Kabanata 9

210 12 3
                                    

Hingal na hingal na si Chris dahil hindi pa nito gamay ang paggamit sa kapangyarihan. Sadyang mahina pa ang kapangyarihan nito kung tutuusin ngunit, sa dami ng lobo, hindi na nito kakayanin ng kanyang katawan. Nanghihina na siya dahil sa dami ng pwersa naipalabas niya.

Ilang sandali pa, nakarinig siya ng mahinang tawag mula sa di kalayuan. isang pigura ng lalaking naka all-White ang nakita niya. "Chris!!"

Napalingon siya sa kanan niya, nagpalabas ito ng energy ball. Tila hingal na hingal na rin ito. Natuwa siya ng makita niya na isang wind keeper pala si White. Nagising si Keith at napapaubo pa ito. Mabilis na inalalayan naman niya itong tumayo habang si White naman ay nakikipaglaban sa kanila.

"Tara sa taas ng typraz! Di nila tayo masusundan doon!"

"P-pero maraming peace keepers sa loob, mahuhuli tayo!" ani ni Chris na hingal na hingal na.

"Hindi yan, ako bahala" Sabi ni White tila nagmamadaling puksain ang mga lobo sa likuran nila.

Pinagtulungang akayin ni White at Chris si Keith ngunit tila nagtaka naman si Chris dahil gumalaw ang babaae at lumayo ito ng konti kay White.

"Keith, lets go, bago pa tayo lapain ng mga lobo"Marahang sabi ni Chris sa dalaga ngunit sa sobrang hina ng nararamdaman ni Keith, di na nito kinayang mag salita pa. Halos buhat buhat na ni Chris ang buong bigat ni Keith kaya napangiwi nalang si Chris.

"Keith Lets go" Nag aalalang sambit ni Chris. Ngunit hindi sumagot si keith. Nakasubsob lang ang mukha nito sa dibdib ng lalaki. "Keith we need to move fast" Sinubukang umiling ni Keith at pinilit niyang magsalita.

"T-trayd-dd..rr s-si W-wh"
"Keith!" Biglang may nagpakita nanamang isang pigura sa di kalayuan. Makulimlim na ang ulap at papalubog na rin ang araw. Halos nag sisiping na ang dilim at ang liwanag. Isang bulto ng anino lang ang nakita ni Chris sa di kalayuan ngunit hindi kalaunan nagulat nalang siya sa kanyang nakita.

Naguluhan si Chris dahil dalawang white ang sumulpot sa kanilang harapan. Identical Twins kasi ang dalawa at wala halos palatandaan kung sino si white at sino black maliban sa mas mataas ang buhok ni Black at sa color identification nila lalo na sasusuoting kulay ng damit ngunit kung titingnan, bagong tupi ang dalawa at magkaparehong magkapareho ang mga damit.

"WAG KAYONG SUMAMA KAY WHITE, AKO SI BLACK CHRIS! SIYA ANG TUNAY NA WHITE" ani ng bagong dating na white.

"what?" Naguguluhang sambit ni Chris.

"SABI KO WAG KAYONG SUMAMA SA TOWER, ISASAGAWA NA NILA ANG HULING RITWAL, MAMAMATAY TAYONG LAHAT! PATI SI KEITH! T-TRAYDOR ANG KAPATID KO CHRIS"

"Wag kang maniwala sa kanya Chris, kung traydor ako sana hindi ko na kayo tinulungan ngayon"

"TRAYDOR KA!" Turo nito sa kakambal na halatang nag ngingit ngit na sa galit.

"Your talking about yourself WHITE, ikaw ang traydor!"

"HINDI AKO SI WHITE! Ano ba White? di ka ba titigil? Mapapahamak ang A-Team! Dude CHRIS, wag na wag kayong sumama sa TYPRAZ, umalis na tayo dito bago pa tuluyang mag gabi!" ani ng bagong dating na nagpakilalang white.

"What?" Naguguluhang sambit ni Chris. Ngunit mas naging malas pa dahil mabilis na binalot ng dilim ang paligid. Tuluyan ng kinain ng dilim ang liwanag at kitang kita na sa dilim ang malademonyong ngisi ni White.

Tiningnan ni Chris ang mukha ng totoong white at agad na napa atras patungo sa hingal na hingal na si Black.

Ngunit napahagalpak lang ito ng tawa. Humalakhak ito na para bang nasasapian ng masamang demonyo sa katawan "Your late Chris." Ngising aso ni White.

The Reader(The Keepers Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon