"Bkit nmn ako magseselos,?,wala akong karapatan,,ako nga my fiance na,,pero hindi tama to,,,bkit ba ko nagkakaganito?" paikot ikot at hindi mapakali si Mateo ng banyo habang iniisip niya si Aliah at ang katawagan nito...
Nasa may veranda ng mansiyon si Aliah noon at katatapos lamang ng tawag niya kay Rohann.. Nakatingin siya sa may labasan na kitang kita ang ganda ng paligid at ang kanayunan sa ilalim ng burol." sakto ito sa sisikatan ng araw kya napakaganda siguro doong mg tambat pra manood ng sunrise... Napapangiti siya habang ninamnam ang ganda ng paligid...
Saktong labas nmn ni Mateo at doon lamang ang daanan papasok sa loob ng bahay.. Nakita niya ang dalagang nakangiti at naisip na baka dahil sa kausap nito kanina..
Nag aalinlangan siyang dumaan doon.. Pinagmasdan muna niya ang dalaga na hindi siya nakikita...Lalo itong gumanda sa paglipas mg panahon.. Bumagay pa ang blonde hair niya sa maputi niyang kutis.. At ang perpektong binti nito na parang hindi nagagalusan.
Tumaas ang titig niya sa mukha ng dalaga na sakto namang tingin sa kanya. Napawi ang ngiti sa mukha ng dalaga at nagseryoso ang kanyang mukha..
Humakbang si Mateo papalapit sa dalaga.. Prang isang prinsipe na papalapit sa kanyang prinsesa.. Animoy isang scene sa sikat na nobela na romeo and juliet kung saan nsa terrace si Juliet at pinuntahan siya roon ni Romeo at naganap ang second kiss nila ni Romeo and Juliet...oooppppss
"Nasobrahan ata ang pag iimagine ko.. Gising Aliah.."saway niya sa kanyang pag iisip
.
Hindi na niya namalayan na mgkalapit na silang dalawa.. Hindi na rin niya mapigilan ang tibok ng puso niya na prang lalabas sa kanyang dibdib sa sobrang bilis nito.. Hindi rin siya makatingin ng diretso kay Mateo lalo na ng kunin nito ang kanyang mga kamay at itapat sa puso ni Mateo.. Damang dama niya ang lakas ng tibok ng puso ng binata na halos pareho ng sa kanya.."nararamdaman mo ba ang puso ko?mgayon lamang ulit tumibok at sumigla ng makita kita.., hindi paan kita nakikita at boses mo pa lang ang narinig ko na hindi ko nmn sigurado na ikaw nga iyon ,nag ririgodon na ang puso ko.. Lalo na ngaun na nsa harap na kita.. Walang pinag bago, ganun pa rin Aliah at mas tumindi pa..."..
Hindi tlga marunong magsinungaling si Mateo pagdating sa nraramdaman niya. Ni wala siyang pakialam sa mga pwedeng msaktan sa pligid niya. Basta alam lang niya ay tapat ang puso niyang nagmamahal pa rin kay Aliah..
"Mateo.." sabay bawi ng kamay niya sa binata at nakatungo pa rin hanggang ngaun...."ano bang simasabi mo,,matagal ng panahon yun. My sari sarili na tayong buhay.. Sana kalimutan-.." hindi na siya nkpgsalita ng hawakan siya nito sa mgkabilang pisngi at halikan siya sa mga labi...
Gustong mg protesta ng isip niya at inuutusan siyang itulak niya ang binata at saka tumakbo palayo dito...
Ngunit ang puso niya naman na nag uutos na tugunin ang mga halik na iginagawad ng binata,pumikit at namnamin ang bawat halik na mtgal na nilang hinihintay.. Halik ng totoong nagmamahalan.. Halik na kinasasabikan ng bawat isa...
At nanalo nga ang puso niya...
Nagtagal din sila sa ganoong sitwasyon. Dalawang taong hangad lamang ay ang totoong pagmamahal.. Nag eecho pa rin sa utak ng binata ang sinabi sa kanya ng matanda na ipaglaban ang totoong pagmamahalan at makakamtan niya ang totoong kaligayahan... Malamang ay tama ang matanda dahil ngaun pa lang na halik pa lamang ang pinagsasaluhan nila ay sobra sobra na ang ligayang dulot nito sa kanya.. Paano pa kung mkakasama niya ito habambuhay at maging kabiyak ng puso niya.. Wala na siyang ibang hahanapin pa...
Natauhan si Aliah at bigla siyang kumawala sa mga halik ng binata at tumalikod roon. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga at lumayo ng bahagya kay Mateo.. Nilapitan nmn siya nito at niyakap sa my likuran niya at inihilig pa ang kanyang ulo sa batok ng dalaga.. Walang ngsasalita sa dalawa.. Malalakas na paghinga lamang ang maririnig nila sa isat isa at prang ang mismong mga puso nila at isipan ang nag uusap.. Sinasabi ng utak nila na hindi maaari pero lumalamang ang mga puso nila at sinasabing mahal na mahal nila ang isat isa. Mas hinigpitan pa ni Mateo ang pagkakayakap sa dalaga hanggang hindi na niya mapigilan ang nraramdaman at muling iniharap sa kanya ang dalaga at hinalikan itong muli... Napapikit na lamang si Aliah habang ang dalawang kamay niya ay nakatuon sa dibdib ng binata
. Anumang oras ay maaari niya itong itulak papalayo sa kanya ngunit ngiging mahina ang mga braso niya at hindi magawang itulak ang binata.. Gusto rin niya ang nangyayari.. Gustong gusto niya ito...Isang sigaw ang nagpahinto sa kanila.. Nakita sila ni Tin na noon ay kagagaling lamang din sa may banyo..
"Mateo, Aliah ,,! Anong kalolohan ito ha?!" sabay nilapitan sila nito at sinampal niya sa Aliah sa pisngi...
"Ma,anu ba.. Wala siyang kasalanan.. Ako ang lumapit sa kanya.." pagsuway ni Mateo saka hinawakan ang pisngi ng dalaga at niyakap niya ito...
"mga makasalanan,layuan mo siya Mateo,nahihibang ka na ba!?,walang magandang maidudulot ito.. Engaged ka na Mateo at nsa loob ng fiance at future parents in law mo.. Paano kung sila ang nakakita sa inyo? Malaking gulo ang gagawin mong ito sa pamilya natin at sa ibang tao tandaan mo yan!"... Pasigaw na wika ni Tin sa dalawang mgkayakap...
"bkit palagi na lamang ibang tao,? Hindi ba maaaring yung nararamdaman ko nmn ang pagbigyan ko?"... Pasigaw na ring wika ni Mateo sabay inihilig niya ang ulo ni Aliah sa dibdib niya at hinagkan ang ulo ng dalaga..
"hindi maaari,, my god... Magkadugo kayo Mateo, Aliah.. Hindi ba kayo ntatakot sa Diyos? Tigilan nyo na yan please lang"... Halos ngmamaka awang sambit ng kanyang ina..
Naroon na pla si Melissa at rinig nya ang huling sinabi ng ina ni Mateo..
"magkadugo silang dalawa? Pero bkit sila mgkayakap? Ano bang nangyayari? Bkit ganito?" naguguluhang wika ni Melissa na tumulo ang luha ng hindi niya namamalayan..
Napatingin sa kanya si Mateo at nagulat ito pagkakita sa dalaga..
"Melissa?"....
BINABASA MO ANG
LOVE STORY_Forbidden Love (Your Song Presents: Book 4)
RomanceAliah De Vera at Mateo Clavel... Parehong lumaki sa karangyaan. Nakukuha ang luho sa katawan. Palaging numero uno sa eskwelahan at pala kaibigan.. Lumaki rin sila na may takot sa Diyos. At dahil magpinsan ang ina nila ay close din sila sa isat isa...