Chapter 2: Ella

22 3 0
                                    

Chapter 2: Ella


-SM (Somewhere in Manila) Mall-

♪ di mo alam dahil sayo
Ako'y di makakain
Di rin makatulog
Buhat ng iyong lokohin

Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo

Katulad mo na may pusong batooo

katulad mo na may pusong batoooo!!~ ♪

Nag bow si Ella pagkatapos niyang kantahin ang kantang Pusong Bato gamit ang karaoke set na kanyang binebenta. Nagpalakpakan naman at naghiyawan ang mga taong nakapaligid sa kanya o mas magandang tawaging 'audience' niya sa kanyang 'mini concert' sa SM.

"O bili na po kayo ng karaoke set namin dito sa SM! Narinig niyo naman po siguro yung pagkanta ko diba? Kaya hindi kayo maghihinayang kung bibilhin niyo ang karaoke set namin! Hindi lng maganda ang KARA o Mukha, OKEyng-okey pa!!"

Agad namang pumasok ang mga tao sa isang shop kung saan binebenta ang naturang karaoke set. Maganda ang boses ni Ella kaya hindi mahirap makumbinsi ang mga tao na bumili ng kanyang binebenta.

Habang busy ang mga tao sa pagbili ay tinawag naman si Ella ng Manager ng kanyang pinagtatrabahuan.

"Bakit po Ma'am Carmen?" Tanong niya sa Manager. Ngumiti lng ito sa kanya.

"Gusto lang kita i-congratulate for a job well done, tingnan mo ang daming bumibili ng karaoke set na binebenta natin" Manager Carmen. Nahihiya naman siyang ngumiti pabalik dito.

"Wala po yun Ma'am trabaho ko naman po yun eh" sagot niya

"At tska ito pala, yung sweldo mo" may inilahad si Manager Carmen na puting envelope kay Ella na siyang dahilan kung bakit mas lumawak ang kanyang ngiti.

"Naku salamat po!" masaya niya itong tinanggap at iniligay sa bulsa

"You deserve it Ella"

~°~

Kasalukuyang nasa kitchen si Ella ng isang mamahaling Restaurant ang 'Italiano Restaurant'. Siya ang tagahugas ng mga kubyertos, plato, baso at iba pang gamit sa Restaurant. Matiyaga siyang naghuhugas hanggang sa may tumawag sa kanya.

"Ella!" Agad naman siyang napalingon para makita kung sino ang tumawag sa kanya.

"Oh ate Kristina bakit?" Si Kristina, isang server ng pinagtatrabahuan niya.

"Tawag ka ni Manager Liam" sagot nito. Napansin naman niyang nakangiti ito na kanya na para bang may nalalaman. Pero hindi nalang niya pinansan iyon.

"Ahh sige pupunta na ako" pinahid niya ang kanyang mga basang kamay gamit ang tuyong tuwalya at pansamantalang iniwan ang mga hugasin para puntahan si Manager Liam.

Marahan niyang kinatok ang pinto ng opisina ni Manager Liam.

"Pasok" sagot ng taong nasa loob ng opisina

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok.

"Pinapatawag niyo daw po ako Sir" sabi niya kay Manager Liam. Tumango lng ito at sumenyas na umupo siya. Agad namang umupo si Ella dahil ayaw niyang mainis ito sa kanya, may pagkasuplado kasi ito.

"Masipag ka Ella, kaya sa palagay ko, kailangan na kitang tanggalin sa posisyon mo ngayon na Tagahugas."

"Po?" Halata naman sa boses niya na kinakabahan siya at nagtataka kung bakit tatanggali siya dahil sa Manager na mismo nagmula na masipag siya.

Ang labo din nito ni Sir

"Yes tatanggalin kita bilang tagahugas because starting a day after tomorrow you will no longer wash the dishes but you will serve our customers their foods and drinks. Sa madaling salita, promoted ka na as a server"

Masayang-masaya siya sa narinig niya and at the same time nakahinga ng maluwag. Ang seryoso kasi ng mukha ng boss niya kaya napaniwala talaga siya na tanggal na siya sa trabaho, yun pala bilang tagahugas lng.

"And one more thing, ito yung sweldo mo ngayong buwan"

~°~

"Ella congrats!" sabi ni Kristina sa kanya habang nagbibihis.
Kasalukuyan silang nasa locker room ng mga babaeng employees ng restaurant.

"Salamat ate"

"Deserve mo naman yun, ang sipag mo kaya! Biruin mo ilang buwan ka pa lang dito pero promoted ka na!"

"Nakaka-overwhelm naman yang sinasabi mo ate"

"Totoo naman eh hehehe. Siyanga pala di ba day off mo bukas? Anong gagawin mo?"

"Hmmmm magpapa-enroll po ako sa Royal Blue Academy buka ate. Sige ate una na ako bye!" Sabi ni Ella pagkatapos niyang isara ang locker niya at kumaway kay Kristina.

"Sige bye Ella" rinig niyang sigaw ni Kristina bago siya tuluyang lumabas.

~°~

Pagkarating niya sa kanyang inuupahang apartment ay kaagad niyang inilapag ang shoulder bag niya sa isang silya. Sinet ang alarm sa cellphone bago natulog. Hindi naman siyang nag-abalang kumain dahil bago umuwi dumaan muna siya sa isang karinderya malapit sa apartment niya para kumain.

~°~

Siya si Ella Cordova, 16 years old. Maagang na ulila kaya naghahanapbuhay para mapakain at mapaaral ang sarili.

11 years old palang siya noong namatay ang kanyang mga magulang sa isang plane crash. Mayaman ang kanyang mga magulang pero walang kahit na isang kusing ang naiwan sa kanya dahil inangkin ito lahat ng mga kamag-anak niyang halos pakasalan ang pera. Pero may tumulong naman sa kanya na Kumare ng Mama niya, ito ay si Selena. Pinakain siya nito at tinulungan na makahanap ng trabaho. Pero namatay rin ito kamakailan lng. Marami na siyang napagdaanan sa buhay niya pero hindi siya nagpatalo dito at nagpanatili pa ding masaya yun kasi ang laging bilin sa kanya ng mga yumao niyang mga magulang na kahit anong mangyari ay magiging masaya siya.

Mabait si Ella pero hindi siya natatakot lumaban kapag alam niyang tama siya. Kahit maganda ay may taglay rin itong angas dahil bago namatay, tinuruan siya ng Daddy niyang depensahan ang kanyang sarili.

Don't underestimate and judge a book by it's cover ika nga

ACES (A Cindy Ella Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon