Day5: "It's Killing Me"

1.4K 62 25
                                    

Day5: "It's Killing Me"

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!

Magdamag  akong hindi nakatulog ng maayos, parang lutang lang ang isip ko. Pinipilit kong alisin siya sa isipan ko pero naririnig ko pa rin ang boses niya, pinipilit kong kalimutan siya pero nakikita ko pa rin ang mukha niya. At naiinis na ako sa sarili ko.

Why are you hurting me this way, Sisi? Why is it hurting me so much? Napapikit ako ng mariin.  Tumayo na ko sa higaan ko at pinili ko na lang na pumasok para mawala siya sa isip ko.

Nakakapanibago dahil wala nang nanggugulo, wala nang maingay, wala nang tumatawag sa akin sabay kakaway ng parang bata at ngingiti ng pagkatamis tamis. Wala ng luka-lukang babaeng buntot nang buntot sa akin. Nakakamiss din pala. Nakaka-miss siya.

Bakit ko ba siya iniisip pa? Bakit ba hindi ko siya maalis sa isipan ko? Dapat nagagalit ako ngayon sa kanya dahil nagsinungaling siya sa akin, dahil niloko niya ako at dahil pinaasa niya ako sa isang bagay na hindi naman pala niya tutuparin.

Pero...kahit ano pa man ang nangyari, kahit ano pa man ang ginawa niya hindi pa rin nagbabago ang totoo na...mahal na mahal ko pa rin siya.

Mahal ko siya, mahal na mahal. Siya lang ang babaeng baliw na minahal ko ng ganito. Since then, she's the only girl that I truly love.

Agad akong umalis ng klase at tumakbo palabas ng school. Ano pa nga ba ang ginagawa ko rito? Kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang makausap. I need to tell her everything I wanted to say. Ayokong mawala siya ulit. Hindi ko na makakaya...

Sakto namang tumawag sa akin ang mommy ni Sisi.

"Lelouch, come here. Si Sisi..." ‘yun lang ang kailangan kong marinig at pumara na ako ng taxi para puntahan siya sa ospital.

Hindi ako mapakali sa loob ng taxi, nag-aalala ako sa kalagayan ni Sisi. 30 minutes pa kasi ang biyahe papunta roon tapos na-traffic pa kami. Gusto ko nang makita siya agad. Gusto ko na siyang mayakap at masabing mahal na mahal ko siya.

"Manong, baba na po ako dito. Ito ho ang bayad ko," sabi ko kay Manong driver sabay bukas ng pintuan at bumaba.

"Ihjo malayo pa ang ospital..." narinig ko lang na sigaw nito sa akin.

Pero wala na akong pakialam pa, I don't care how long I have to run. I just wanted to see her now. Nagmadali akong tumakbo.

"Sisi!" sigaw ko pagkabukas ng pinto ng kwarto niya, hingal na hingal akong lumapit sa kanya.
Nakahiga siya roon, nasa tabi naman niya ang kanyang ina.

"What happened? Is she okay?" nag-aalala kong tanong.

"Nagpapahinga na siya ngayon. Inatake siya kahapon kaya dinala namin siya rito," sagot ni Mrs. Sam. "Kaya kita pinapunta rito dahil she wanted to say sorry to you. She kept on saying your name again and again," nangingilid ang luha sa mga nito.

"Kasalan ko po ito, kung hindi ko siguro siya pinagsalitaan ng kung anu-ano kahapon hindi po ito mangyayari sa kanya. I know, I hurt her. At kung hindi dahil sa akin wala po siya dapat sa ganitong kalagayan," napasuntok ako sa pader. Hindi pa pala siya gumagaling sa sakit niya.

Nilapitan ako ni Mrs. Sam, "No, don't blame yourself, ihjo. Naiintindihan kita, naiitindihan ko lahat."

"Patawarin niyo po ako. This is all my fault. Kasalanan ko, kasalanan ko!" pero niyakap niya lang ako.

"Hindi mo kailangan isisi ito sa iyo, we expect this. Alam namin na mangyayari ito one of these days...kaya hindi mo kailangan humingi ng tawad," napatingin lang ako dito.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" taka kong tanong.

"Siguro nga, this is the time for you to know everything. Kaya kami umalis noon ay dahil sa kailangan niyang magpa-heart transplant. Mas makakabuti raw kasi sa kanya kung sa America namin siya ipapagamot sabi ng doctor kaya doon kami pumunta. Matagal na namin siyang pinipilit magpa-heart transplant pero ayaw niya dahil natatakot daw siya, pero no'ng nakilala ka niya...siya pa ang nagsabi sa amin na gusto na raw niyang magpa-opera, it's because of you, Lelouch. You gave her strength. She wanted to see you again, she wanted to play with you again. She wanted to live..." sabi nito na naiiyak na.

Ang akala ko noon, ako lang ang pinapapalakas niya. Akala ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganoon pero siya rin pala. Napangiti ako ng bahagya. Luka-luka talaga. She never showed me that she's afraid too.

"Ihjo, thank you for being such a good friend to Sisi. You're a good inspiration to her. See, until now we have her."

"Hindi po, nagkakamali po kayo. Ako po ang dapat na magsalamat sa kanya dahil siya rin po ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para gumaling. She never showed me her weakness. Ayaw niyang matakot ako. Gumaling po ako ng dahil sa kanya," sabi ko, pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko.

"You both inspired each other 'cause you both wanted to live. Alam mo bang after the operation, she recovered fast because she wanted to come back here for you. Gustong-gusto ka na niyang balikan pero sabi ng doctor na kailangan doon namin ipagpatuloy ang medications niya kaya hindi kami nakauwi dito agad," paliwanag nito. "But after 2 years, she got weak again. We don't know what happened and the doctors can't explain but they assumed that her body was rejecting the heart. Ayaw na niya daw doon magpagamot dahil wala naman daw nangyari kaya bumalik kami dito one year ago. And the doctor said Sisi had just one year to live. And the first thing she did when we come back here, s-she looked for you," tuluyan nang napahagulgol sa akin si Mrs. Sam, hindi ko na rin napigilan pa ang pagpatak ng luha ko. Nanginig ako sa narinig ko.

She had only one year to live? That's crazy, how can it be? Paano nasabi ng doctor na mamamatay si Sisi, Diyos ba siya? Hindi pwede.

"B-bakit po hindi niya sinabi sa akin ang lahat? Bakit hindi niya ipinaliwanag sa akin ang kalagayan niya?" tanong ko.

"G-gusto ka niyang makasama sa last year of her life p-pero ayaw ka niyang saktan, ayaw ka niyang makitang malungkot ng dahil sa kanya, a-ayaw niyang makitang nasasaktan ka dahil hindi niya matutupad ang pangako niya sa iyo na hindi ka niya iiwan. A-ayaw niyang makita kang umiyak," ramdam na ramdam ko ngayon ang sakit na nararamdaman ni Mrs. Sam. Hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

Luka luka ba siya talaga? Bakit niya inilihim ‘yon sa akin? She had one year left and that one year she had, inilaan niya ‘yon para makasama ako ng hindi ko man lang alam. Geez! Ang daya! Ang daya-daya mo, Sisi.

"M-mom..." napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Yassie. She's awake. Lumapit kami agad sa kanya.

"Baby, I'm here. Do you want anything?" tanong agad ni Mrs. Sam dito habang inaayos ang sarili mula sa pagkakaiyak nito.

"O-okay lang po ako, M-Ma. ‘W-wag ka na po m-mag-aalala," sabi nito sabay ngumiti.

Baliw talaga siya kahit kailan. Sino bang maniniwala sa sinasabi niya? Eh halatang-halata naman na pinipilit niya lang maging okay.

"Ikukuha lang kita ng tubig, huh? And I'll call the doctor too," sabi nito sabay baling sa akin. "Ikaw na muna bahala sa kanya, ihjo," tumango lang ako at saka ito umalis.

"L-lulu. I'm...I'm sorry!" pagbasag niya ng katahimikan. "N-nasabi na siguro sa iyo ni Mama ang lahat. S-sorry dahil nagsinungaling ako, s-sorry dahil...dahil hindi agad ako nagpakilala, s-sorry---”

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya, niyakap ko siya agad. God knows how long I've waited para mayakap siya ulit ng ganito. Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin. Naramdaman ko na lang na pumatak muli ang mga luha ko.

Hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon kami ulit magkikita, sa ganitong paraan ulit kami magkakasama.

"L-lulu...p-patawarin mo ako. I'm s-sorry!" umiyak na din siya. "Sorry na."

"You don't have to explain or to say anything. Just...just hug me now," naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit. Kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit, pero sapat naman para hindi ko siya masaktan.

Sometimes words can't explain everything. Sometimes actions are enough to tell everything you wanted to say. Sometimes silence can speak right through your heart.

Matagal kami sa ganoong posisyon, ayoko na siyang pakawalan parang gusto ko na lang siyang yakapin habang buhay. Natatakot akong iwananan niya ko ulit. Natatakot akong hindi ko na siya makita pa ulit. And it's killing me...
Siya na mismo ang kumalas sa aming pagkakayakap. Tumingin siya sa aking mga mata, nakita ko ang bakas ng luha sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang luha ko.

"P-pinapatawad mo na ba ako?" tanong niya. Baliw talaga ang isang ito, yayakapin ko ba siya kung hindi?

"Hindi pa." sagot ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"B-bakit naman? A-akala ko---“

"Mapapatawad lang kita, sa isang kondisyon..." sabi ko pa.

"A-ano naman ‘yun? Kahit ano pa man ‘yun, gagawin ko..." sabay ngiti niya. Masigla siyang naghintay ng sagot ko.

‘Yun ang gusto ko sa kanya, she never give up. She always have that fighting spirit to go on. She always have that smile. The smile that I couldn't forget. The smile that captured my heart.

"Magpa-heart transplant ka ulit," diretso kong sabi. Napayuko lang siya. "Sisi..."

"T-there is no assurance for me to live after another heart transplant, 50-50 ang chance ko para mabuhay. At...at kung mabubuhay man ako, how can we be sure that my body will take the heart? P-paano kung i-reject nito ulit? Magpapa-heart transplant ulit ako? Hanggang kailan? Hanggang sa mag-collapse ang katawan ko? Until I die?" sabi niya.

"50-50 man ang chances, still you have a chance to live. Ayaw mo na bang mabuhay? Ayaw mo na bang makasama ang pamilya mo? Ayaw mo na ba kong makasama?" tanong ko.

"That's not the reason, Lulu. Alam mo ‘yun... I wanted to live as long as I can pero hindi ko na kaya. Hindi na, a-ayoko na."

"You can... Sinasabi mo lang na hindi mo kaya, but you can if you want to... Sisi, kaya mo. Isipin mo na lang na pagkatapos ng lahat ng sakit, puro saya na lang di ba? ‘Yan ‘yung sabi mo sa akin dati, 'di ba? You're strong, you're brave kaya mo. Kaya mo ‘yun," nangingilid ang luha niya.

"P-paano kung hindi? A-ayoko ng...ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. A-ayoko ng pahirapan pa sila mama at papa, pati i-ikaw. A-ayoko ng umasa sa bagay na walang kasiguraduhan," pumatak na ang mga luha sa kanyang mga mata kaya niyakap ko siyang muli.

"A-alam ko, natatakot ka...natatakot ka sa mga mangyayari pero isipin mo ang mga magulang mo, isipin mo ako. We are here for you, I'm here for you, Sisi. Hindi kita iiwan, makakaya mo makakaya natin. I need you, Sisi. Hindi ko na alam ang buhay ko kapag iniwan mo pa ako ulit, kaya nakikiusap ako...pakiusap, magpa-heart transplant ka ulit," hindi siya sumagot. "I love you, Sisi.. I don't want to lose you again. I will die," kumalas ako sa yakap namin at hinawakan ang kamay niya at hinalikan ‘yon.

"Don't give up please. We will not leave you even a second. Magtiwala ka lang, dahil naniniwala kami sa iyo. Naniniwala akong makakaya mo at malalagpasan mo dahil malakas ka, d-dahil ikaw ang pinakaluka-lukang babaeng nakilala ko. And I know, kaya mo. I love you... Mahal na mahal na mahal kita..." tumulo ang luha ko at pumatak ‘yun sa kamay niya.

Inangat niya ang mukha ko at pinatingin niya ko sa kanya.

"Mahal na mahal din kita, Lulu..." pinahid niyang muli ang mga luha ko. "W-wag ka na nga umiyak…n-naiiyak na rin ako eh. Tandaan mo ‘yun ah, mahal na mahal din kita at ayoko ring iwanan ka pa ulit," tapos niyakap niya ko ulit.
"I will, magpapa-heart transplant na ko ulit."

-
Next chapter will be posted again tomorrow. Thank you for reading! Don't forget to vote po! ❤

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon