Day2: (part2) "Her Date"

1.9K 70 30
                                    

Day2(part2): "Her Date"

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!


Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa park na medyo malapit sa school. Nakita kong nagniningning ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang buong park. Mukha siyang ewan, mukhang tanga lang.

“Wow! Ang ganda ganda dito. Grabe!” excited na sabi niya. Parang timang talaga!

“Ngayon ka lang ba nakapunta ng park at ganyan ka kung makareak? Para kang bata.” tanong ko.

“Sa kasamaang palad ay oo. Dinadaanan lang kasi naman dati ang mga park na nakikita ko. Masyado kasing strict ang parents ko kaya hindi nila ko pinalalabas ng bahay at pinaglalaro.” naging malungkot ang kaninang masigla niyang boses. “Kaya naman excited ako ngayon.
Siguradong mag eenjoy ako dito at kailangan mag enjoy ka din. Tara na!” aya niya sabay hila sa akin.

Ako naman nagpahila na lang, wala din naman akong magagawa kung aayaw ako dahil for sure kukulitin lang niya ko. Hay, baket ba kasi pumayag pa ko sa sinabi niya? Nakakapangsisi tuloy, parang may kasama akong bata na ewan.

Pagkakita niya sa slide ay agad siyang tumakbo papunta doon at nagpapadausdos. Para talaga siyang bata sa ikinikilos niya. Sumisigaw pa siya sa sobrang saya niya, taas pa ang dalawang kamay. Akala mo naman mataas ‘yung slide eh pang bata lang naman iyon. Mataas pa ata ako sa slide na yon.

“Lelou, tara dito. Ang sarap magslide oh. Dali, subukan mo din!” sigaw niya sa akin.

“Tsk, matagal ko ng nasubukan iyan kaya pwede ba magslide ka na lang diyan. Ang dami mo pang satsat eh.” sumandal lang ako sa may puno doon. Dapat ay maboring siya na kasama ako hanggang sa mapagod na siya at mag aya ng umuwi.

Sinunod naman niyang sinubukan ay ‘yung seesaw pero dahil sa mag isa lang siyang umupo doon malamang ay hindi naman siya tataas o bababa. Sinubukan niyang paangatin ang sarili niya, binubwelo pa niya ang paa niya para makatalon ng mataas habang nakaupo sa isang seesaw. Baliw talaga, walang duda!

Napapailing akong lumapit sa kanya at umupo sa kabilang side. Nakakaawa eh, baka kapag may napadaang tao dito ay pagkamalang maluwag na ang turnilyo niya sa utak sa ginagawa niya. Wala pa kasing tao dahil tanghali palang. Napasinghap naman siya ng umangat siyang bigla nang umupo ako. Nakita ko ang pagkatense niya. Nalula ba siya?

“Ngayon ka lang ba nakapagseesaw?” tanong ko, tango lang ang isinagot niya sa akin sabay yuko niya. Nahiya siguro. “Tsk, get ready ako naman ang tataas kaya malamang sa malamang ay bababa ka naman.” pinagaan ko ang sarili ko at ayun na nga dahan dahan lang pagtaas ng kinauupuan ko.

“Wah! Ang bigat mo ang hirap mong itaas!" sabi niya ng nakangiti. "Ako naman ulit sa taas. Nakakatuwa eh.” sabi niya, naramdaman kong nawala na ang kaba niya kaya sinunod ko lang ang sinabi niya. Nagseesaw kami na parang mga bata hanggang sa umayaw na siya.

Nakaupo lang kami sa damuhan habang nagpapahinga.

“Nakakapagod pala ‘yun pero ang saya, sobra. Salamat ah, dahil umupo ka sa kabila kundi hindi ako makakapag seesaw.” sabi niya habang humihingal. Pansin ko lang ang bilis niyang hingalin.

Tiningnan ko lang siya, hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Nag enjoy din naman ako kaya hindi na niya kailangang magpasalamat pa sa akin.

Bigla siyang tumayo at hinatak ako.

“Kain tayo. Hindi ka ba nagugutom?” sabi niya. Napatingin naman ako sa relo ko, ala-una na pala pero hindi ko man lang napansin ni hindi ko man lang naramdaman ang gutom. “Tara doon.” sabay turo niya sa isang Food stand.

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon