Chapter 2.1: Unang Pagtatagpo

6 0 0
                                    



Cinang bilisan mo diyan! Mamaya mahuli pa tayo ni madam, hala lagot na! Ikaw din!


Ano ba naman itong si Pasing palagi nalang akong pinagmamadali, para namang maabutan kami ni Ina eh halos humihikab pa ata yun eh!


Cinang ano ba?! Iiwan na kita diyan!


OO, eto na! Di makapaghinatay eh


Aba eh baka mahuli pa tayo ng ina mo! Bahala ka!


Kaya nga eto na nagmamadali na nga eh!!


Eto na! Makakalabas na naman ako! Labis labis ang aking galak at sa wakas makakalabas na naman ako, tila baga'y isang buwan na ang nakalilipas mula ng masilayan ko ang ganda ng sapang aming pupuntahan!


*lakad*


*lakad*


Medyo may kalayuan nga ang sapang aming patutunguhan!

Sana nama'y hindi pa nahahalata ni mamang na wala na ako sa kwarto


Cinang pagod ka na ba?


Ahhh ehhh hindi naman


Ako kasi pagod na eh gusto mo tulungan mo kong magbitbet ng dala ko nakakahiya naman sayo eh no wala kang dala


Ayy haha pasensya sige akin na yung isang timba


Haha nakalimutan kong tulungan si Pasing sa mga bitbit nya, aba marami-rami din yon at kung makikita nyo ang kanyang mukha! Hahaah pawis na pawis at hindi magkandaugaga sa dala nya, kaya heto kukuhanin ko na yung isang timba


Ayan salamat Cinang ha at nahiya ka din naman sakin!

Haha wala yun Pasing, matagal pa ba tayong makakarating sa sapa?

Matagal pa gusto mo matulog ka muna habang naglalakad!?

Hahahaha loko talaga tong si Pasing, napakasarap kasama eh, hay nako kaya hindi ko ramdam ang pagod ko tuwing kasama ko siya, paano'y napakasiyahing tao! Halos parang lagi siyang nasa talipapa at nagbebenta ng kung ano-ano sa sobrang ingay!


*lakad*


*lakad*


Aray! >_<


Nako donya napaano ka?

Nako pasensya ka na bini...

Ano itong aking nadarama!? Nasa langit na ba ako? Sino itong matipunong lalaking nakabunggo ko? Tumigil ang mundo ko, wala akong ibang nakikitang iba kung hindi siya!?

Teka, teka!

Ayyyy ano ba yan di ko man lang siya nakamayan at nakapagpakilala!

Sayang!

Aray! >_<


Ano ba yan umulit ba?


HOY!!


Nako si Pasing lang pala, binatukan pa ko!


Aray ko naman, bakit mo naman ako binatukan!?

Eh paano! Tulala ka dyan! Wala na umalis na yung lalake! Si Kamin yun! Naging kaibigan ko! Kalilipat lang niya dito sa bario!


Ano?! Kaibigan ni Pasing yung matipunong lalaki na yun?! Aba! Bakit hindi ito nag kwekwento saking may kaibigan pala siyang matipunong lalaki!


Kaibigan mo?!

OO K-a-i-b-i-g-a-n


At talagang binaybay pa ha!


Bakit di mo sakin pinakikilala yun ha!

Aba'y mukang may gusto si Cinang kay Kamin! Hahahah


Hay nako naasar pa tuloy, kasalanan ko bang tumibok ang puso ko sa kanya?!


Uyyyy namumula si Cinang!!!!


0_0 namumula daw ako!? Hala! Halata baga? Paano ko ba mapipigilan to!? Nako nakakahiya!!


Haaa di ah, naiinis lang ako kasi hindi tinignan nung KAMIN na yon ang dinadaan nya!


Ay ano ba tong sinasabi ko! Mas gusto ko ngang paulit-ulit nalang nya akong banggain eh!!!

Kahawig nya yung lalaking nangangahoy sa may malapit sa parke, naaninag ko siya noon subalit hindi ko makita yung mukha!


Hay nako Cinang kahit balibaliktarin mo ang mundo, hindi ka papayagan ng mama mo na magmahal sa isang lalaki, lalo na kay KAMIN!

Haa bakit lalo na kay KAMIN?


Anong gustong sabihin neto ni Pasing na lalo na kay Kamin? Bakit may kasalanan ba si Kamin kay mama?


Ahhh hinde wala,, basta tara na malapit na tayo sa sapa, bilisan mo diyan!


Hay nako talaga itong si Pasing, masikreto din minsan! Tsk!


MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon