Chapter 25

23 0 0
                                    

Hindi masyadong nakatulog si Aliah dahil sa pag aalala niya kay Mateo kya maaga na lamang siyang naligo at ngplanong lumabas at mg isip isip.. Sinabi ng mama niya kgbi bago siya pumasok sa kwarto niya na tuloy dw ang kasalan ngaun. Sobrang sakit pra kay Aliah ang narinig niya. Nag aalala siya sa kalagayan ni Mateo at kung papaano itong napilit na matuloy ang kasal..

Dumating ang mg asawang Althea at Angelo sa bahay nina Aliah.. Kaagad nmn itong sinalubong ni Gelo na anak ng mga ito.. Si Aliah ang apo nila kay Gelo.. Masya sa bahay dahil nakompleto sila.. Ngunit sa puso ni Aliah ay may pait at dalamhati..

Nagpaalam siya sa mga ito at sinabing may pupuntahan lamang siya. Pinayagan nmn siya ng ina.. Naglalakad na siya sa labas ng mansiyon ng maramdaman niyang prang may sumusunod na isang puting van sa may likuran niya. Nagmadali siya sa paglalakad hanggang mramdaman niys muling huminto ito at may nagsibabaang mga lalaki...
Tatakbo na sana siya ng bigla siyang sunggaban ng isa at takpan ang kanyang mukha dahilan ng kanyang pagkahilo at tuluyang makatulog.. Ipinasok siya sa van ng mga lalaki saka isinara at pinatakbo na ito..

"boss areglado.. Hawak na namin ang dalaga.." sabi ng isang lalaking ksama sa pagdukot kay Aliah na walang malay noon..

Maya mya ay nakarating na sila sa bakanteng lote kung saan dadalhin si Aliah. Wala pa ri. Itong malay kaya binuhat na siya ng isang lalaking kasama roon. Mejo naalimpungatan na si Aliah at nraramdaman niya na prang buhat buhat siya ng kung sino..

Ng makadilat ay ngpumiglas siya kya muntik na siyang mabitawan nito.. Nagsisigaw rin siya at humihingi ng tulong...

"ibaba mo ko,sino ba kayo ha? Sinong nag utos sa inyong dukutin ako?"...

Walang nagsasalita ni isa sa kaniLa...

Samantalang sa loob ng simbahan ay unti unti ng nagsisidatingan ang mga bisitA,mga abay at lhat ng kasama sa nasabing kasalan.. Mganda ang ayos ng simbahan at kulay ang pink ang kulay ng soot ng mga abay. Maging ang mga lalaki ay kulay pink rin na shirt na punatungan lamang ng puting long sleeve...

Nakaready na ang lahat.. Nanroon din ang mga kaibigan ni Mateo.. Ang pamilya De vera na sina Althea at Angelo, Samantha at Gelo, ngunit wla roon si Aliah.. Sa kabilang gilid nmn ay naroon din sina Justin at anak na ni Bernard kasam ang asawa at isang anak, sina Tin at Eman.. Dumalo rin sa kasalan ang tres marias na kaibigan ni Sam na sin Charm, Crizzy at Trish na walang pinagbago at makukulit pa rin.. Animoy isang reunion sa mga nobela mula book 1 hanggang book 4 ang nangyayari... ( hehe ) ... Ang lahat ay matyagang naghihintay sa bride.. Naroon na ang groom at kapapasok lamang sa loob. Naglakad na ito papuntang alatar at hindi maipinta ang mukha niya... Abang na abang nmn ang iba sa pagdating ng bride...

....
Samantalang si Aliah nmn ay halos hindi alam ang gagawin dahil sa kaba niya.. Maya mya pa ay may nagsalita sa bandang likuran niya.. Ng lingunin niya ito ay laking gulat niya ng....

"Rohann? Paanong.... Bakit mo ko pinadukot?"... Ngtatakang tanong ni Aliah...

"isa lang.. Dahil namimiss na kita at gusto kitang sorpresahin..".. Pangitingiti pa ito...

"nababaliw ka na ba? Muntik na akong atakihin sayo sa ginawa mo..." napangiti na si Aliah at nakahinga ng maluwag ng makita si Rohann..

Nilapitan siya ni Rohann saka nagsalita..

"hindi mo ba ko na miss?"...

Si Aliah nmn na naiilang dito ay umiwas ng tingin dahil itong si Rohann masyado kung makalapit..." hindi,bkit kita mamimiss..?"...

"ewan ko sayo Aliah,pakipot ka pa tlga..." sabay hila niya kay Aliah.

"teka saan tayo pupunta? Saan mo ko dadalhin?.." ngtataka na namang sabi ni Aliah sa binata...

"sumunod ka na lang kasi... Huwag ka ng maingay..."... At hinila na si Aliah papasok ng kotse.

Kinukulit pa rin niya si Rohann kung saan sila pupunta.. Sa isang maliit na bahay ampunan sila nakarating ni Rohann. Huminto ang sasakyan doon at bumaba si Rohann. Pinagbuksan niya si Aliah at saka iginiya pababa ng sasakyan. Hindi mahulaan ni Aliah kung ano bang nangyayari sa ngayon basta sumunod na lamang siya sa mga ginagawa ni Rohann.

Pagbaba nila roon ay nakita niya ang mga batang abala sa paglalaro. May mga nagkukulitan pa sa damo paroon. Napangiti siya at tumulo ang kanyang luha dahil gusto niya tlga na magka anak. Ngunit wala na pag asang mangyayari pa iyon gayung sa mga oras na ito ay malamang ikinakasal na sina Mateo at Melissa... Ang lalaking gusto niyang pag alayan ng sarili at lalaking gusto niyang maging anak ng mga anak niya ay bubuo na ng pamilya ..... Ngunit hindi sa kanya..

Nalungkot ang mukha ni Aliah sa mga isiping iyon at hindi ito nakawala sa paningin ni Rohann. Kanina pa siyang pinagmamasdan nito mula ng sila ay bumaba sa kotse...

"Rohann,bakit tayo narito?"... Matamlay na wika ni Aliah..

Hindi sumagot si Rohann bagkus ay ngumiti lamang ito kay Aliah.. Hindi pa iyon ang oras pra mgsalita siya. Pagdating na lamang ng taong hinihintay niya...
...
Nagkakagulo na sa simbahan dahil wala pa ring bridal car na humihinto,wala pa si Melissa. Halos labing limang minuto na silang naghihintay at kinakabahan na ang mga tao roon pati mga magulang ni Mateo at maging ang kay Melissa...

"sunduin na natin si Melissa,bka kung napaano na anak ko.." wika ang ginang na ina ni Melissa..

Napaptayo na rin ang mga taong naroroon ngaun sa loob ng simbahan.. Ang pari na mgkakasal sa kanila ay napapatingin na sa orasang nakasabit sa gawing itaas ng haligi malapit sa mga sakristan.. Naiinitan na rin ito kaya pinabuksan niya sa isang sakristan ang bentilador...

....
Sa ampunan naman...

"Rohann wala ka ba tlgang balak magsalita? Ano ba tlgang problema mo at dinala mo ko dito? At at -"....

Nagsalita na rin si Rohann sa wakas...
"heto na pla siya..." sabay turo sa nsa likuran ni Aliah...
Napalingon ang dalaga at nakita niya si...

"Melissa?" ..... Bulalas ni Aliah

Naisip niya kung bakit narito ang dalaga at wala man lang kaayos ayos samantalang ikinakasal siya dapat ngaun kay Mateo...
Walang sabi sabi ay hinila niya si Aliah sa loob ng ampunan at pagpasok sa loob ay nagulat si Aliah sa kanyang nakita...
Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala dito...
...

LOVE STORY_Forbidden Love (Your Song Presents: Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon