Day3: "Love Rain"

1.7K 71 30
                                    

Day3: “Love Rain”

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!

Just an ordinary day for me. Pumasok ako sa dalawang subjects ko, ang bilis lang talaga ng oras dahil pauwi na ko ngayon. Palabas na ko ng school ng may marinig na naman ako. Hay.

“Lelou, Lelou!” it’s her again. Sino pa nga bang inaasahan kong iba?

She waved at me. Kahit naman hindi siya kumaway sa ingay niya ay kitang kita ko na siya.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nasa paligid namin pero wala siyang pakialam. Luka-luka talaga.

“Will you keep your mouth shut even a second? Nakakarindi kaya.” sabi ko naman ng makalapit na ko sa kanya.

“Okay. Sorry!” she said and smiled then she zipped her mouth using her hands. Mabuti naman at tumahimik na din ang luka. Naglakad na ko at sumunod lang siya sa akin. Buntot ko as usual.

“So… Saan tayo ngayon?” siya ulit. Tumaas ang kilay ko. Akala ko tatahimik na talaga siya, para namang nabasa niya ang utak ko, dahil nagpaliwanag siya agad. “Sabi mo po, kung pwede ako tumahimik for a second right. More than a second na kong hindi nagsalita noh. Hmm, angal pa?” napabuntong hininga na lang ako at napailing.

“Anywhere you want, matapos lang ang usapang ito.”

“Sana nga may lugar na anywhere.” pilosopong sagot niya. Sasagot pa sana ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Shit lang! I hate rain.

“Wah. Ulan! Ang lakas ng ulan!” nagtititili siya.

“Oo, alam kong ulan iyan. Tumahimik ka na nga.” hinaltak ko naman siya para pumunta sa waiting shed sa labas ng school para sumukob doon. Sa lakas ng ulan ay nabasa agad kami.

“Wuh. Basa na tayo.” sabi niya lang.

“Wala ka bang dalang payong d’yan?” tanong ko sa kanya, kung ako lang kasi hindi naman uso sa akin ang payong at hindi naman ako sakitin kahit mabasa ng ulan. Eh ang kaso, may kasama akong babaeng uhugin dito eh. Tsk. At tsaka balak kong antayin na lang na tumila ang ulan tsaka ako uuwi.

“Meron…” sagot niya, aba’t talagang loko pala ang isang ito eh. Nagpabasa kami may payong naman pala siya. Nakakabanas talaga ang mga babae!

“May payong ka naman pala, bakit hindi mo nilabas agad?” inis kong tanong.

“Kasi… kasi ang sarap magbasa sa ulan.” sagot niya sabay ngiti sa akin.

Nakatingin siya sa akin ng diretso at nagniningning na naman ang mga mata niya.

Hay. Alam ko na kung saan mapupunta ang usapan na ito eh, kaya para hindi na humaba pa ang usapan namin. Hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo kami sa ulan, kahit na ayoko.

“Woah! Yehey!” sigaw niya na parang bata habang tumatakbo kami. Malayo na kami sa school ng huminto siya.

“Bakit ka huminto?” tanong ko. Lalo lang kaming mababasa.

“Ligo tayo sa ulan.” sabi niya na humihingal agad agad.

“Huh?” gulat kong tanong. “Hindi pa ba ligo ang tawag mo dito? Basta ako uuwi na sko, kung ayaw mo bahala ka.” sabi ko naman.

“Sungit talaga nito. Saglit lang naman eh. Sige na, tara!” sabay takbo niya tapos nag paikot ikot habang nakatingala sa langit ng nakapikit. Ninanamnam ang pagbuhos ng ulan sa kanyang mukha. “Ang saya. Yehey!”

“Hay, baliw talaga ang isang 'to. Saan kayang planeta ito galing, sigurado kasi akong hindi siya tao.” sabi ko sa sarili ko, napailing na lang akong pinanuod siyang nagtatampisaw sa ulan kala mo nakikipagpatintero sa mga patak ng ulan.

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon