Kabanata 3

452 24 7
                                    

(Author's note: sorry po sa mga typo grammatical errorssssssss, wala pa pong edit. ^_^v)


Keith

Lumipad kami ni Jelly pataas ng pataas sa mga ulap at mula sa itaas, inilibot niya ako sakay kay Lex sa buong lungsod ng sinaunang Cairos.

Naipaliwanag sa akin ni Jelly kanina sa ere kung paano ako napunta rito, yung sinasabe niya kaninang rules, ay yung warning na ilalagay pa sana raw ng amo niyang si Ey sa libro, yung babaeng may mahaba at puting buhok na nakita ko sa library kanina. Nakatulog ako sa matinding spell na inilagay niya sa libro dahil para na rin daw sa safety ko, naintindihan ko na kung bakit niya ako pinalipat sa tagong kwarto ngunit kahit hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong inintindihin ang lahat. Pero sa ngayon, eenjoyin ko na lang muna, di ko alam pero may tiwala ako sa pusang ito. Natawa na nga lang rin ako eh dahil yakap yakap ko si Jelly, hindi man lang ako inatake ng allergy. Ang sabi niya naliligo raw siya araw araw.

Kelan pa naliligo ang pusa? eh sa pagkaka alam ko, takot ang pusa sa tubig haha.

Inilibot muna ako sa lungsod ko Easteros kung saan ako nakatira-ang ciudad ng Parisi na noo'y isang maliit na bayan pa lang. Napakalawak ng taniman, masaya ang mga tao at napakatahimik hindi kagaya ngayon sa kasalukuyang mundo ko, punong puno na ng mga naglalakihang buildings at factories ngunit naroon pa rin ang mga farms dahil doon kami kumukuha ng ikinabubuhay.

Ikinuwento sa akin noon ni Lola Niknik na may kakaibang hayop daw na namumuhay noon sa Easteros noon sa isang parte malapit sa Calon, isang bayan noon na ciudad na sa kasalukuyamg panahon ko ngayon,ay isang gubat na kung tawagin ay Mystic Forest ngunit naglaho na ito ngayon at wala ng ibang nakaka alam kung talagang naroon pa ang hayop na iyon. Nakalimutan ko na nga kung ano iyon pero bakas ang excitement sa akin na baka kahit saglit lang ay makita ko kung anong uri ng hayop iyon.

"Dito, sa bayan ng Parisi, nalalagi ang kakaibang nilalang na kung tawagin ay 'Arang'" Panimula ni Jelly habang nakatanaw sa ibabang bahagi ng bayan. Nasa ere pa rin kami habang nagkukwento si Jelly. Mukhang nababasa nga yata niya ang utak ko. Nakakapit pa rin ang kaliwang kamay ko sa malalambot na balahibo ni Lex  habang karga karga ko pa rin sa kabilang kamay ko si Jelly.

Biglang umungol si Lex na mukhang naiintindihan naman ito ni Jelly kaya mabilis kaming nakalapag sa mataas na bahagi ng punong kahoy. Malapad ang sanga ng kahoy kahit medyo may kataasan iyon at nag iisa lang iyon sa kagubatan kaya tanaw mo ang itaas at ibabang bahagi.

"Masdan mong maigi Keith. Ilang minuto lang lalabas na yung Arang" Excited na sambit ni Jelly.

Tutok na tutok lang ako sa kagubatan kung saan mag dadapit hapon na at papalubog na ang Araw. Napakagandang tanawin feeling ko dito na ako mamamatay. Pero wag naman sana hihihi

"Nag enjoy ka ba?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang may lalaking nag salita sa bandang likuran ko.Malalim ang baritono nitong boses na ikinatayo ng balahibo ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at isa pang 'Adonis' ang nakita ko.

"S-SINO KA???" biglang sigaw ko. Nagulat talaga ako dahil bigla bigla na lang sumusulpot kung saan, naiduro ko pa sa kanya ang hintuturo ko.

Oh Gosh!! San nanggaling ang nilalang na ito??

Laglag ang panga ko sa lalaking nakaboxer shorts lang, mahaba hanggang balikat ang puting-puti nitong buhok habang tadtad naman ng muscles ang puti nitong katawan.

Don't tell me......No......IMPOSSIBLE!!!

Ang alam ko, wala ng nabubuhay na shapeshifter sa kasalukuyan, ipinadakip silang lahat 10 years ago, sampung taon ako noon nung huli kong nakasama si Lola Niknik at sapilitan siyang inilayo sa akin. Hindi ko talaga alam ang pagiging shapeshifter ni Lola Niknik, nalaman ko na lang yun pagkaraan ng ilang araw sinabe sa akin ni Nay Silvia dahil isa ring shapeshifter ang asawa niya.

The Reader(The Keepers Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon