Chapter 1.1: Ang unang henerasyon

30 1 0
                                    

Kanina pa ako dito sa parke kung saan lagi akong pumupunta tuwing nakatatakas ako sa aking ina.

Napakaganda ng tanawin dito, ang posteng paandap-andap sa bandang kanan ko, ang mga huni ng

ibon, ang mga puno at ang nag-iisang upuan dito, malimit ko din dito makita yung lalaking napaka-

kisig at napakaganda, sana makilala ko na nga sya eh. Hapon na, panigurado kakaunin na naman ako

 ni Pasing dito, sya lang naman lagi ang napagbubuntunan ng galit ng aking ina, palibhasa'y sa kanya 

na ito lumaki!

Donya!!!

Ayan na sya!

Ay nako donya! ay naandirene ka na naman, kanina ka pa hinahanap ng ina mo! Ay bakit ho baga nandirine kayo!?


Ayan siya si Pasing, ang aking kababata, siya yung pinakaulo ng mga katulong ni Ina kaya lagi din

syang napagagalitan pag nawawala ako, hay...


Wala Pasing, nais ko lamang mapagisa, halos isang linggo na rin ang nakalilipas simula ng aking

 masilayan ang ganda ng tanawing ito.


Dito na lamang ako nakapaglalabas ng sama ng loob. Kung maaari ng lamang na dito na ko habang

buhay ay ginawa ko na, subalit ang ina kasi eh!


Ay kahit ba isang taon nyo ho itong hindi masilayan ay ayos lang naman sa iyong Ina, alam mo naman si Donya Devila eh halos ayaw na ho kayong patuntungin sa lupa eh.


Tama nga naman si Pasing, etong si Pasing pag nasa bahay, napakabait!, takot na takot kay mama

pero naku! pag nakalabas na yan, hay nako halos parang baril ang bunganga, putok ng putok!

Teka nga, matakot nga ito, haha


Magandang gabi ina!


*nanigas si Pasing

Hahaha kung makikita nyo lamang ang kanyang mukha! hahaha halos di sya gumagalaw! haha

naninigas sa sobrang takot!


Psst! sa tingin mo, narinig kaya ako ni madam?! 


hahahahahaaha, sumabog tuloy ang akong halakhak! paano'y nakatutuwang makita ang kanyang

mukha! haha animo'y nakita ng multo, hahaaha 



ayan lumingon na sya, ansama tuloy ng tingin sakin haha


oh bakit ang sama ng tingin mo?!



Eh paano ginulat mo na naman ako, palibhasay alam mong takot na takot ako sa ina mo! Hay 

nakong Cinang, wag na wag mo ngang maulit yung ginawa mo! Eh halos mapaihi at mamatay na

 ako sa takot ay! Hala sige pag ako namatay ikaw ang bahala sa dinadala ko!

MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon