Day 1: A Big Trouble
PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOU COPIES NOW! Thank you!
Nakauwi na ako sa bahay, ngayon dapat ang unang araw namin no'ng babaeng baliw na stalker ko pero tinakasan ko siya sa school.
Maaga ako umuwi, hindi ko na pinasukan 'yong last two subjects ko, mahirap na baka maabutan pa ako ng luka-lukang babaeng iyon at ayoko siyang makita ngayon.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala, iniisip ko pa rin kung paano nga ba ako napapayag ng babaeng iyon sa gusto niya! Damn! Hindi kaya hinypnotize niya ako?
Uso kasi ngayon 'yong mga nanghi-hypnotize. Napailing na lang ako.Sabagay, maganda naman siya kaya pwede na rin but damn! Ipinangako ko na sa sarili kong hindi na ko lalapit sa kahit na sinong babae! Panira lang sila sa buhay! Except kung mag huhubad siya sa harapan ko.
"Please just seven days with me. Please! Then after no'n, hinding-hindi na kita susundan ulit, hindi na kita guguluhin pa..."
Pero siya na rin naman mismo ang nagsabi na after seven days, hindi na niya ako guguluhin. Kapag hindi niya ginawa 'yon, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mawala siya sa buhay ko.
Narinig kong may gumalabog sa kabilang kwarto, sa kwarto ng parents ko. Hindi na ako nagulat, dahil umalis at bumalik ako sa bahay ay lagi namang ganoon kapag nandito sila. Lagi naman silang nag-aaway. Wala na silang ginawa kundi ang magbangayan.
Hiwalay na sila, actually broken family kami. Parehas na may sarili na silang pamilya. Si Mama, sa Canada nakatira at si Papa sa Japan. Umuuwi lang naman sila rito sa bahay namin--ko lang pala kapag gusto nila para daw madalaw ako at makamusta. But I don't need they're presence here, sanay na ako ng wala sila. Sanay na ako ng mag-isa. Umpisa pa lang naman ay pinaramdam na nila sa akin na wala sila sa tabi ko, tanging pera lang nila ang nabibigay nila sa akin.
Akala ng lahat perpekto ako, mayaman, matalino, good looking, athletic. A man that every girl could dream of. Pero isang bagay ang wala ako, wala akong pamilya at wala akong natatanggap na pagmamahal. Wala.
Okay na sana ako ng dumating sa akin si Scarlett, kasi ibinigay niya sa akin ang pagmamahal na hinahanap ko pero katulad ng mama ko, katulad ng papa ko. Iniwan niya rin ako, ipinagpalit sa iba. Nakita ko lang namang nakikipag*** siya sa condo niya.
Tanggap ko na sana kung ipagpapalit niya ako sa isang matino sa akin, pero sa isang mukhang aso niya ako ipinagpalit. Hindi ko alam na 'yong mga asong-kalye pala ang tipo niya.
What a freakin' life I have? Well, I guess. I'm not that lucky as they thought.
My life was totally a mess and I hate it.
Bago pa ako tuluyang mairita sa pag-aaway ng dalawang matandang iyon ay lunabas na ako ng bahay papunta sa isang convenience store malapit sa amin. Makabili ng beer, sa pagkakataon kasing ganito, ito lang ang kaibigan ko.Mag-aalas-siete na pero wala pa rin akong balak umuwi. Ayokong may maabutang tao sa bahay, medyo nakakailang bote na ako ng beer pero wala akong pakialam. Naglakad lang ako nang naglakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta bahala na ang mga paa ko.
"Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw sa akin ng isang lalaki matapos ko siyang mabangga.
"Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo! Alam mo na ngang naglalakad ako, humarang ka pa sa dinaraanan ko. Are you stupid?" sigaw ko sa kanya tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ng pagewang-gewang. Wala akong pakialam sa kanya.
"Teka! Mayabang ka pala! Anong akala mo palalagpasin kita? Nagkakamali ka!" hablot nito sa akin sabay suntok sa pisngi ko.
"Shit!" nasabi ko na lang. "Sinong nagsabi sa iyong saktan mo ang maganda kong mukha? Gusto mo bang mabasag ng tuluyan 'yang ubod ng pangit mong mukha?" nagising ang diwa ko.
BINABASA MO ANG
Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)
Teen FictionStill available in bookstores nationwide at only 100 php! GRAB YOUR COPIES! Thank you! 😊🤗❤ Isang araw bigla na lang may nagpakitang isang babae kay Lelouch, si Yassie ang babaeng luka-lukang nanggulo sa tahimik niyang buhay. Sa unang paghaharap ni...