Naging mabilis ang recovery nilang dalawa. Unti unti na ring bumabalik ang normal na buhay pra kay Aliah habang si Mateo naman ay tuloy lamang ang pagpapanggap na may amnesia siya.. Nakagabay sa kanya si Melissa at magulang niya..
Si Aliah na ngaun ay kausap ang lola niya sa tuhod at nagtatawanan sila habang pinagmamasdan ang mga lumang litrato nila,.. Isang family picture kung saan naroon si Sam,mama at papa ni Sam,pati na rin ang lola sa tuhod na kausap niya at asawa nito na lolo sa tuhod niya.. Mayroon ding iba pang mga kamag anak na nsa picture..
Magkasing hawig tlga sila ni Sam. Nakita niya na halos mgkasing hawig sina Sam at yung isang batang nsa litrato.."lola,sino po itong nsa kabilang litrato?bkit hawig siya ni mommy? Nsaan na po siya ngaun?" maraming mga tanong si Aliah sa lola niya..
"Si Christine yan anak, ang ampon na anak ng anak kong panganay.. Nsa pamilya natin ang mga baog. Mabuti na lamang at nagka anak itong si Sam kahit iisa lamang kya apo mahal na mahal kita at lhat ng mgpapasaya sayo ay gagawin ko.. " nakangiting wika ng lola niya..
Nakatingin pa rin siya sa ibang litrato at hindi pa pumapasok sa kanyang utak ang sinabi ng lola niya kanina lang.. Hanggang makita pa niya ang ibang litrato nina Tin at Sam na mgkasama at malalaki na ang mga ito... Naging marahan ang pagbuklat niya roon at unti unting napatitig sa lola niya na wala naman kaalam alam sa namamagitan sa kanila ni Mateo..
Isang luha ang pumatak sa mga pisngi niya at nagtuloy tuloy na ito hanggang sa natuloy sa pag iyak... Nabagabag ang kanyang lola. Wala pa naman doon si Sam dahil may inaasikaso siya pti na rin si Gelo ay wala rin. Magkasama silang umalis kanina lamang..
Yumakap si Aliah sa lola saka nakangiting pinapahiran ang kanyang mga luha... Napabulong siya na may sigla sa mata kahit may mga luha ito..
"mg pinsan nga kami pero hindi kami magkadugo ni Mateo..." mas humigpit ang yakap niya sa lola niya na noon ay may pagka ulyanin na.. Minsan pa nga ay tinatawag siyang Sam nito. Yumakap rin ang lola niya sa kanya...
....
"maayos na ang lahat, sa isang linggo ay gaganapin na natin ang pag iisang dibdib nila.. Hindi na tututol si Mateo dahil mahal niya si Melissa at alam kong mahal din siya ni Melissa, kya pinsan hanggat maaari sana ay mapabalik mo na sa Singapore si Aliah bago pa man ang kasal. Ayoko magkaroon pa ng problema. Dapat nating isipan ang mga bata.. Pra sa knila ang ginagawa natin... "sabi ni Tin sa pinsan niyang si Sam..."oo, Sam makaka asa ka. Ito rin ang nais kong mangyari. Ayoko rin naman na patuloy na masaktan ang anak kong si Aliah. Kailangan niya na rin ng buhay na sarili na hindi kasama si Mateo.." pagdudugtong nmn ni Sam...
Mgkausap rin sa kabilang gilid sina Eman at Gelo at gaya ng mga asawa nila, pabor din sila doon pero may konting pagtutol kAY Eman dahil pra sa kanya,dapat ikasal ka lamang sa taong sigurado kang mahal mo pero labag mancsa kanya ang gagawin ay napapayag rin siya ni Tin dahil ito ang nararapat..
Nakaset na ang kasal nina Mateo at Melissa ngunit hindi nila pinaalam sa dalawa ito. Sorpresa na rin nila pra sa dalawa. Maging ang bagong bahay ay hindi nila sinasabi kay Mateo na buong akala nila ay hindi iyon naaalala..
Lumabas sina Mateo at Melissa noon pra mamasyal. Nagpunta sila sa isang bahay ampunan kung saan napakaraming batang naglalaro. Gustong baguhin ni Melissa ang nakaraan nila ni Mateo na hindi raw nito maalala. Lumapit si Melissa sa isang madre at nakipag usap siya rito.. Nagtataka naman si Mateo dahil noon lamang siya nakarating doon pero ang sabi ni ni Melissa ay madalas silang nagpupunta rito dati.. Doon pa lamang ay alam na niyang nagsisinungaling lamang ito...
Isang batang lalaki ang akay akay ngaun ni Melissa at papunta sa kinaroroonan nila. Nahihuya pa noon ang bata dahil mga bagong mukha ang nakikita niya.
"hon,siya yung bata na gusto mong ampunin natin dati. Gusto mo kasi siya maging anak.." sabay tingin sa batang palingon lingon sa isang madre na kaharap lang din nila..
Matangos ang ilong ng bata at maputi ito. Halos nakakahawig ni Melissa ang mga mata at maganda ang tubo ng buhok nito.. Bagay na bagay sa hugis ng mukha niya..
Nakisakay na lamang si Mateo sa nangyayari. Nakipaglaro na lamang siya sa bata at kita niya na masaya si Melissa. Nakagaanan nmn niya ng loob ang bata at nawala na rin ang hiya ng bata sa kanila. Nalaman ni Mateo na Timothy ang pangalan ng bata. Ngsimula na rin itong magkwento sa kanila. Pinagmamasdan lamng sila ng isang madre sa may di kalayuan. Hindi na nmn ito nakinig sa usapan nila.
"magiging maayos na ang lahat para sa inyo Melissa at san magtuloy tuloy na itong kaligayahan mo. Sana makita mo na tlga ang totoong mgpapasaya sayo at sana siya na tlga ang lalaking mgmamahal sayo ng tapat. Ang lalaking mgbibigay ng apilyido sa anak mong si Timothy at lalaking mamahalin kayong dalawa." sabi ng madre sa di kalayuan sabay umalis na rin ito..
....
Sa airport ...Kabababa lamang ni Rohann at ngaun ay palabas na at pasakay ng taxi. Sinadya niyang hindi sabihin kay Aliah ang pagdating niya. Marami rin siyang nabalitaan kasama ang pgkaka aksidente ng dalaga. Gusto niya itong sorpresahin sa pgbabalik niya... Namimiss na rin niya ito at dahil alam nmn niya ang address ng dalaga ay madali niya itong mapupuntahan.. Pero sa ngaun ay kailangan niya munang makauwi sa bahay niya sa Bulacan dahil my dapat rin siyang tapusin at malaman..
....hindi nmn mapakali si Aliah sa bahay nila.. Palakad lakad at paikot ikot siya.. Gusto niyang puntahan si Mateo at sabihin ang lahat... Pero paano naman iyon kung hindi nga siya maalala ng binata..."bakit ngaun pa Mateo.. Kung kailan namang pwede na.. Pwede na tayo...."
...

BINABASA MO ANG
LOVE STORY_Forbidden Love (Your Song Presents: Book 4)
RomantikAliah De Vera at Mateo Clavel... Parehong lumaki sa karangyaan. Nakukuha ang luho sa katawan. Palaging numero uno sa eskwelahan at pala kaibigan.. Lumaki rin sila na may takot sa Diyos. At dahil magpinsan ang ina nila ay close din sila sa isat isa...