Chapter 1.4: BestFriends

7 0 0
                                    



Hay nako... muntik na naman kaming mahuli ni madam kanina, buti nalang at hindi ako pinahamak ni Cinang! Kundi nako lagot na!!

Pasing!!

Eto na naman tinatawag ako ni madam! Ano na naman kayang gagawin ko!!

Ppppo? Bakit ho? May kailangan ho kayo sa akin?

Aba ay malamang! Tatawagin ba kita kung wala akong kailangan sayo!? Ikuha mo ako ng maiinom, nakakapagod mag emote dito!

Isang baso ho ba?

Hinde!! Isang pitsel!

isang pitsel ng tubig para kay madam, ay teka...

ahhhh malamig po ba o mainet?

Yung mainet! Yung kumukulo pa ha! Nang may maibuhos ako sayo kapag nagtanong ka pa!

Ahhh yung mainet, sabi ko na nga ba eh mainet ang gusto ni madam mainet kasi ulo eh

Ay teka! Baka naman....

Ahhhhh Mam!

Ano na naman?!!

nnnnnag bibiro po ba kayo?

Ahhhhhhhhhh

Galit kaya si Ma'am?

Hay nako! Ewan! Alam mo minsan di ko talaga maintindihan yung si madam eh minsan mainit ang ulo minsan naman napaka bait!

Lakas din ng topak nun eh!!

Ay teka makamusta nga si Cinang!!

Cinang!?

Oh Pasing?, wala bang inuutos ang mama sayo? Bakit ka naandirine?


Ahhh meron, pero gusto muna kitang damayan, kasi alam kong nagmumokmok ka na naman dito sa kwarto mo

Paano lagi naman kasi siyang pinagagalitan ni madam! At sa tuwing nangyayari yon, lagi akong napunta sa kwarto nya upang damayan sya! 

Mahal na mahal ko tong bestfriend kong to, kahit na katulong ako at amo ko sya


Maraming salamat Pasing ha! Alam mo kung wala ka? Paano na kaya ako dito? Wala.. mag-isa, nalulumbay, nagbibilang na naman ng mga tala.


  Ano ka ba, Cinangwala yon! Eh halos sabay na tayong lumaki eh,ngayon pa ba tayo mag-iiwanan? 

Pero minsan talaga, nagmumukmok to sa kwarto niya ng walang dahilan! Siguro nalulungkot kasi lagi lang naman sya nasa kwarto eh, hay ewan!

Teka nga, napapansin ko, bakit lagi ka nalang malungkot kahit na di ka naman pinagagalitan ni madam! wala bang nagpapasayasayo?!    



   Ano?    


   Ang sabi ko wala kabang nagugustuhan? Na ... magpapasaya sayo?


Eh paanong magkakaroon ako ng magugustuhan eh palagi lang naman akong naandirine sa kwarto, sige nga! 


    Kung sa bagay, iyangina mo kasi! Hay...

 

kasi naman si donya! lagi nalang kulong.. kulong.. ayaw bigyan man lang ng kaunting gala tong si Cinang, ayan tuloy, lagi nalang malungkot!

Hay nako.......


*katahimikan*


Cinang, nga pala ipangako mo sakin na aalagaan mo itong anak ko ha, ituring mo syang isang tunay na anak.


Oh ano namamaalam na? Matagal pa yan! Ilang buwan na ba?


Palagay ko mga tatlong buwan na ito. 



*katahimikan 


Cinang, pangako yan ha?


Oo Pasing.


hay salamat, ngayon kampante na akong pagkatapos kong ianak to, alam kong may mag-aaruga sa kanya! Ipapatay man ako ni donya o ng taong bayan, kampante na akong hindi maghihirap ang anak ko, nasa mabuti na syang kamay, 


wala naman kasing mapapala sa asawa ko! habambuhay na ya iyong tigatabas ng damo ni madam! maghihirap lang ang anak ko!


  Hay naku! Ikukuha kopa nga pala ang ina mo ng tubig! O paano sana ay kahit papaano ay nadamayankita diyan sa lungkot na nadarama mo! Hayaan mo bukas baka ako ay maglaba samay sapa malapit dyan sa atin, itatakas kita!    

   


 Maraming salamatPasing!     


ayan kahit papaano ay napasaya ko itong si Cinang, kahit mahirap itatakas ko yan! para naman makawala na rin yan sa selda nya! palagi nalang nasa kwarto eh,


sana lang talaga umayon ang tadhana sa amin!



wag sana kaming mahuhuli!!



Pasing!!



Nako ayan na ang leon, yung tubig nga pala neto! hay nako! 


Naku Cinang mauna na ako ha at baka mangagat na naman ang ina mo!


Hahaha sige ingat ka Pasing, bukas ha!


oo pangako yan!

MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon