Fast Forward.
Jaya's Pov
Moving up Ceremony is fast Approaching. 👏
Kasalukuyan akong nasa classroom, tumatambay kasama ang mga kaklase ko. Naghihintay nang Teacher na piperma sa clearance namin. Tapos na kasi ang Finals kaya Panahon na naman nang Clearance. 🙍 Dagdag Headache na naman 'to sa aming mga students. Tsk.BOREDOM SUCKS !!
Dahil walang magawa, pinagmasdan ko na lang ang mga kaklase kong may kanya-kanyang mundo.Yung iba, nag-se-selfie and "click" post agad.
Yung mga lalaki naman, tuwang-tuwa namang nangunguha nang mga nakakatawang stolen picture nang iba ko pang kaklase.
May iba namang nasa tabi-tabi lang, seryosong nagbabasa nang wattpad, nag-fe-facebook, nag-sa-soundtrip.
Yung iba naman, nakahilata na sa sahig at natutulog. Hindi naman masyadong feel at home noh?
Yung mga teachers pet naman naming kaklase, nagpapakalusyang na tulungan ang adviser namin.
Ang pinakahuli, yung kaklase naming Supreme Student President, Stress na Stress habang pinipilahan nang maraming estudyante upang magpa-sign. ANG GWAPO no? Pilahan ka ba naman nang maraming tao? 😄 Chakaaaa..
"Kalooooka !! Hindi lang pala tayo ang Pabebe, pati mga Teachers nakikiuso na rin. Ka-Stress !!"
Bigla na lang pumasok si Jhon Paul kasama si Luna na inis na inis.
"Huy bakla, anyare sa inyo?'' Tanong ko.
"Hay naku, nanggigigil ako sa mga teachers na yan. Masyado ba namang pabebe akala mo namang kung sinong maganda."
Reklamo ni Jhon Paul habang ginagawang pamaypay ang clearance niya."Hahaha. Kawawa naman kayo." Sabi ko.
"Ang hirap talaga Jay, pumila ka ba naman nang pagkahaba-haba under the sun. Mainit na nga, langhap na langhap ko pa ang iba't ibang klase nang amoy-tao. Parusa talaga. Tapos andami pang requirements na kailangang ipasa. Varnish doon, Orals dito, Linya dito, Linya doon. Aissh !!" Sumbong ni Luna
"Korek. Ang sakit na nga nang kamay ko kakaliha nang Armchair ko. Kapag ako nainis, yung mga feslak talaga nila ang paggagamitan ko nang papel de liha." Banta nang bakla with matching kumpas-kumpas pa nang kamay.
"Bakit di na lang sa mukha mo gamitin yang papel de liha at nang kuminis ka naman ng konti." Biro ko.
"Chee !! Isara mo yang bunganga mo Jaya huh. Ipapakalmot kita kay Wolvarine. Sige ka !!"- Jhon Paul
"Eh kung yang mga pores mo na lang ang isara mo, tutal nakabukas naman yan." Pang-o-okray ni Luna sa bakla.
"Sige lang okrayin niyo lang ako. Gusto niyong makulam?!"- Jhon Paul
Habang nagkakatuwaan kami nang mga friendships ko malapit sa entrance nang classroom ko ay biglang dumaan ang bruha kong kapatid kasama ang mga alipores niya.
"Ohw, speaking of "Kulam". Guys, parating na yung "Mangkukulam". Sabi ko habang nakatingin sa paparating.
Napatingin na rin ang mga kasama ko.
Ibang klase talaga ang karisma nang bruha dahil kuhang-kuha niya ang kiliti nang mga lalaking nadadaanan niya.
"Hello Yngrid"- boy 1
"Ang Ganda mo Yngrid"- boy 2
Ang daming compliment na nakukuha ang bruha. Ayun, feel na feel naman nang timang may pa-flick-flick pa nang hair na nalalaman! Shampoo Comercial lang ang peg nang lola? 😄
YOU ARE READING
MISSING
RandomMeet Jaya Solamillo [So-la-mil-yo]. Dakilang Probinsiyana. May pagka-kalog ang personality niya. Napunta sa siyudad upang makipag'sapalaran at hanapin ang kanyang ama na ilang taon ng hindi niya nakikita. Meet Skye Kendrick Haynes [Heyns]. Nag-iisa...