Day6: "Wish Upon A Star"

1.4K 64 24
                                    

Day6: “Wish Upon A Star”

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!


It’s a good day actually. Parang sa 10 years na kalungkutan ng buhay ko ngayon ko na lang ulit naramdaman ‘yung ganito kasaya dahil nasa tabi ko ulit ‘yung taong mahal na mahal ko.

Dito ako natulog sa hospital dahil sinamahan ko si Yassie magdamag, ayoko rin naman siyang iwanan lalo na sa kalagayan niya.

Ang sarap niyang pagmasdan habang natutulog, mapayapa, tahimik, at parang walang problema. She’s the strongest girl I’ve ever known kaya naman naniniwala akong makakaya niya.

“Good Morning, beautiful.” bungad ko sa kanya sabay ngiti. Kakamulat lang ng mga mata niya, halatang nagulat pa siya nang makita ako.

“Good Morning, handsome!” masayang bati niya. “Ang aga mo naman atang nagising, hindi ka na ata natulog eh. Tinitigan mo lang ata ako habang natutulog,” pang-aasar niya sa akin.

“Natulog ako no. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi ka tingnan,” sabi ko sabay ngiti. Actually, almost 2 hours lang ang tulog ko.
Iba kasi talaga 'pag may iniisip ka, kahit anong gawin mong pagpikit sa mga mata mo nagigising ka pa rin. Iba talaga 'pag may takot kang nararamdaman.

“Ikaw talaga, huwag mo kasi ako masyadong iniisip ayan tuloy hindi ka nakakatulog,” pang-aasar pa niya.

“Eh hindi ko naman kayang hindi ka isipin,” sabi ko tapos bigla siyang tumawa ng malakas.

“Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ko.

“Lahat!" sabay tawa niya ng malakas. Ako ba'y niloloko ng babaeng ito? "Ikaw ba talaga ‘yan? Si Lelouch? Hindi ka naman ganyan dati ah!” tawa pa rin siya ng tawa para tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko sa sobrang hiya. “Pulang pula ka na,” asar pa niya na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

“Haist! Totoo naman ‘yung sinabi ko! Hindi ako natatawa ah,” pagalit kong sabi pero tawa pa rin nang tawa ang baliw na ito. “Tumigil ka na nga, para kang luka-luka d’yan.”

“Uy, naiinis na siya. Binibiro lang naman po kita. Tara! Sabay na tayo mag-breakfast,” aya niya pero hindi ako gumalaw man lang. “Uy, tara na.” hinila niya ako pero hindi pa rin ako nagpahila. “Ayaw mo huh?” sabay kiliti sa akin.

‘Oy, ano ba? Sisi!” kiniliti pa rin niya ako, makulit talaga. “Tumigil ka na nga, oo na. Uy sasama na nga ako!” saka lang siya tumigil sa pagkiliti sa akin. Now, it’s my turn. Kiniliti ko naman siya. Nagkilitian lang kaming dalawa hanggang sa mapagod kami kakatawa. “Tara na!” tumango lang siya.

Ngumiti ako sa kanya, at ngumiti rin siya sa akin. Sana, ganito na lang kami kasaya…Sana, wala nalang katapusan ang lahat. Sana…ang sana ay may kasiguraduhan.

Napagpasiyahan namin na manuod ng sine, ‘yun kasi ang hiling sa akin ni Yassie. Gusto raw niya akong makasama buong araw, ‘yun din naman ang gusto ko.

Nagpaalam kami sa magulang ni Yassie, pumayag sila kaya naman ang doctor naman ang kinunsulta namin. Pumayag din ito basta hindi mapapagod si Yassie para sa operasyon nito bukas. Bago kami pumuntang sinehan ay dumaan muna kami sa park.

“Ang cute nilang panuorin no?” sabi niya na nakangiti habang pinapanuod ang mga batang naglalaro sa park.

“Oo, pero mas cute 'yung pinanapanuod ko…” hinampas niya ako sa balikat ko ng ma-realize niyang siya ang tinutukoy ko.

“Tsk! Bolero ka na ngayon ah! Nakaka-miss tuloy si Mr. Sungit.”

‘Bakit? Ayaw mo ba kapag ganito ako?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya ng mahigpit.

“Hindi naman, nakakapanibago lang,” sagot niya sabay ngiti.

“Masanay ka na. I want you to feel how much you mean to me, every moment.” Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “You’re so beautiful, alam mo ba ‘yun?”

“Well… Yes?” sagot niya, sabay kaming napatawa.

“Ate ice cream!” sigaw ng mga bata.

“Hello, kids! Naaalala niyo pa ba si ate?” bati naman ni Yassie.

“Opo, kasi nilibre niyo po kami ng ice cream eh.” sagot nung isa, saka nagsitanguan ‘yung iba.

“Dahil d’yan, ililibre ko kayo ulit ng ice cream!” sabi niya sa mga ito.

“Yehey!” sigawan ng mga bata na tuwang-tuwa.
Binili niya ang mga ito ng tig-iisang ice cream at sabay-sabay kaming kumain sa ilalim ng puno.

“Ate, thank you po sa ice cream…” sabi nung isa.

“You’re welcome, basta ba magpapaka-good kids kayo eh,” payo niya dito.

“Opo, ate!” sabay-sabay nilang sagot.

“Tara na, Yassie,” aya ko sa kanya kaya naman nagpaalam na siya sa mga bata.

“Mag-iingat kayo huh? ‘Wag masyado makulit!” paalam nito.

“Opo, kayo rin po ate, kuya! Mag iingat po kayo!” bata 1

“Ate, ipagpe-pray ka po namin kay Papa Jesus para lagi kang okay, para malibre mo po kami ulit ng ice cream.” bata 2

“Tapos laro tayo ng tagu-taguan pagbalik mo dito, ate. Hihintayin ka po namin!” bata 3

“Oo naman, basta pag-pray niyo si Ate na maging okay huh?” sabay-sabay silang tumango.

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon