Kabanata 10 (Finale)

191 17 0
                                    


Keith

Mabigat ang aking hininga ng maingat akong dinala ni White sa tuktok ng Typraz tower. Walang malay si Chris ganun din ang kambal nitong si Black. Nagpalutang lutang kami sa ere, naramdaman ko yun kasi alam kong gising ako.

Mariin akong napapikit  ng maramdaman ko ang kirot sa buong katawan ko lalo na sa parte ng balikat ko kung saan tumama sa lupa kanina noong bumagsak ako mula sa ibabaw ng pader. Napailing ako ng maalala muli ang itsura ng kapatid diumano ni Frelyn bago ito bumagsak sa kabilang dako ng pader.

"Gising ka na pala?" Kumunot ang noo ko ng marinig ang nag aalalang boses ni White habang umaakyat kami sa tower(ngunit nakalutang lang sa ere)

Hindi ako sumagot.

"Hindi ko rin ito ginusto Keith. Ngunit kailangan....hindi maaaring baliin ang kapalaran na nakasulat sa itim na libro-"

"Nahihibang ka na" Putol ko sa mahaba niyang litanya. "Baliw ka na at nahihibang ka" Tinapunan ko siya ng masama at nangangalaiting tingin "Anong tinira mo ngayon at nagpapaniwala ka sa mga propesiya na yan?" Pamimilosopo ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. Literal na napahinto at napatingin sa direksyon ko.

"Hindi pa ba sapat ang mga nakikita at nararanasan mo ngayon Keith? Kung bakit ka nakalutang at ang mga kapangyarihang nakikita mo, ang mga pangyayari noong ikaw ay napunta sa sinaunang panahon at ang mga pagbabagong anyo ng mga hindi normal na tao." Desperado na ang boses niya kaya ibinaling ko na lang ang mata ko sa ibang direksyon habang nakahigang nakalutang. Ayaw kong makinig sa kanya dahil ayoko pa ring isipin ang mga katotohanan at posibilidad na mawawala na ako sa mundong ito pagkatapos ng lahat ng ito. Natatakot ako. Ayoko pang mamatay. Kung totoo man ang hinala ko na sa akin sumanib ang natutulog na katauhan ni Lara hearthopia, hindi malayong maulit ang mga pangyayari noon na mapapaslang ako gamit ang punyal na ginamit ng sariling kapatid noon ni Lara Hearthopia.

Mamamatay ako.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "Look, Ano man ang nasa isip mo ngayon, nagkakamali ka. Ang lahat ng ito ay para sa kabutihan mo at sa kabutihan nating laha-"

"Papatayin mo lang rin ako, bakit hindi mo na lang yun gawin ngayon" Matigas kong sabi sa kanya. "BAKIT HINDI NGAYON? bakit mo pa ba ako pinahihirapan?"

Hinilot niya ang kanyang sentido at saka tinalikuran ako at nagsimula muling umakyat sa hagdanan(ng nakalutang pa rin)

"BAKIT AYAW MO NAMAN AKONG KAUSAPIN NGAYON...ANO BA?" ngunit patuloy pa rin siya sa pag akyat.

"WHITE!, bwisit ka, kapag ako nakatakas dito-" Sinubukan kong magpumiglas ngunit huli ma ang lahat ng umabot na kami sa pinakatuktok na bahagi ng Typraz Tower. Natigilan ako ng unti-unti bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng bakal, amoy dugo at madilim na pasilyo. Malawak ang entrada ng kwartong pinasukan namin. Bumilis ang pintig ng puso ko at ramdam ko rin ang mabibigat kong hininga. Gusto ko ng lamunin ako ng lupa at magtago habang buhay.

Nakikita ko ang nakakatakot na pinaghalong kulay ube at itim na malaking magic circle sa gitna at apat na mga naka-awang na posas na bakal tigdadalawa sa magkabilang dulo. Ramdam ko rin ang mga nagtatakbuhang mga daga sa aking dibdib. Kusang tumulo ang aking luha ng maramdaman kong ibinagsak na ni White sina Chris at Black. Tila nagising ang dalawa sa malakas na pagkakabagsak nila dahil naririnig kong nagsisimula ng magmura si Chris.

"Fvck" Rinig ko matapos bumagsak si Chris. "K-keith?,....THE HELL KEITH!!" bakas sa boses niya ang gulat at pag-aalala. Nakatalikod ang ulo ko sa kanya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam pero napangiti ako matapos niyang sambitin ng buong pag-aalala ang pangalan ko. Ngunit sa likod ng mga ngiti ko, nasasaktan ako.

The Reader(The Keepers Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon