What does she mean about that post?I don't know pero feeling ko para sakin yung post na yun. Ewan ko ba.
Ang hirap nyang intindihin. She kissed me right? And now she posted "feel the pain"? Tss. Im so confused. Sasabog na utak ko kakaisip.
What if hindi naman pala sakin yung post na yun? What if napaparanoid lang ako?
-----
"GOODMORNING!!!!" Sabi ni Kean sakin pag pasok ko pa lang ng hospital.
"Oh Bakit hyper ka?" Sabi ko and he just smiled at me like a crazy guy.
"Pre!! iEeeeeeeEeEhHhhH!!" Sabi nya
"What the heck?" Sabi ko at tumawa sa kanya.
Ano ba naman kasing sound yung ginawa nya? Para syang kinikilig na ewan.
"Pre sinagot na ko ni Sam. After one year of courtship!!" Sabi nya at nag tatatalon pa ng konti habang pinipigilang sumigaw
"WEH?!! Grabe!! Pre congrats!!" Sabi ko niyakap sya kaya niyakap pa nya ko ng mas mahigpit
Sabi ko naman kasi sakanya eh. Hintay hintay lang at sasagutin din sya ni Sam. Halata namang may gusto sya kay Kean eh.
Nag bye na ko kay Kean dahil madami pa kong gagawin. Pagka dating ko sa office ko, who nakita ko naman si Bea sa office nya na nasa phone nya. May kausap sa phone.
Hindi ko na lang muna sya binati dahil baka importante yung kausap kaya i went straight into my office.
---
*tiiiiit!! *tiiiiit!! *tiiiiit!!
Napa tayo ako kasi tunog yun ng emergency. I quickly put on my hospital coat at tumakbo sa icu
"Dr. De Guzman! Buti dumating ka kaagad! May kailangang operahan. Nabaril po ng ligaw na bala." Sabi nung isang nurse.
She told every details and stuffs.
Nabaril yung patient sa tyan pero good thing is walang natamaan ma na organs pero malapit yung bala sa liver kaya masyadong mahirap tanggalin yung bala.
I started the surgery and natapos ko naman sya ng tama. Bumalik na ko sa office ko at nung madaaan ko yung office ni Bea
Pupunta sana ko sa loob para mag start na ulit kami ng training pero may narinig akong parang may mga kalampag.
Bukas ng konti yung pinto kaya sumilip ako. Okay ako na chismoso.
Pagka silip ko sa pinto may nakita akong lalaki at si Bea.
And.. They were kissing each other.
Dahil nagulat ako sa nakita ko, bigla kong nasara yung pinto nya. Tumakbo agad ako papuunta sa office ko.
"Argh! Ngayon pa nawala!!" Bulong ko sa sarili ko.
Naka lock kasi yung office at ngayon pa napag desisyonnan nung susi ko na mawala. Kung kailang kailangan na kailangan.
Narinig ko naman na parang binubuksan ni Bea yung pinto nya kaya no choice na ko na humarap. Nakakahiya man.
"B-bea!!" Sabi ko nung paglabas nya ng room.
"Josh! Ikaw lang pala!" Sabi nya at nag smile sakin. Yung lalaki naman kanina umalis na.
"Uhn sorry ah.. Kasi yung training.. Kala ko may ano.. Ano.." Sabi ko na nauutal. Ewan
Bigla naman nya akong kinurot sa pisngi kaya mas lalo pa akong nahiya.
"Secret lang yun ah." Sabi nya at pumasok na ulit sa office nya.
Pumasok na din ako sa office ko. Ewan ko ba. Naramdaman ko nanaman yun.
Yung sakit.
Haaay.

BINABASA MO ANG
When a Playboy Fall Inlove
Ficțiune adolescențiIsang Joshua Andrei De Guzman. Isang playboy. Ano kaya ang mang yayari pag na in love sya sa isang Beatrice Rodrigez na isang kilalang napaka taray at president nga lang naman ng students council. Anong mangyayari pag na inlove ang isang PLAYBOY? (C...