Bonus Chapter

201 21 5
                                    

Aiwa

"Sino ka ba talaga!" Bulyaw ko sa kanya, pinigilan na siya ng mga body guards ko sa labas ng mansyon ngunit natakot sa kanya ang mga bantay ko ng maglabas ito ng baril kasama ang kanyang nasa humigit kumulang dalawandaang nakaitim na gwardiyang nakapalibot sa bahay namin. Marahil mga katawan rin ng mga peace keepers. Ako si Aiwa Frost. Ang kambal ni Eywa Frost, 10 years ago, nag simula ang digmaan mula sa mga Peace Keepers ng Cairos at ng mga shapeshifters. Walang awang pinagdadadakip ang asawa ko at si Eywa kasama ng asawa niya at naiwan sa akin ang anak niyang si Azure na apat na taong gulang at isang sanggol na hindi ko naalalang sa kanya iyon dahil sa tagal naming nagkasama, hindi ko napansing nabuntis siya at nanganak. Pagkaraan ng walong taon, biglang nawala ang bata noong dinala ko siya sa parke at hanggang ngayon, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Aliyah dahil sa katangahan ko.

Bago kami nakapag usap ni Eywa, kinuha siya ng mga Peace Keepers at walang awang pinagkakaladkad sa kung saan. Madugo ang digmaan ngunit nanalo sila. Sadyang lumalakas ang kapangyarihan ng mga trivialis dahil sa kanilang naisip na makabagong teknolohiya kung paano kami takutin.

May mga tanke de gyera at kanyon sila, may tinatawag rin silang baril at bomba.

10 years ago aware, ang lahat ng tao tungkol sa mga shapeshifters, at malayang nakakasalamuha lang nito ang mga trivialis dahil ni isang beses walang nagtangka sa kanilang gumawa ng masama. Napaka payapa pa nga ng Cairos noon ngunit sa isang iglap lang, ideneklara ng Haring Holoma ang pagdakip sa lahat ng Shapeshifters ngunit wala naman kaming magawa. Ang alam namin pinapatay na sila ng Hari ngunit wala ni isa sa amin ang nakapagkompirma kung buhay pa sila.

"Huminahon ka, kailangan mo lang silang hayaan Eywa, hayaan mong tuparin ng tadhana ang itinakda ng propesiya para sa kanila-" Umakyat ang galit ko hanggang sa ulo ko. Mabilis kong hinablot ang kutsilyo sa lababo at itinutok sa kanya

"P*TANG INA MO ANIMAL KA!!  Isa kang malaking GAG* para gawin mo iyon sa akin!" Maluha luha kong sigaw sa kanya. At ngayon alam ko na kung paano nawala si Aliyah, ipinadakip pala ng animal na to ang batang si Aliyah. Halos mabaliw ako ng dalawang taon kakahanap sa kanya dahil inaamin ko, napamahal na ako sa bata, bukod sa malambing ang bata, napakabait pa. Hinding hindi ko makakalimutan ang batang iyon dahil naturingan ko na iyong parang anak ko" 

Hindi ko napansin ang pag agos ng luha ko, naikuyom ko ang kamao ko. Galit na galit ako, nanginginig ang kamao ko at gustong gusto ko siyang patayin at saksakin ngayon.

Ngunit sa galit ko, nagulat ako dahil biglang lumamig ang buong katawan ko. Alam kong malamig dito sa westeros pero kakaibang lamig ang naramdaman ko.

"Alam kong nararamdaman mo na rin." I saw him smirk. Ngumiti siya ng nakakaloko, kampante lang siya sa pagtayo at hindi man lang nasindak sa hawak kong kutsilyo.

Then suddenly, the knife I am holding was now covered with ice. Mabilis kong nabitawan ang kutsilyo. Pinanood ko pa kung paano yun natunaw saka napatingin sa mga kamay ko.

"Mrs. Frost, nagsisimula na. Maiintindihan mo rin balang araw kung bakit ko pinadukot sa iyo si Aliyah" Nabalutan ng kaba ang dibdib ko. Nanginginig ang tuhod ko at tuluyan ng nagbagsakan ang luha sa mga mata ko. Napadausdus ako ng upo saka nahilamos sa mga palad ko at tuluyan ng umiyak.

Nagsisimula na nga ang Propesiya....

Ang propesiya kung saan babalik na ang mga nawala at mawawala ang mga nagbalik.

SHIT!! Ibig sabihin hindi ko na makikita pa si Aliyah?

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

"Sumama ka sa Council, kailangan namin ang presensya mo doon bilang katawan ng Frost clan.....White!"

"Yes dad?"

"Kunin mo ang itim na manto at ipasuot mo sa kanya"

"opo Dad"

----------------------

(someone's pov)

Nanunumbalik na ang kapangyarihan ko. Nararamdaman ko na sa loob ng ugat ko. Ang itim na mga spirito na sumasakop sa kubuuan ko ay nagigising na. Naipikit ko ang aking mga mata sa sensasyong nagbabalik na ang dating lakas ko, dahil sa unti-unting pagkabasag ng malakas na kapangyarihan ni Amber noon.

Napangiti ako sa katotohanang unti-unti na ring naisasakatuparan ang Huling Propesiya.

Hawak ko ang bote ng Arang Coda na nooy akala ko hindi ko na muli'y magagamit. Nanggigigil ako sa mabagal na takbo ng oras, sa mabagal ng pag usad ng panahon, para akong napag iwanan ng lahat ngunit wala na akong dapat ikabahala, Everything that is patienly waited are worth the wait....You are worth to wait Mahal ko. Konting tiis na lang.

"Everybody is waiting for you Senyor, the council has already arrived"

Napangiti muli ako ng masilayan ko ang maginoong ngiti ni White, napakamasiyahing bata, napaka magalang, kaya mas gusto ko siya keysa kay Black.

"Susunod ako..bumalik ka na sa kanila"

"Masusunod"

Nanghihina na ako ngunit ramdam ko ang lakas ng enerhiyang naglalaro sa loob ng katawan ko. Kaya ko pang bumuo ng isang malaking itim na energy ball at wasakin ang buong Cairos.

Napakuyom ang kamao ko ng maramdaman ko sila. Silang lahat, bumubulong sa tenga ko at nagmamakaawang lumabas na at gigil na masilayan ang bagong mundo ng Cairos. Ngunit hindi pa panahon.

Maghintay kayo hanggang sa nasa harapan ko na ang nakatakda. Masisilayan niyo ang huling palabas ng itim na propesiya .

The Reader(The Keepers Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon