laptop kaya naman hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Napagdesisyonan kong lapitan ang lalaki.
"Kuya?" Tawag ko sa kanya.
Aba. NO RESPOND.
"Kuya!" Tawag ko ulit sa kanya with matching tap pa sa balikat niya pero no response pa rin.
"Kuya !!!" Sigaw ko sa kanya dahil medyo nainis na ako imbis na tap lang sa shoulder ang gagawin ko eh nahampas ko na. Pasensiya na, nadala lang ako. *Chuckle*
"WHAT THE F*CK ARE YOU DOING?!" Finally, tiningala na rin ako nang kumag. Halatang naiinis si kuyang may malaking headset. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako nakahandusay sa harap niya.
Napasinghap na lang ako nang makita ko ang mukha niya. Pati rin ang mga kasama kong sina Luna at Jhon Paul, natameme rin.
Juice colored ! Ang gwapo niya. Matangos ang ilong, May kissable lips, maputi at makinis parang hindi natutubuan nang pimples ang mukha nang kaharap ko. Syempre, sa ganyan ba naman ka kinis na mukha, siguradong mahihiya lahat nang pimples na magstay sa feslak niya. Yung buhok naman nya, nakaayos na parang pang-kpop. May patagilid na bangs ang style. Lastly, BROWN EYES ang loko. Nakadagdag naman nang appeal sa kanya ang paglalagay niya nang eyeliner."Rakista ba 'to o bading lang talaga kaya naka-eyeliner?" Napailing na lamang ako sa naisip.
"Hey?! Are you deaf?!!!!!!!"
"Ayy, GWAPO !!!" Bigla ko na lamang naibulalas sa sarili nang biglang sumigaw ang mokong.
"What do you want?!" Cold niyang tanong sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Ahhhhh---- ehhhh ka-ka----si ma-may i---i----ta----------------" pero hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nagsalita siya ulit.
"Kung magbibigay lang kayo nang loveletter mabuti pa'y itapon niyo na lang yan sa basurahan." Cold niya ulit na pahayag pero feel ko pa rin ang yabang sa statement niya kaya medyo kumulo ang dugo ko.
"Aba ang kapal mo !!!" Sabi ko ay mali, SIGAW ko pala. Napalakas ata kaya pinagtitinginan na kami nang mga tao sa paligid, yung iba nagsimula nang magbulungan.
Hinila na ako nina Luna at Jhon Paul palayo.
"Ang yabang nang gago na yun ahhh. Ganito ba talaga ang mga nag-aaral dito?! Puro mga alagad ni Lucifer?!" Sabi ko.
Maya-maya lang ay nakarinig na ako nang mga bulungan ay hindi pala bulong dahil rinig na rinig ko. Kaasar.
"Grabe she's a flirt! Kibago-bago pa lang naglalandi na. Si Skye ba naman ang landiin niya. Ang kapal niya huh." Sabi nung babaing mukhang payaso dahil sa kapal nang make-up.
"Yeah right. Akala siguro niya uubra kay Skye ang Style niya. Tsk." Panggagatomg pa sa sinabi nang kasama niyang payaso.
Seriously, saan ang childrens party at ganyan ang mga ayos nila? Dahil sa pinagsasasabi nila, tiningnan ko sila nang masama."Hmmmp, itong mga babaitang 'to. Magtsitsismisan na nga lang, ipaparinig pa" nasabi ko na lamang sa sarili.
So, SKYE pala ang name nang kumag na 'yun. Medyo familiar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
YOU ARE READING
MISSING
RandomMeet Jaya Solamillo [So-la-mil-yo]. Dakilang Probinsiyana. May pagka-kalog ang personality niya. Napunta sa siyudad upang makipag'sapalaran at hanapin ang kanyang ama na ilang taon ng hindi niya nakikita. Meet Skye Kendrick Haynes [Heyns]. Nag-iisa...