Chapter 4.2: Pangaral ng isang ama

12 0 0
                                    


Cinang!!!!!!!!!!!!!!!!


Panaginip lang pala...ang akala ko'y nagkita na kaming muli! Hindi parin pala, at mukang malabo na iyon,, natatakot akong bumalik sa aming tagpuan, mukang nagbabantay sila.

Labing siyam na taon na ang nakalipas subalit malinaw parin sa akin ang mga ala-ala ng aming pagmamahalan..

Ramdam ko pa rin ang mahigpit kong yakap sa kanya!

Naririnig ko parin ang mga halakhal at iyak niya!

Malinaw parin ang kanyang mukha sa aking ala-ala.

Hanggang dito nalang ba kaya? Pilit kong balikan ang kahapon subalit hindi na maaari!

Naganap na!!

Umaga na naman!, ilang taong umaga na ang aking napagdaanan.


Oh anak, maaga pa ah! Mukang ligayang-ligaya ka sa pagpasok mo ah


eh kasi naman po tay! Katabi ko po yung.... crush ko!


 Hahahha sadyang nakakatuwa kayong pagmasdan ngayon!


Bakit naman po?


Wala lang, may naalala lang ako!, isang babae sya na noon ay matagal ko na ring sinisilayan ngunit di ko magawang malapitan, sapagkat ako ay natatakot na baka hindi nya ako pansinin!


Ang torpe nyo naman po tay!


Torpe?


Torpe po, yun po yung taong walang lakas ng loob na iexpress yung feelings nila sa babae.


Ahh ganun ba, hindi naman sa ganung torpe, noong panahon kasi namin, eh mahawakan mo lang sa kamay ang babae ay ikakasal na kayo! Kaya ganoon nalamang ang takot naming mga lalaki na mahawakan ang babae, mataas ang respeto namin noon sa mga babae, kapag alam naming wala pa kami sa panahon eh hanggang silay na lang muna,kaya ikaw ha, kilalanin mo muna bago ka pumasok sa mga ganaang bagay, hindi masamang maging torpe kung sa tingin mo ay hindi pa tama.


Ay naku! Mga ilang ulit nyo na po sakin nasabi yan! Pero po ay naintindihan ko naman po.


Ahhh tay ...pwede pong mag tanong?


Ano yon anak?


Paano ko po malalaman na mahal ko na ang isang tao?


Anak, hindi iyan nalalaman, nararamdaman iyon, hindi iyon iniisip, pinakikiramdaman iyon, kapag sa araw at gabi ay wala kang ibang iniisip kung hindi siya, ay siya inlababo ka na nan,

pero! Hindi basta-basta ang pagsunggab ha, ang pagmamahal ay paghihintay, para yang isang bulaklak sa hardin, kung gusto mong makakuha ng magandang bulaklak, ay hahayaan mo muna itong lumago hangga't marating ng bulaklak ang pinal nitong kagandahan.

Sa pag-ibig, kung tunay ang pagmamahal, wala itong pinipiling panahon, lugar, edad, at kung ano pa, basta hinayaan mong ang iyong puso ay nagpalago ng nararamdaman, magugulat ka na lang isang araw, ang babaeng sinisinta mo ay ang siya palang kabiyak mo sa puso.



Ahhh ganun po ba? Nako kailangan ko na po palang pumasok!



Ay siya sige magiingat ka ha! Basta matutong maghintay ha! Huwag magmamadali! Bata ka pa!



OPO!


Hay sadyang nakatutuwang pagmasdang ang kabataan ngayon, masyadong mapusok!

MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon