Fast Forward.
Jaya's Pov
Nasa Piyer na kami nina Luna at Jhon Paul kasama ang pamilya namin. Ngayon na kasi ang alis namin papuntang Maynila. Sa awa nang Diyos, napabilang kami sa Listahan nang mga estudyanteng mag-te-take nang entrance exam sa John Dale University. Ilang minuto na lang at aalis na kami.
"Nay, Tiya. Mag-iingat kayo dito huh." Paalala ko sa dalawa.
Sina Nanay lang kasi at Tiya ang Naghatid sa akin dito sa piyer. Asa pa 'kong sasama yung bruha kong kapatid noh. Malamang nagpapaparty yun dahil wala na ako.
"Ikaw dapat ang mag-ingat bata ka. Baka nakakalimutan mong Maynila ang pupuntahan mo. malaking siyudad yun." Paalala ni Tiya Corazon
"Anak, sigurado ka na ba anak na dun ka mag-aaral?" Tanong ni Nanay na medyo maluha-luha pa ang mata.
Ngumiti ako.
"Nay, buo na po ang pasya ko. Bihira lang po ang ganitong pagkakataon. Para naman po ito sa kinabukasan ko hindi ba? Tyaka, malay niyo, makita ko Tatay doon." Sabi ko.
"Oh Hija" sabi ni Tiya sabay bigay sa akin nang isang papel. May nakasulat itong address.
"Address yan nang matalik kong kaibigan sa Maynila. Pagkadating niyo sa Maynila, dumiretso kayo sa address na yan dahil pinakiusapan ko na siya na doon muna kayo tutuloy."- Tiya Corazon
Natuwa ako sa sinabi ni Tiya.
Gusto ko pa sanang makasama sila nang matagal ngunit oras na para umalis. Bago sumara ang barko ay kumaway pa ako kina Nanay. Hindi ko namalayan, sunod-sunod nang tumutulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang pumatak. Hinagod nila Jhon Paul at Luna na kapwa rin umiiyak ang likod ko.
Huminga ako nang malalim.
"MANILA. Hintayin mo 'ko. Parating na'ko. MANILA here i come." Sabi ko sa sarili na puno nang determinasyon.
--------------------------------------
Mga ilang Oras din ang byahe.
At sa wakas, MANILA Touchdown na kami. ☺"Hello Manila" Sigaw ko pagkalabas ko pa lang nang barko.
Wala akong pake kahit na pagtinginan ako nang mga tao.
Feel na feel ko ang moment na iyon. Yung parang sa mga teleserye, kapag bagong dating ka sa lugar. Pipikit ka tapos lalanghapin mo ang hangin.
Bigla na lang natigil ang papikit-pikit effect ko nang itulak ako nang dalawang kasama ko.
"Galing!! May papikit-pikit ka pang nalalaman huh. OA lang?!"- Jhon Paul
"Che ! Panira naman kayo nang moment 'no?!" Pangbabara ko sa dalawa.
"So, ano nang ganap sa atin ngayon?! Sa'n tayo manunuluyan?!" Tanong ni Jhon Paul
"Sa kalsada ka na lang Jhon Paul, mas bagay ka doon"- Luna
"Oo nga." Pagsang-ayon ko.
"Ano ako?! PULUBI?!! Kaloooka"
Nagtawanan na lang kami.
Dinukot ko sa bulsa nang pantalon ko ang papel na bigay sa akin ni Tiya Corazon nung bago kami umalis."Tara guys, hanapin natin 'tong address na'to" sabi ko.
Maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni Luna.
"Hep.Hep.Hep. Teka lang muna Jay. Sigurado ka ba dyan sa address na yan? Baka ano yan huh." Sabi niya
"Oo naman. Ano ka ba? Kaibigan 'to ni Tiya Corazon 'no kaya safe 'to"
"Aba malay ba natin na lungga pala yan nang sindikato. Tapos pag dumating na tayo doon, kukunin nila yung mga organs natin at ibibenta o baka gawin tayong mga bugaw sa club"- Luna
Hinampas ko siya nang mahina sa braso.
"Ikaw talaga Luna, nagiging praning ka na naman. Kung sindikato man sila tapos ibenta itong mga organs natin, wala silang mapapala, hindi naman tayo malulusog ano. Tyaka kung magiging bugaw man tayo sa club eh magiging masaya si Jhon Paul, doon marami siyang lalaking malalandi. Diba?!"
Tinaasan lang kami nang kilay ni Jhon Paul.
"Ang mabuti pa'y puntahan na lang natin 'tong address na'to. Para naman makapagpahinga na tayo." Sabi ko.
Hindi na tumanggi pa ang mga kasama ko.
--------------"Woooh !! Ang ganda naman nang bahay na ito."- Luna
"Medyo oldies ang style pero malaki siya huh"- Jhon Paul
"Ito na ba talaga?"- Ako
Nakarating na kami sa address na ibinigay ni tiya Corazon. Kasalukuyan kaming nakatunganga sa harap nang isang antigong bahay.
"Tama naman yumg address na napuntahan natin diba?!"- Luna.
"Tao po! Po Tao!" Biglang tawag ni Jhon Paul.
Napaatras kaming bigla nang hindi tao ang sumalubong sa amin kundi dalawang bulldog.
Mabuti na lang at may gate na nakaharang. Dahil kung wala, siguro durog-durog na yung mga laman namin.Natigil na lang ang pagtahol nang mga aso nang may isang babaeng lumabas. Kasing-edad ito nang tiya ko. Sinalubong niya kami nang isang malapad na ngiti.
"Uy, kayo ba ang 3 bata na inihabilin sa akin ni Corcor?!"
Nagtulakan pa kaming tatlo kung sino ang sasagot. At the end, ako na lang ang sumagot.
"Ahmm- magandang araw po. Ako nga po pala si Jaya Mae pamangkin ni Tiya Cora----"
Hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko nang yakapin niya ako ng mahigpit.
"Ikaw na pala yan Jayjay !! Kamusta ka na? Ako nga pala si Tita Lovely but you can call me, Momsie !!!"
Chars. May pagka bagets pala ang dating nang kaibigan ni Tiya.
"H-h-hi. Nice to meet you po mom-sie" sabi ko in an awkward tone.
Ipinakilala ko na rin kay Momsie sina Luna at Jhon Paul. Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob nang bahay. Palinga-linga kami sa loob. Ang daming mga antigong gamit.
Napag-alaman namin na matandang dalaga na pala itong si Momsie. Nanirahan siyang mag-isa sa malaking bahay na iyon kaya naman ang saya-saya niya nang dumating kami. Magkakaroon siya nang pansamantalang mga anak.
"Ang laki naman po nang bahay niyo momsie, hindi po ba kayo nalulungkot?!"- Jhon Paul
"Hindi naman. May mga katulong naman akong kasama. Hindi nyo lang sila nakikita ngayon dahil naka-day off sila"
"Ahhhhhh" sabi namin.
"Eh, bakit po kayo naging matandang dalaga. Bakit di kayo nag-asawa?! Di naman po kayo kapangitan para layuan nang mga lalaki." Dagdag pa nang bakla.
"Ikaw talaga, masyadong palabiro. Ang mas mabuti pa'y kumain muna kayo at pagkatapos ay puntahan niyo na ang kwarto niyo at nang makapagpahinga na kayo dahil malamang pagod kayo sa byahe. " - Tita Lovely
--------------------
Chapter 7 Done. Sorry ang tagal kong naka-update. Nagka writer's block kasi ako this past few days. ✌
Don't forget to Vote & Comment. ❤❤
YOU ARE READING
MISSING
AcakMeet Jaya Solamillo [So-la-mil-yo]. Dakilang Probinsiyana. May pagka-kalog ang personality niya. Napunta sa siyudad upang makipag'sapalaran at hanapin ang kanyang ama na ilang taon ng hindi niya nakikita. Meet Skye Kendrick Haynes [Heyns]. Nag-iisa...