Chapter 1: Cindy

47 2 2
                                    

Chapter 1: Cindy

Third Person's POV


"Ok Good, beautiful, good pose" busy ang photographer sa pagkuha ng mga magagandang litrato kay Cindy, habang ginagawa naman ni Cindy ang kanyang lahat na makakaya na bigyan ng magandang pose at angle ang kanyang photographer.

Masaya naman tiningnan ng mga crew at photographer ang mga litratong nakuha para sa clothing line na iniindorso at mamanahin ni Cindy. Hindi kasi mahirap kuhanan ng tama at magagandang anggulo ang modelo dahil sa taglay nitong magandang mukha at pagiging Professional nito sa trabaho kahit siya ay baguhan pa lamang.

Ang Cindy Blue ay ang Fashion Company na mamanahin ni Cindy sa kanyang Ina na si Cortney Zaragosa. Kahit mahilig sa Fashion, hindi alam ni Cindy na makakaya pa niya ang pressure sa pagpapatakbo sa isang kompanya. Pero kahit ganun willing naman siyang pag-aralan ang pagpapatakbo nito at maging responsable at hardworking na CEO sa kanilang kompanya.

Si Cindy ay bagong modelo ng kompanya at ipapakilala na siya sa publiko next week. Kasabay sa pag labas ng mga bagong clothing lines na iniindorso niya.

Agad naman siyang nagpaalam sa mga crew ng photoshoot na naganap na kakstapos lamang at umalis kasama ang kanyang personal butler/bodyguard na si Butler Ken.

Si Butler Ken ay para na niyang kuya dahil anak ito ng mayordoma nilang labis na pinagkakatiwalaan ng kanilang pamilya. Kaya minsan na niyang hiniling dito na Cindy nalang ang itawag sa kanya. Pero hindi pumayag ang butler dito kaya napagkasunduan nilang tatawagin lamang niya ang dalaga sa kanyang unang pangalan kapag sila lang dalawa ang magkasama.


Kasalukuyan silang nakasakay sa kotse ni Cindy pero Si Butler Ken ang nagmananeho papunta sa isang mall para mag grocery at bumili ng mga gamit.

~SM (Somewhere in Manila) Mall~

Naglalakad sina Butler Ken at Cindy papuntang Grocery Area nang makuha ang atensiyon ng dalaga ang isang karaoke shop kaya naphinto ito sa paglalakad.

♪Katulad mo na may pusong batooo!

Katulad mo na may pusong batoooo!!!~ ♪

Maganda kasi ang boses na narinig niya, boses ng isang babae, ang boses ay pamilyar sa kanya, pakiramdam niya narinig na niya ito pero hindi niya alam kung saan at kailan.Hindi niya makita ang mukha ng babaeng kumakanta dahil pinagkukumpulan ito ng mga tao. Nagtataka naman siya kung bakit pinili ng babaeng kantahin ang 'Pusong Bato' dahil siguradong mas gaganda ang boses nito kung mellow ang pinili nitong kanta.

Pupunta na sana siya patungo sa nagkukumpulang mga tao para silipin kung sino yung kumanta pero hinawakan siya ng Butler niya sa kanyang balikat.

"Young Lady, kailangan na po nating bumili ng mga gamit" Sabi ng Butler

"Kuya tayo lang dalawa kaya Cindy nalang ulit ha?" sabi niya sa kanyang Butler at hinawakan ito papasok sa Grocery Area


bumili sila ng mga biscuits , milk , chocolate drinks at food supplies na kasya sa isang buwan.

Pagkatapos i pa counter ay agad silang bumili ng mga gamit.
Pagkatapos bayaran ay nilagay nila ang kanilang mga pinamili sa kotse.

Si Butler Ken ang driver habang nakaupo naman sa passenger seat si Cindy. Hindi kasi siya kasya sa backseat dahil sa dami ng pinamili nila na halos umabot sa 6 na cart.

Pagkatapos ng ilang minuto sa pagmamaneho ay nakarating na sila at nakaharap ang kanilang kotse sa isang luma pero hindi naman nakakatakot na Mansion. Pumasok na sila sa Mansion dala ang kanilang mga pinamili.

" Good afternoon mga bata!" Masayang bati ni Cindy sa mga batang naglalaro sa malaking sala ng lumang Mansion.

"Ate Cindy!" sigaw ng mga bata na tumatakbo para yakapin siya

"Kumusta na kayo?" Tanong niya sa mga ito nang kumalas na ito sa yakapan.

"Ok lang po kami ate Cindy" sabi ng isa sa mga batang yumakap sa kanya kanina. Ginulo niya lng ang buhok nito.

"Cindy, iha" napalawak naman ang kanyang ngiti nang makita niya kung sino ang tumawag ng pangalan niya

"Mother Teresa" masaya niyang bati dito at yumakap sa madreng tinawag niyang 'Mother Teresa'

"Halika sa opisina ko iha at doon tayo mag-usap" Mother Teresa

Masaya silang nagkuwentuhan at nagkamustahan, paminsan-minsan tumitingin sila kay Butler Ken na masayang nakikipaglaro sa mga bata sa playground ng bahay ampunan na nasa malawak na bakuran ng lumang Mansion tanaw na tanaw kasi ito mula sa opinsina ni Mother Teresa

"Iha salamat sa mga tulong na ibinigay mo sa St. Catherine's Orphanage" Mother Teresa

"Naku wala po yun Mother Teresa" Cindy

"Napakabait mo talagang bata, Maraming salamat iha" Mother Teresa

Naputol naman ang kuwentuhan nina Mother dahil marahang kumatok si Butler Ken at pumasok sa opisina

"Young Lady, kailangan na po nating pumunta sa susunod na photoshoot niyo" Butler Ken


Ang pagtulong sa St. Catherine's Orphanage ay nakagawian na niya dahil dati nang tumutulong ang kanyang mga magulang dito simula bata pa siya.

kahit ayaw munang umalis ay nagpaalam muna sila kay Mother Teresa at sa mga bata bago umalis sa bahay ampunan at pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang kanyang Photoshoot

~°~
Naging maayos naman ang kanyang photoshoot, nakakapagod nga lang.

Back to School ang theme ng mga Bags at accessories na ginawa ng Mommy niya. Malapit na kasi ang pasukan kaya nag-release sila ng mga designs na chic at cute ka na tignan pero komportable ka at nababagay ito sa dress code ng mga paaralan.

~°~

Siya si Cindy Zaragosa, 16 years old. Maganda, matalino, mabait at mayaman. Maraming nagkakagusto na lalaki, humahanga at naiinggit na mga babae dahil sa mga katangiang taglay niya. Mapagkumbaba, matulungin at simpleng babae. Mahinhin tignan pero kayang depensahan ang sarili. Palaging masaya, optimistic na parang walang dinadalang problema.

Nasa kanya na lahat, sabi nga nila.

ACES (A Cindy Ella Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon