Kabanata 5

288 16 4
                                    

(author's note: Pagpasensyahan niyo po ang next remaining chapters, magpapasintabi lang sana sa mga bata kung may batang 12 below, marami po kasing foul words dito AS IN MARAMI. hehe, new generation nga eh, masama rin kasi akong otor kaya pagpasensyahan niyo na haha)

pasensya narin po sa unedited typo-grammatical errors. Wala pa pong edit.

_______________________________________

Ey

Napahilamos ako ng mukha ng malaman ko ang plano ng Council. Hindi ko pinahalata sa kanila kung gaano ako nagtitimpi dahil alam kong isa sa amin ang traydor. Kung pano ko nalaman? Sa magaling kong alagang pusa. Sino pa ba? edi si Jelly.

Aksidente akong napadaan sa Head office kanina ng marinig ko ang komusyon sa loob ng kwarto kasama si Jelly na bigla-biglang sumulpot sa likod ko. I hissed at her at the thought na parang ginagawa niya nanamang playground ang palasyo dahil sa paglalakwartsa niya. She was just relaxed pero alam kong may malalim itong iniisip.

"There's no way in hell that they could do such action, mahirap basahin ang batang iyon at hindi ko alam kung bakit, pero nung tanungin ko si Jolly, I swear Ey,yun lang ang sinabe niya sa akin." Seryoso siya sa sinabe niya. Nakatalikod na ako kay sa kanya habang siya nama'y nakasunod lang sa akin. Nag uusap kami gamit ang isip para walang makarinig sa amin. Papunta na kami ngayon sa tagong lugar ng kapitolyo-ang Enchantesd garden.

"We have to do something Jelly" sambit ko. Hinarap ko siya at inu-uga ang mapuputi niyang braso kasabay ng pagyugyog ng kulay ube niyang mahabang kulot na buhok. She looked into my eyes as if she's in great horror na para bang nangingilabot sa mga nangyayari. Kumikinang ang kulay ube niyang mata nangungusap sa sinag ng liwanag na nagmumula sa malaking buwan.

She's in a human form at talagang humanap ako ng spell para doon upang maitago ko si Jelly sa mga council.


The council will definitely kill her if she ever show up to them. Alam ko yun dahil sinabe ni Preceptor Zitas sakin. Hindi ko na inalam kung bakit dahil ayaw rin namang sabihin ni Preceptor, mas maganda muna na wala muna akong nalalaman tugkol dun.

"Alam ko Ey, that's why nag manman ako kanina sa palasyo."

"Sino ba kasing traydor ang nagpakalat tungkol sa pagpasok ni Keith sa kabilang demension?"

Para kaming tanga ni Jelly nakikipag titigan habang nag uusap.

Bago palang nakapasok si Keith sa kabilang mundo, alam ko na ang mga possibleng mangyari, kaya mas minabuti kong palpakin ang tracker na ipinapakabit nila sa akin gaya nga ng sinabe sa akin ni Jelly bago pa namin naisagawa ang plano, nakita na ni Jelly kung paano sila nakita ni Jolly at ang tatlo pang anino, nagkwento rin si Jelly sa lahat ng mga nangyari at wala kaming pinagsabihan ni Jelly na kahit na sino dahil kahit si Jelly, may nakakikitaan ding traydor sa aming grupo.

Hindi naman talaga kami librarian, the momment that Keith enter the room and crossed the sacred line where the book was hidden, na alarma kaming lahat, nagpanggap kaming mga librarian and to A.J's surprise, hindi man lang siya namukhaan ni Keith. Sa sobrang kasikataan ba naman ng A-Team magtataka ka talaga kung hindi mo man lang makilala ang isa sa amin.

Hindi ako nasorpresa dahil hindi niya kami kilala, pero mas nasorpresa ako nung siya pala ang nakatakdang magbubukas ng libro. All this time, hindi ko talaga alam na siya ang tinutukoy ni jelly pero kahit si jelly hindi niya nakilala ang nakatakda. Tanging anino lamang ng babae ang nakita ni Jelly.

Nabigla ako ng malaman kong siya ang magbubukas ng libro. Ang sabi ni Jelly noon sa akin, 'may tamang panahon sa lahat ng bagay at ang panahon na iyon ay ngayon'. Hindi ko aakalain na ang pangyayaring iyon ang bubulabog sa A-Team kahit kay preceptor Zitas.

The Reader(The Keepers Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon